Chapter 26: Earl's loyalty

32 6 0
                                    

Chapter 26: Earl's loyalty

Winzie's POV

"Nasan na si Tasha?" Tanong ko kay Viena nang pumasok sya sa kwarto ko. "Dumaan sa ate nya, binisita ang kanyang pamangkin." Sagot nya.

Kaming tatlo lang ngayon dahil yung tatlong lalaki magbabar daw. May treat yung mga honor sa batch namin eh legal age naman na halos lahat ng lalaki sa amin kaya go lang. Syempre dun yun magaganap sa bar nila Brix.

"Buti pinayagan mo si Earl." Sabi nya. "Wala namang babae."

"Eh ikaw?" Pagbabalik ko ng topic sa kanya. "Mauuna akong mambabae bago pa nya magawa." Sagot ko.

"Nana..." Bigla syang napatingin sa akin at napangisi.

"Papunta palang sya, pabalik na ako."

Biglang may kumakatok sa gate namin. Agad naman akong lumabas para puntahan si Tasha.

"Naiinggit ako." Bungad nya. "Bakit?"

"Sana all nasa bar." Sabi nya at tumuloy sa kwarto ko.

"May kasama ka rito?" Tanong pa nya ulit kaya umiling ako. "Same po." Sabi pa nya.

Lahh, bat parang abno si Tasha? Nababaliw yata at hindi kasama si Dave.

"Tasha!!!" Sigaw agad ni Viena kay Tasha at pinanggigilan ng yakap. "Iba kapag inlove si Viena. Maya't mayang sumisigaw." Napapailing kong sabi.

"Minsan lang to." Sabi ni Viena. Napapailing naman ako.

Nagkukwentuhan lang kami hanggang sa inabot kami nang alas dose at nagdesisyon na kaming matulog.

Nagising ako nang alas dos. Ano ba yan? Ang aga aga may tumatawag agad?

(Hello?)-ako

(S-sunduin.... Mo... Ak---)-sya

(Hello? Hello?)-sya

(Oh, Dave?)-ako

(Lasing na lasing na si Earl eh. Ihahatid ko sya sa inyo sabi nya kasi baka magalit daw yung nanay nya kapag umuwi sya nang madaling araw.)-sya

(Hays! Sige. Hintayin ko kayo.)-ako

Pumunta ako sa sala para hintayin sila. Hindi naman masyadong nagtagal at dumating na rin sila.

Sinalubong ko sila habang si Earl ay nakapikit. "Salamat." Sabi ko. "Si Tasha?" Agad naman nyang tanong. "Tulog na."

"Kumain ba?" Tanong nya ulit at tumango naman ako. Nagpaalam syang uuwi na at si Earl naman ay pinasok ko sa bahay.

Inihiga ko sya sa sofa namin at kumuha ako ng kumot. Medyo maluwang ang sofa namin kaya tumabi ako sa kanya.

Pinunasan ko sya ng basang bimpo at alam kong lasing talaga sya. Nang matapos ko syang punasan ay tumabi ako sa kanya at yumakap.

Napalayo naman ako sa kanya nang may iba akong naamoy. Bat amoy babae sya?
Napatingin din ako sa manggas ng t-shirt nya. May lipstick?!

Tatayo na sana ako nang higpitan nya ang yakap nya sa akin. "Hmm..."

Pilit kong tinatanggal ang pagkakaakap nya pero mahigpit ang pagkakapulupot ng braso nya sa akin. Nawawalan ako ng ganang gumalaw, nakakapanghina.

Pinilit ko nalang matulog kahit na hindi ako ok. Nakakasama ng loob, pinayagan ko naman syang pumunta sa bar pero bat ganun yung ginawa nya? Akala ko ba walang babae? Or nagapalusot lang sya para makapunta dun?

Kinabukasan ay nagising ako habang sya ay tulog pa. Sakto namang kagigising lang din nila Tasha at Viena.

"Good morning!" Sigaw ni Viena at agad akong niyakap. "Lahh.." React ko. Pinaningkitan ako ng mata ni Tasha. "Ano?" Tanong ko at agad syang tumingin nang seryoso sa akin. Lumapit sya at bumulong. "Nag-away kayo noh?"

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon