Chapter 17: He's leaving?

51 6 0
                                    

Chapter 17: He's leaving?

Tashana's POV

Undas ngayon at maaga kaming pumunta sa sementeryo para di masyadong matao. Nandito kami sa puntod ng tita ni Nana.

"Tita, miss ka na namin. Miss ko na yung yakap mo sa amin. Miss ko na yung mga joke mo. Miss ko na yung mga tawa mo. Tita undas naman, mamaya punta ka sa bahay. Payakap." Nakangiti si Nana habang may nga luhang pinipigilan nyang tumulo.

"Sila mama mo?" Tanong ni tita sa akin. "Nandun po sa puntod nung lolo't lola ko sa tuhod." Sagot ko.

Pumunta ako saglit kila mama. Nandun si ate at si kuya. "Tita, may trabaho po pala akong nahanap."

"Mabuti naman."

"Ma, bat parang ayaw mo?" Pagbibiro ko kay mama. "Ewan ko ba dyan sa dalawang yan. Gagawa ng bata eh di naman handa. Buti may kaya tayo." Sabi ni mama habang nagtutulos ng kandila. "Si mama talaga." Minasahe ko ang balikat nya.

"Eh basta ako, ang hiling ko lang cute ang magiging apo ko." Sabi ni papa. "Tito, gwapo yata ako, maganda si Trisha, sure na cute ang apo nyo." Napangiwi naman si mama.

"Pa, basta sure na cute din apo nyo sa akin." Kinurot ako ni mama sa tagliran. "Nako, ikaw magtigil ka, lagot kayo sa akin ni Dave." Tinatawanan ko lang si mama dahil sa reaksyon nya.

Nagpasya kaming umuwi nang medyo tumataas na ang sikat ng araw. Sa isang araw ay pasukan na rin.

Nagtext ako kay Dave na nakauwi na kami. Sabi nya ay susunduin nya ako mamaya at pupunta raw kami sa bahay nila.

Nasa kwarto lang ako habang naglalaro ng online games. Humangin nang malakas at pumasok ang nga dahon sa kwarto ko. Mapipinong dahon ang napunta sa mukha ko. Agad ko namang sinara ang bintana ng kwarto ko.

Agad kong kinuha ang walis para linisin ang mga dahong pumasok sa kwarto ko. Lumabas ako para itapon ang mga winalis ko.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni kuya. "Pumasok sa kwarto ko yung mga dahon." Sagot ko. Tinignan naman ako ni ate at agad akong tinawanan.

Pagkatapon ko ng basura ay tumabi agad ako kay ate at hinawakan ang tyan nya. "Bilisan mong lumaki ah, dapat magmana ka sa tita mong maganda." Pagbibiro ko. "Eww!" React ni ate.

"Maganda ako, kaya nga nagustuhan ni Dave." Banat ko. "Malay mo no choice lang." Pagsingit ni kuya. "Di kayo nakikisakay." Inirapan ko silang dalawa at pinagtawanan lang ako.

Napatingin ako sa orasan 10:30 na at mamayang 11 daw nya ako susunduin. Pumasok ako sa kwarto para mahiga saglit.

12:30 na di pa rin sya pumupunta. Nagtext naman agad ako sa kanya.

To:Babe

Babe, nasan ka na?

Nakalipas ang ilang minuto pero di pa rin sya nagtetext kaya tumawag na ako.

(Hm?)-sya

(Nasan ka na?)-ako

(Hm?)-sya

Nakatulog yata to.

(NASAN KA NA?!)-ako

(Ha?)-sya

Pinatay ko na ang tawag. Ang tagal kong naghihintay tapos tulog pala sya.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ang tawag.

(Ano?!)-ako

(Sorry. Puyat kasi ako kagabi.)-sya

(Bakit?)-ako

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now