Chapter 47: It Hurts

37 5 0
                                    

Chapter 47: It Hurts

Tashana's POV

Nasa coffee shop ako kasama sina Viena at Winzie. Nauna nang umuwi si Grey dahil kailangan daw namin ng time sa girl's talk. Ayoko rin na kasama si Grey dahil kapag nalaman nya yung sasabihin ko, siguradong magagalit yun kay Ashlyn.

"Nana." Pagtawag ko sa atensyon ni Viena na kasalukuyang umiinom. "Tungkol pala sa sinabi mo nung minsan, sure ba yun?" Tanong ko.

"Yung buntis si Ashlyn? E--"

"Ano?! Paano? Si Dave nanaman yung ama? Alam mo ayokong sabihin to pero kung si Dave yung ama hiwalayan mo na." Hinawakan namin sa kamay si Winzie para pakalmahin.

"About sa tinatanong mo, Tasha. Walang balita. Kay Dave mo tanungin sure na may alam yun. Sa ugali palang ni Ashlyn alam ko nang malalaman agad yun ni Dave." Hindi ako sumagot pagkatapos.

Si Nana ay nagpatuloy sa pag-inom ng kape habang si Winzie ay subo nang subo ng tinapay na inorder nya. Madiin ang paghiwa nya sa tinapay at halatang galit. Nagvibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko yun. Nakareceive ako ng picture at galing yun sa usual na nagsesend sa akin. Feeling ko may utusan si Ashlyn at eto yun. Sya yung nagsesend sa akin ng mga pictures na ganito. Mula palang sa picture nung nag-bar sila, yung nalaman kong nabuntis si Ashlyn at yung picture na to, magkaakap sila habang natutulog. Para akong namamanhid. Gusto kong umiyak pero alam kong walang lalabas na luha. Nanghihina ako at gusto kong ilabas yung bigat sa loob.

Ayoko na sanang isipin na buntis si Ashlyn pero dahil sa nakita ko, mas lumalakas yung kutob kong baka totoo nga. Hindi nanaman aamin si Dave sure ako at hindi rin nya sasabihin agad.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Wag mong baligtarin. Sa ating tatlo ikaw ang palagi naming inaalala." Sabi ni Winzie habang nakakunot ang noo.

"Ok? So ok lang ako." Sagot ko at nagbigay ng pekeng ngiti. "Kilala ka namin, Sha. Ayoko sa lahat yung nagpapanggap na ok kahit hindi naman. Lalo na kung kaibigan kita." Sabi ni Nana.

Tumayo silang dalawa at hinila ako ni Nana palabas ng coffee shop. Iniinom ko pa rin ang iced coffee na nakalagay sa clear cup. Nauuna silang maglakad at ako ay busy sa pag-inom ng kape.

"Ang bilis nyo namang maglakad, hintayin nyo ako." Sabi ko sa kanila. "Bilisan mo rin kasi." Sagot ni Nana.

Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi kami nagkikibuan. Sabado ngayon, 4:00 pm, medyo mainit pa. Madalang kaming magkasabay ni Winzie at si Nana ay walang schedule ngayon.

"Kailan ka pala mag-a-apply, Nana?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. "Uy."

"Sa susunod kasi matuto ka namang magsabi." Sabi nya bago sumakay sa tricycle na pinara nila. Umangkas ako at silang dalawa ay nasa loob.

"Magkano po kapag malapit sa 7/11?" Tanong ko sa driver. "50 doon eh. Tig-20 nalang kayo." Sagot nya.

"Eh kapag sa mini grocery po?" Tanong ko ulit. "60. 30 kapag may kasabay." Sagot nya. "Manong, doon po muna para po pabalik sa 7/11." Sabi ko.

Mas ok nang maunang bumaba si Winzie para safe. Atleast kaming dalawa ni Nana, magkasama kahit mahuling bumaba. Tsaka mas maraming tao sa kanto namin kesa sa kanto nila Winzie.

Pagbaba namin ni Nana ay hindi nya pa rin ako kinikibo. "Nana." Tawag ko sa kanya. "Bukas nalang natin pag-usapan." Sagot nya at tumakbo papasok sa bahay nila.

Pag-uwi ko ay nagbukas ako ng laptop. Tumatawag si Dave sa messenger pero hindi ko sinagot. Hindi ko kaya, kumikirot yung puso ko. Para akong hindi makagalaw at tipong pag-iyak di ko magawa.

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon