Chapter 48: Changes

25 6 5
                                    

Chapter 48: Changes

Dave's POV

May na at naka-graduate na si Tasha. Pati sina Grey at Earl naka-graduate na, kami next week palang. Pero bago ang lahat may isang bagay na hiniling sa akin si Tasha.

*Flashback*

(Babe, gagraduate na ako.)-sya

(Congrats, babe!)-ako

(Nagcocomplete ako ngayon eh. Ipapass ko nalang yung Thesis then tapos na.)-sya

(Buti naman, mahirap pag may incomplete.)-ako

(I have a favor.)-sya

(Ano yun?)-ako

(I need space. Can you give me some?)-sya

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang marinig ko yun. Ever since naging kami ngayon lang sya nanghingi ng space.

(U-uhmm, anong space?)-ako

(Cool off muna.)-sya

(B-bakit?)-ako

(Pagod ako sa 5 years na pag-aaral sa college. I need to give time to myself.)-sya

(A-ahh s-sige.)-ako

*End of Flashback*

Wala na akong nagawa kasi kabisado ko si Tasha. Ipipilit nyang makuha yung bagay na gusto nya, mawawala sa mood kapag di nya nakuha. Siguro around February ang hulo naming pag-uusap, yun yung time na akala nya buntis si Ashlyn.

Pero after all, sobrang proud ako sa kanya. Dahil dun sa deal, nagmature sya. Napractice nyang tumayo sa sarili nyang paa. Natutunan nyang maging responsible kahit na walang tumutulong sa kanya palagi.

I even love the way she gave efforts para matulungan ako. Hindi man nya anak si Yana, sobrang concern nya sa bata na kahit galit sa kanya si Ashlyn hindi pa rin nya dinamay. Pero siguro kung hindi sya nagmatured, malamang aawayin nya si Ashlyn.

Ilang buwan na kaming walang maayos na usapan. Siguro magchachat sya ng "Good morning, kain ka na." then after nun wala na. Mag-a-update lang sya sa akin na "aalis kami kasama ko si Nana at Winzie." tapos magsesend lang ng picture. Pero ako, bawat ginagawa ko sinasabi ko sa kanya. Hindi lang picture, selfie ko kung nasaan ako, anong hawak ko, anong ginagawa ko. Kahit nga nasa CR ako nagpipicture ako eh.

"Nag-uusap na ba kayo?" Tanong ni Nico. "Medyo." Sagot ko.

"Ilang araw nang di umuuwi yung papa mo. Dati twice a week ngayon isang buong linggo." Sabi nya. "Hayaan mo na, busy sa paghiga sa pera." Sagot ko.

"Nico, kumusta pala yung pag-apply mo? " Tanong ko sa kanya. "Walang tumatawag. Balak ko nga mag-tutor nalang kasi teacher pa rin naman yun." Tumango-tango ako bilang sagot. Mas naunang maka-graduate sa amin si Nico pero pinili nyang kumuha ng experience sa hotel nila Ashlyn. May branch naman sa iba't ibang bansa kaya pinili nya rito.

"Ikaw, Ashlyn?" Tanong ni Nico kay Ashlyn na kagigising palang. "Dito lang ako sa bahay." Sagot nya at tuloy-tuloy sa pagpasok sa kitchen.

"Hindi pwedeng ako lang ang nagtatrabaho para sa atin." Sabi ko. "Edi wag kang magtrabaho baka isumbat mo pa sa akin." Sagot nya. Nakakawalang gana sa bahay. Bakit ganun si Ashlyn? Bakit mas lumalala yung ugali nya?

Lumabas ako at nakarating ako sa gate pero humabol si Yana. "Why?" Tanong ko. "San ka pupunta, daddy?" Tanong nya sa akin. "Coffee shop." Sagot ko.

Naglakad ako palabas pero nakahawak sya sa kamay ko. Nakafocus lang ako sa cellphone at sya ay nagha-humming ng love song.

"Daddy, do you remember yung crush ko?" Tanong nya sa akin pagpasok namin sa coffee shop. "Yes." Tipid kong sagot. "He pushed someone kasi hinawakan ako sa kamay." Napatingin ako ako sa kanya pero nakangiti lang sya sa akin.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon