Chapter 49: Regrets

30 7 6
                                    

Chapter 49: Regrets

Dave's POV

"Hindi mo man lang ba gagawan ng paraan para mapawalang sala yung papa mo?" Tanong ni Nico. "Why would I? Tinanggal nya yung karapatan ko kaya pababayaan ko syang makulong. Hindi na rin magagawan ng paraan kahit sa addiction treatment center yan idala." Sagot ko.

"Sir, there are people who wants to sue Mr. Tecson." Sabi ng pulis na nasa harapan ko. "Then do it now!" Sagot ko. "But sir, he's a drug addict, he needs a treatment." Napakuyom ang mga kamay ko. "Let's continue the case and let him be in jail. I bet he will not change even if he will undergo in treatments." Inis kong sabi.

Nakayuko lang si papa habang nakaposas. Naka-formal attire pa sya pero puro bugbog ang mukha nya. Halatang nanlaban sya nang inaaresto sya ng mga pulis.

"Ano, masaya ka na?" Tanong ni papa habang nakatingin nang masama sa akin. "Hindi na tinatanong yan." Sagot ko.

Napasugod kasi kami rito sa police station dahil inaresto si papa. Meron palang bali-balita na nagda-drugs sya. Nung binantayan, confirmed na nagbebenta nga sya. Kaya pala sobrang yaman nya.

"Aside from drugs, a lot of employees want to sue Mr. Tecson because of unfair treatment." Sabi pa ng pulis.

"Sir, he really needs treatments." Sabi pa nito. "It's up to you. But this man is not my responsibility. Just do whatever you want." Sagot ko at lumabas na ng police station.

Tatawagan ko palang sana si Tasha nang hilahin ako ni Nico papasok sa sasakyan.

"Bakit?" Tanong ko. "Basta, wag ka nang magtanong." Sagot nya at pinaharurot ang sasakyan.

Bumaba kami sa isang ospital kaya napakunot ang noo ko. Huling punta ko sa ospital noong nanganak si Ashlyn kaya ang unusual na pumunta kami rito.

"Anong nangyari? Bat nandito tayo? May sakit ka?" Sinuntok nya ang balikat ko at naglakad na kaya sumunod ako sa kanya.

Nakita namin si Ashlyn sa labas ng emergency room. Nakayuko at mugto ang mga mata, halatang kagagaling sa iyak.

"Anong sabi?" Tanong ni Nico. "Naapektuhan yung utak sa sobrang daming drugs na pumasok sa katawan." Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. "Pinipilit nilang isalba kahit mahirap." Sabi pa nya.

Nag-umpisa nanaman syang umiyak. Kasabay ng pagtulo ng luha nya ang malalim na paghinga ni Nico. "She feels so down." Nakatingin pa rin ako kay Ashlyn. Nakaupo sya sa dulong upuan at katabi nya si Nico. Nakatayo lang ako sa harap nila habang pinapanood sila.

"D-deserve ko ba to?" Tanong ni Ashlyn habang humihikbi. Nakahawak sya sa mukha nya na parang ayaw nyang ipakita sa mga tao kung gaano sya kalungkot.

Maya-maya ay sumandal sya sa balikat ni Nico habang nakapikit. Napagod siguro sya sa kakaiyak.

"Do you remember nung time na nagkahiwa-hiwalay tayo?" Tanong ni Nico sa akin kaya tumango ako. "After a few days nalaman nyang may sakit yung mama nya. She felt so upset that time that she locked herself in her room. Kumakain pa naman sya that time but when she knew that her mother's illness cannot be cured, sobrang nawalan sya ng gana. Pinupuntahan ko sya sa bahay nila nasa labas lang ako ng kwarto nya. Iyak lang sya nang iyak tipong gusto syang kausapin ng mama nya through video call but she kept on refusing." Sa pagkakaalam ko sobrang close sila ng mama nya kaya ganun yung epekto sa kanya.

"Nalaman nyang may cancer yung mama nya at gustuhin man nyang puntahan, hindi nya magawa. Sa tuwing nagbabalak syang pumunta sa ospital, pakiramdam nya may bagay na humihila sa kanya pabalik. Wala syang lakas para puntahan ang mama nya." Bata pa kami that time and sobrang nakakaawa si Ashlyn dahil naranasan nya lahat ng yun.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon