Rock #09- Practice Match Part 2

5 0 0
                                    

Rock #09- Practice Match Part 02

"Okay lang.yan team! Atleast alam na natin kung ano pa ang dapat nating maimprove."-coach

Natalo sila ng Uno Academy,kaya lahat sila,tahimik lang habang kumakain.

Dito na rin kami pinakain nila coach. Naiilang nga ako na tingnan silang lahat,kasi nalulungkot din ako. Gusto ko silang pasiyahin,pero hindi ko alam kung paano.

"Oo nga guys. Practice match lang naman ito,hindi naman ito yung totoong laban."-Ashley

Hindi ako sanay na makita silang ganyan. Binaba ko muna saglit ang hawak kong kutsara at tumingin sa kanila.

"Ahh,team." Napatingin naman silang lahat sakin. Nandito parin sakin ang takot kapag maraming nakatingin sakin,pero hindi tulad dati na hindi ko masabi yung nararamdaman ko.

"Hindi ako sanay na makita ko kayong ganyan. Okay lang yan! May mga susunod pa kayong laban kaya wag na kayong malungkot dyan. Just take this event as an experience. Kung anuman yung mga pagkukulang nyo sa laro kanina,gawin nyo na sa susunod. Naniniwala kami sa inyo na kaya nyo,kaya sana wag na kayong sumimangot dyan."

Ngumiti naman sakin sila Manager Russell at Chelsea,tapos bigla namang tumayo si Jade.

"Queen! Para sayo,gagalingan ko na talaga sa next game!"-Jade

"Ashley,wala ka man lang bang sasabihin dyan?"-James

"Wala."-Ashley

"Grabe ka talaga sakin.T-T"-James

"Iingay nyo."-Renz

Tumingin naman ako kay Brix na seryoso lang na nakatingin sakin. Nagulat pa nga sya nung nahuli ko syang nakatingin sakin,pero ngumiti naman ako sa kanya kaya napangiti na rin sya.

Naniniwala ako sa kanila. Kaya nila yan.
----
"GO TEAM!!"-ako

Simula na ng laban nila sa Fuderama Academy.

Naalala ko ang sinabi ni Ashley dati tungkol sa Fuderama Academy. Nandyan daw kasi ang Prince Server na si Jerald. Hmm.

"GO JERALD!!!"

Napatingin naman ako sa mga babaeng nagsisigawan habang nakatingin dun sa number 08 ng Fuderama Academy. Ahh. Baka sya na si Jerald.

"Thanks!" Sabay ngiti nung Jerald sa mga babae.

"Kyaaah!"
"Ang gwapo gwapo nya talaga!!"

︶︿︶

Sa bagay,kung tutuusin gwapo nga tong si Jerald,at yung fact na tinawag syang Prince Server, marami talagang magkakagusto sa kanyang babae.

"Tsk. Hangin."-Jade

"Kung hindi ko pa alam,takot naman sa pusa."-James

"James! Jade! Tama na yan."-captain

At nagsimula na ngang muli ang laban. Unang nagserve sila Brix.

"Go captain!!"- Lee

"Nice serve!"-Ashley

Seryoso lang ang buong team,habang ang kalaban naman,parang relax na relax lang. Hmm. Mukhang ang yabang nga nung Jerald.

Pagkaserve ni captain,nareceive naman ng number 02 sa kabila,pinasa sa number 10 at pagkatapos.......

(⊙o⊙)

"Yes!!"-Fuderama

A-ang bilis.

Tumingin naman si Jerald kay Kiel at nagbelat pa ito.

My Little "Ace"Where stories live. Discover now