Chapter 39: She Found out

27 3 0
                                    

Chapter 39: She Found out

Tashana's POV

Bakit ba kailangan nyang itago lahat? Wala na ba akong karapatang malaman? Bakit lahat ng problema nya sinasarili nya?

(Ano yun?)-sya

(Wala.)-ako

(Isa.)-sya

(Yung pasa mo, pagalingin mo.)-ako

(Ok.)-sya

(Kumusta pala yung pakikitungo ng papa mo?)-ako

(Ganun pa rin. Wala namang bago.)-sya

(Gusto kong makauwi ka na.)-ako

(Miss mo na ako?)-sya

(Oo.)-ako

(Tasha?)-sya

(Bakit?)-ako

(Padala kayong private plane dito, babayaran ko pag may ipon na.)-sya

Tipid ang pagtawa ko sa sinabi nya. Hindi ko rin alam bakit ganyan si Dave. Yung seryoso lang syang nagsasalita pero natatawa ka sa mga sinasabi nya.

(Company ang meron kami hindi plane.)-ako

(Sayang, jet pa nga sana irerequest ko eh.)-sya

(Abusado ka.)-ako

Agad akong nabahing at tumawa naman sya.

(Wala ka naman kasing dapat iyakan kanina, bakit ka umiyak?)-sya

(K-kasi... Alam kong hindi maganda yung trato nila sayo. Dave, pag nahihirapan ka na, sabihin mo. Gagawa kami ng paraan para maibalik ka.)-ako

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Ang alam ko lang sobra na akong nag-aalala sa sitwasyon.

(Mahirap, babe. Alam mo naman maraming kakilala si papa. Marami syang paraan para makatakas kung kakasuhan man.)-sya

(Ang duwag ko naman kung hahayaan kita dyan. Ang tapang mo, Dave. Dapat nga susuklian ko yung katapangan mo na yun. Pinili mong malayo kila tita para lang sa kapakanan nila. I hope I'm as brave as you.)-ako

(You're brave enough, Tasha. Yung pagstay mo palang sa relasyon natin kahit gaano kahirap, ang tapang mo na. Lalo na sa part na pinili mong ituloy yung sa atin kahit na...)-sya

(Mahal kita eh. Kung pwede pang ilaban, bat susuko?)-ako

Biglang kumatok si mama kaya binaba ko na muna ang cellphone. Pinagbuksan ko sya at inabot sa akin ang laptop.

"Nak, ayusin mo nga saglit. Inaayos ko yung ibang papel na pipirmahan ng papa mo. Isesave lang yan. Ikaw na magpangalan." Sabi nya at kinuha ko ang laptop.

"Tasha, kausap mo si Dave?" Tanong ni mama. "Opo." Sagot ko.

"Kausapin ko nga saglit. I-video call ko lang ha?" Kinabahan naman ako sa balak ni mama. Alam kong kabado si Dave kapag kausap ang magulang ko lalo't may problema kami.

"Eto na." Naeexcite nyang sabi. Nakavideo call pa sila.

(Hello, Dave!)-mama

(Hello tita.)-Dave

(Kelan ka uuwi?)-mama

(Baka po sa bakasyon.)-Dave

"Ma, kaaalis lang pauuwiin mo na?" Sabi ko kay mama. "Para namang ayaw mong makita, nak." Sagot nya.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon