Chapter 51: Engaged

50 5 5
                                    

Chapter 51: Engaged

Dave's POV

Nang makalapit na ako kay Tasha ay inihanda ko na rin ang kamay ko para hawakan sya. Ibubuka ko palang ang bibig ko ay para na akong binagsakan ng mga bato sa ulo dahil sa sunod na nangyari. Para akong nawala sa sarili at di ko alam kung paano gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Basta nakita ko nalang si Tasha palayo sa akin na parang hindi nya ako nakita.

"Hon, halika na." Naglakad si Tasha kasama ang isang lalaki palapit sa mga kaibigan namin. Bumulong si Viena at nakita ko ang tipid na ngiti ni Tasha sabay tango. Napapalunok ako sa bawat paggalaw ni Tasha. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag. Para akong nanghihina at parang hinihigop ang lakas ko. May humihila sa akin na umuwi pero lumalaban ang sarili ko na wag at kausapin nalang si Tasha. Pero bakit parang wala akong lakas ng loob na gawin yun? Bakit nakakapanghina nang todo?

"Uhmm, hon, dito ka muna ah." Sabi ni Tasha sa bago nyang bf. Kumikirot ang puso ko. Para pang sinasaksak nang paulit-ulit. Hindi ko na alam kung anong tamang term dun basta alam ko lang masakit. "Sure hon. Kila Ryko lang ako." Sagot ng bf nya.

"Dave, tara sa mini house." Sabi ni Earl at sumama ako sa kanya. Dinala nya ako sa parang cottage pero mas kulob. Naririnig ang ingay rito mula sa pinaka-venue. May maliit na chandelier at may nakapaikot na garden bench, sa harap ng mga ito ay maliit na table. May mga bulaklak na plastic sa poste at may puno sa labas nito. Dumagdag ang liwanag ng christmas lights na nakapalibot sa stem ng puno.

"May kukunin lang ako. Dyan ka lang babalik ako." Sabi nya kaya agad naman akong tumango. Pagkaalis nya nilabas ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang nararamdaman ko pero gusto ko nalang munang libangin ang sarili ko.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto na gawa sa tela at rinig ko ang yabag ng mga paa papalapit sa akin. Hindi ko na piniling tignan kung sino man yun dahil kapag nakaharap ako sa mga tao ay parang nanghihina ako.

"Dave." Sambit ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko sya sa harap ko mismo. Nag-umpisang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang ganda nya at talagang bumagay sa kanya ang suot nya ngayon. Naglakad sya palapit sa akin at naupo sa tabi ko. Agad ko namang itinago ang cellphone ko para makapag-focus sa interaction namin.

"Kumusta?" Tanong nya. "A-ayos lang. Ikaw ba?" Utal kong tanong sa kanya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag-uusap naming dalawa.

"Long time no see." Sabi nya at ngumiti sa akin. "Long time, no new, still you." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa at maya-maya ay natahimik sya.

Humarap sya sa akin at bakas sa mukha nya ang lungkot. "I-I'm sorry." Sabi nya. "Ayos lang. Naiintindihan ko." Sagot ko sa kanya.

"So he's your new boyfriend." Sabi ko matapos ang ilang segundong katahimikan. "Fiance." Sagot nya at itinaas ang kamay na may singsing. Parang guguho ang mundo ko dahil sa nalaman ko. Ikakasal na pala sya.

"Congrats." Sabi ko at binigay ang isang pilit na ngiti. "Hindi mo na rin pala suot yung singsing na niregalo ko." Hindi ko na ipinahalata ang pagkadismaya pero mas sumasakit ang puso ko.

"Suot ko pa rin dapat. Pero ayaw ni Makkie." Sabi nya at nag-iwas ng tingin. Hinawi nya ang buhok nya at nakita ko ang hikaw sa magkabilang tenga. Ang isa ay may isang bilog at ang isa ay dalawa ang bilog. "Gusto ko pa rin isuot yun kahit papaano. Ang laki ng parte mo sa buhay ko, Dave."

"Sayang." Agad syang tumingin sa akin nang diretso. "Bakit?"

"Umuwi ako para sabihin yung good news." Sabi ko habang nakatingala. "Anong good news?"

10 Ways How to Make Him StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon