Chapter 4: Bad Day

100 8 0
                                    

Chapter 4: Bad Day

Tashana's POV

Matapos ang isang araw kong pahinga ok naman na ako. Bumalik na rin ang parents ko at nagpasalamat kay Dave dahil hindi raw nya ako iniwan nung may sakit ako.

"Babe!" Agad ko ulit sigaw nang medyo malate nang dating si Dave sa pagsundo sa akin. "Sorry ngayon lang." Sabi nya at inabot agad sa akin ang helmet. "Ingay mo." Sabi nya. Nag-peace sign lang ako.

Nakaabang naman ang mga kaibigan nya nang dumating kami sa school. Naglalakad kami sa hallway nang may bata kaming nakasalubong. Nadapa sya at umiyak nang malakas.

Hindi ko yun pinansin at maglalakad na sana nang hilahin ako ni Dave. "Tinulungan mo na sanang tumayo." Sabi nya. "Bat ko tutulungan? Ang ingay nyang umiyak." Sagot ko. "Sige lang wag mong pansinin yung rules." Sabi nya habang tinatayo ang bata at pinagpagan ito.

"Ok ka lang?" Tanong nya. Tumango ang bata. "Nasan yung mommy mo?" Tanong nya ulit. Hindi sumagot ang bata pero may tinuro sya. Binuhat ni Dave ang bata at dinala sya sa kung sino mang sinasabing mommy. Sumunod ako sa kanila.

"Good morning Mrs. Pelaez." Bungad ni Dave nang makarating kami sa dapat naming puntahan. "Hala, bakit umiiyak ang baby ko?" Tanong nya.

"Nadapa po sya eh." Sagot ko. Napalingon naman sa akin si Dave habang seryosong nakatingin. "Naku salamat sa inyo. Nag-aapura kasi ako at may iaabot ako sa principal sabi ko wag syang aalis sa bench. Hinabol naman yata ako." Sabi ni Mrs. Pelaez.

"Mukha nga po." Sagot ni Dave. "Salamat ulit ah." Sabi nya bago kami umalis.

"Hindi maganda yung ginawa mo Tasha." Sabi ni Dave sa akin. Iniwan nya ako dun at agad na naglakad habang hindi man lamang lumingon sa akin.

Pumasok nalang ako sa room. As always ingay agad ang bumungad sa akin.

"May assignment ka?" Tanong ni Winzie sa akin. "May assignment ba?!" Gulat kong tanong. Hindi ko naman na natanong kagabi dahil maaga akong nagpahinga para kasi akong walang lakas kahapon.

"Hala saan?!" Natataranta kong tanong. "Hahaha joke lang. Prank yun tinext kasi kita kagabi manghihiram sana ako ng speaker di ka nagrereply." Sabi nya. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Tasha!" Tawag sa akin ni Viena. Nilingon ko naman sya na kumakaway sa akin. Lumabas ako at pinuntahan sya.

"I-excuse mo nalang ako sa mga teacher natin. Sinugod sa ospital si tita eh." Sabi nya. "Sige sige ingat ka." Sagot ko. Lumakas na sya paalis at kumaway na parang sinasabi na thank you.

Pumasok na rin ako at maya maya pa ay dumating na ang teacher namin.

"Ngayon sinong pwedeng sumagot?" Inaantol ako at hindi ko rin alam kung bakit.

"Ms. Rousseff!" Napatingin naman ako sa harap. "Ma'am?" Napatanong naman ako sa kanya.

"Ms Rousseff! Ms. Rousseff!"

"Tashana!"

Bigla akong napatayo dahil sa sunod sunod na tawag sa akin.

"Bakit ka natutulog?" Napayuko ako dahil sa kahihiyan. "Sumagot ka!" Medyo tumaas na ang boses nya.

"Hindi po ako nakatulog nang maayos kagabi dahil nilagnat po ako." Sagot ko.

"Wala akong pakealam kung nilagnat ka! Ang gusto ko sa klase ko lahat nakikinig! Nasa gitna ka pa man din tapos ganyan ang asal mo?!" Sigaw nya sa akin.

Napatingin ang lahat sa akin. Gitnang gitna ang pwesto ko at ko sobrang nakakahiya na.

"Wag kang uupo hanggat di natatapos ang klase ko!" Sabi nya. Napatingin ako sa relo ko. 45 minutes pa bago matapos ang klase.

"Dun ka sa likod humarap ka sa pader tutal ayaw mo namang makinig." Sinunod ko nalang ang utos nya. Alam kong mali to dahil sobrang pamamahiya to sa mga estudyante.

"Yang mga ganyan, walang pangarap yan. Wag nyong tutularan magiging pariwara kayo. Mawawalan kayo ng kwenta sa lipunan." Sabi nya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Nakatulog lang ako at hindi ko sya binastos, wala syang karapatang bastusin ako. First period ganyan bungad sa akin?

Pinalipas ko nalang ang ilang minuto. Pero ang nakakasama lang ng loob ay yung sa bawat salita nya may karugtong na "Walang ambag sa lipunan yung natutulog sa klase, hindi kayo aasenso kung ganyan lang gawain nyo, kung may lagnat kayo de sana di kayo pumasok di yung tutulugan nyo yung nagsasalita sa harap." Sobrang nakakabastos lang lahat ng yun.

Nang makalabas sya ay nilapitan agad ako ng mga kaklase ko. "Uy grabe akala ko mabait bat ganun naman? Ayos ka lang?" Ganyan ang mga naririnig ko. Ngumiti nalang ako sa kanila.

Lunch na at sinundo ako ni Dave sa room namin. Tahimik lang ako habang naglalakad. Hindi ako nagsasalita hanggang sa makarating kami sa usual spot namin.

"Napagalitan ka raw." Sabi ni Dave. Napakunot naman ang noo ko. "Hindi pwedeng hindi ko yun malaman." Sabi nya.
Oo nga pala pinsan nya si Winzie na katabi ko.

Lumapit sya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Kumain ka nang marami dapat mamaya di ka na inaantok." Sabi nya.

"Dapat di ka na muna pumasok. Masama pa yung pakiramdam mo alam ko." Ngumiti nalang ako sa kanya. "Kaya nga ako pumapasok para matuto diba? Parehas lang pala kayo eh." Sabi ko.

"Hindi naman sa ganun. Concern lang ako. Hindi kita pinapapasok kasi ayokong sumama lalo pakiramdam mo. Eh sya, anong ginawa nya? Pinahiya ka diba? Irereklamo ko yun. Kabago-bago ganun makitungo sa estudyante." Sabi nya.

"Hayaan mo na. Teacher yun. Hindi natin pwedeng baguhin yung mindset nila na kapag teacher ka ikaw ang tama. Mawalan pa tayo ng good moral eh." Sabi ko.

"Let's quit that damn mindset. Mali sya eh. Nakatulog ka kasi nilagnat ka at sure ako masama pakiramdam mo kanina lalo na kagabi kaya wala syang karapatang ipahiya ka." Sabi nya at halata sa mukha nyang inis na inis na sya.

"Hayaan na muna natin ngayon. Di na muna ako magpapaapekto." Sagot ko. "Okay. Palalampasin ko pero sa susunod na malaman kong ginanun ka nya wala na akong pake ayokong binabastos ka ng iba." Sabi nya.

Napangiti ako sa di malamang dahilan. Siguro dahil ang swerte ko sa kanya. Tama rin naman siya, sobra 'yong parusang ibinigay sa akin.

Pauwi na at hinatid ako ni Dave. Pero isang di magandang scenario ang bumungad sa akin.

Si ate at ang pinsan namin na si kuya Rei.... Pumasok nalang ako sa kwarto at nagkunwaring walang nakita.

Nang humiga ako ay pinilit kong alisin sa utak ko ang nakita ko. Anong meron sa kanila? Payag nana kami na magka-bf si ate pero bakit sya pa? Kaya ba di nya maipakilala sa amin kasi mismong pinsan namin ang jinowa nya?

Lumabas ako pero nandun pa rin sila. Siguro di nila ako nakita. Naghahalikan pa rin sila.

Pumunta ako sa kusina para mag-urong pero nahulog lahat ng kutsara at tinidor.

"Oh ayan ka na pala. Di mo sinabing nakauwi ka na." Sabi ni ate. "Di ko na kayo inabala. Mukhang masaya kayong naghahalikan sa sofa." Sagot ko at napatigil naman sya.

So ayun ang tagal na rin simula nung nag-update ako.  Nilamon na ako ng ML at Anime sorry. Sorry kung sabaw yung chapter na to. And aside from that, yung about sa teacher dyan, hindi ko po intensyong maka-offend pero aminin natin may mga ganyan diba? Yung mga sobrang sungit.

Vomment
Support
Follow

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now