Chapter 5: Incest

77 8 0
                                    

Chapter 5: Incest

Tashana's POV

Lumabas ako at pumunta sa lugawan nang mag-isa. Napapaisip pa rin ako sa nangyari. Oo busy yung parents namin dahil sa negosyo, pero alam naman nya siguro yung tama at mali.

May umupo sa harap ko. "About sa nakita mo kanina, oo kami ng ate mo. Mali oo kasi magpinsan kami, tayo, pero sorry mahal na mahal ko yung ate mo." Sabi nya.

"Bago mo sana pinairal yang pagmamahal na yan ginamitan mo rin sana ng utak." Sagot ko. Hindi ko malunok ang kinakain kong lugaw. Hindi sya nakasagot sa sinabi ko.

"Alam mong broken ako, sa kanya ko nahanap yung pagmamahal na hinahanap ko." Mas nainis ako sa sinabi nya. Tingin ba niya mabibilog ako sa mga salitang 'yon?

"Kung ginagamit mo lang si ate para makapag move-on, tigilan mo na sya ngayon pa lang. Umpisa palang mali na agad yung ginawa nyo may balak ka pa yatang manloko." Sabi ko.

"Hindi ko pakay yun." Walang emosyon akong nakatingin sa kanya. "Hindi ko lolokohin ang ate mo." Sabi nya.

"Pero sana inisip mo muna yung ginagawa mo." Sabi ko. "At isa pa, kung may lokohan mang mangyayari, hindi na ako pasok doon."

Pinatake-out ko nalang ang lugaw dahil nakakawalang gana. Ang tanda na nila dapat alam na nila yun. Nang maka-uwi ako ay nandun si ate nanonood ng tv. Si mama at papa naman ay nasa kusina kumakain palang.

"Kailan ka pala babalik si Baguio?" Tanong ni papa. "Next week po." Sagot ni ate. Nagtatrabaho sya bilang manager sa isang restaurant. Dun kasi sya nagtapos dating part time and permanent hanggang sa naging manager.

Gusto kong sabihin sa magulang namin ang tungkol sa nalaman ko pero mas mabuting manahimik nalang.

"Kain ka na Tasha." Umiling lang ako at kumuha nalang ng mangkok at kutsara. Sa kwarto nalang ako kakain naiilang ako kay ate.

Nagulat ako sa tunog na narinig ko pagpasok palang. Oo nga pala iniwan ko yung cellphone ko kanina.

Babe

Tasha, kanina pa ako tumatawag sa messenger. Wala akong load. Nag-aalala ako sayo.

Hala! Buti nalang may load ako. Tinawagan ko naman sya at agad nyang sinagot.

(Bakit?)-ako

(May nakakita raw sayo sa lugawan kanina.)-sya

(Babe, may sasabihin ako pero sa ating dalawa lang muna.)-ako

(Sige lang.)-sya

(Kanina kasi diba badtrip ako, tapos nakakabadtrip lalo yung nakita ko pag uwi. Naghahalikan sila ate at kuya Rei.)-ako

(Oh? Eh bawal ba magboyfriend ate mo?)-sya

(Pwede naman. Kaso mali, pinsan namin yun eh.)-ako

(Ahh incest. Eh bat naman ganun ginawa nila. Alam ko may trabaho na ang ate mo at medyo malayo na rin ang narating sa buhay. Dapat alam na nya yung tama at mali.)-sya

(Yun na nga. Sa sobrang inis ko lumabas ako at kumain nalang ng lugaw. Eh kaso yung epal naming pinsan pinuntahan pa ako. Sabi nya mahal daw nya si ate. Eh ang sabi ko dapat ginamitan nya ng utak yun bago yung mahal mahal na yan.)-ako

(Mali naman kasi talaga. Eh dapat sabihin mo sa magulang nyo.)-sya

(Ayoko nalang muna. Baka kasi magmukha akong nagmamalinis.)-ako

(Hindi ganun. Just think about this, as her sister, will you let her continue their relationship eventhough we know that it's wrong? Hindi yun pagmamalinis, Tasha. Nagmamalasakit ka lang para itama sila.)-sya

And that hit me. Swerte ko talaga kay Dave.

(Ok. BTW, sino palang nagsabi sayo?)-ako

(A friend)-sya

(Sira, sino nga? Di man lang ako sinamahan maglugaw libre ko sana.)-ako

(Lomi gusto nya hindi lugaw hahaha.)-sya

(Pero sino nga kasi?)-ako

(Basta. Di mo naman kilala.)-sya

(Eh kahit na. Gusto ko makilala.)-ako

(Mas gwapo sa akin yun, baka magustuhan mo pa.)-sya

(Gwapo ka. At kahit maraming gwapo dyan, ikaw pa rin yung pinakagwapo para sa akin.)-ako

(Wala akong pera, Tasha. Nambobola ka nanaman.)-sya

(Di ah. Papalibre kasi ako bukas ng lunch. Wala na akong allowance hahaha.)-ako

(Sige lang. Sisig ba? Go.)-sya

(Yey! Thank you!)-ako

(Sige na. Gagawin ko lang yung project namin. Magreview ka pala. May quiz daw kayo bukas. Tsaka matulog ka nang maaga para di ka na pagalitan nung toxic na teacher na yun.)-sya

(Sige. Bye muna.)-ako

Pinatay ko na ang call at lumabas para hugasan ang pinagkainan ko. Wow may iced tea.

"Ma, may mangga po ba tayo?" Tanong ko kay mama na kasalukuyang nanonood ng mga vlogsa youtube. "Nasa basket sa tabi ng mga kutsilyo." Sagot nya. Kumuha naman ako ng isa at naghiwa. Pumasok ako sa kwarto para magreview. Hindi ko alam bakit di ako makapagfocus. Hanggang ngayon naiisip ko yung kanina. Lumabas na ako ng kwarto at nilapitan si mama.

"Bakit nak?" Tanong nya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. "Tara po sa kwarto ko. May sasabihin po ako." Sabi ko.

Pumasok ulit kami sa kwarto ko. "Ano yun?"

"Ma, upo ka muna." Nagtaka si mama sa ikinikilos ko. "Bat parang kaseryoso mo? Nagbreak kayo ni Dave?" Tanong nya. Umiling ako. "May hihingin ka?" Tanong nya ulit. "Wait lang ma." Sabi ko.

"Ano? Buntis ka?!" Medyo tumaas ang boses nya. "Shh.. Ma hindi po yun." Sabi ko? "Ayaw mo namang sabihin." Sabi nya. "Eh kasi ma, tanong po kayo nang tanong di ako makapagsalita." Sabi ko sa kanya. "Sorry naman nak." Sagot nya habang nakangiti sa akin.

"Alam nyo na po ba na may bf si ate?" Tanong ko. "Hindi eh. Ayos lang naman sa amin na magbf sya. Eh bat kaya ayaw ipakilala?" Sabi nya na tila nagtatanong. "Kasi ma, ang bf nya si---"

"Ma, pahiram ng tablet." Sabi ny ate kaya naudlot ang sinasabi ko kanina.

"Nak, may bf ka na raw." Sabi ni mama. Patay! "Ahh ma, hindi po bf as in bestfriend na lalaki. Close po kasi talaga sila." Sabi ko. Ayokong magalit sa akin si ate. Sa ngayon pagtatakpan ko muna sya.

"Ganun ba?" Lumabas na si ate kaya kaming dalawa nalang ni mama sa loob. "Bakit napakaseryoso mo? Bestfriend lang naman pala eh." Sabi ni mama. "Nakakainggit po kasi. Gusto ko rin po ng bestfriend na lalaki." Sagot ko. "Nako nak, wag muna. Baka magselos si Dave." Sabi nya. "Ma naman."

Sa ngayon di ko muna sasabihin. Kailangan ko munang humanap ng timing. Sorry Dave di ko nagawa yung payo mo.

Yeyyy! Nakapag update ulit!

Vomment
Support
Follow

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon