"Isa lang ako sa mga fans mo. Palaging nakatingin sayo. Palaging pinapanood ang mga laro mo. Minsan nga umaabsent na ako para lang mapanood ang match nyo sa ibang school. Gusto kasi kitang suportahan. Gusto kong iparamdam sayo na kahit nilalait ka ng iba dahil maliit ka, ikaw naman ang dahilan kung bakit nahihirapan silang talunin ang team ng school natin. Siguro nga hindi na ito basta paghanga lang. Siguro nga mahal na kita."
12 parts