Spike#05- "The Number 10"

5 0 0
                                    

Spike#05- "The Number 10"

Sabado ngayon,pero nandito kami sa school para linisin ang Music Room. Marami na rin daw kasing nakatambak na hindi kailangan kaya dapat ng linisin.

"Cheskaaaa! Kumilos ka dyan sisipain kita!"-Ashley

Natawa naman ako kay Cheska na nakaupo lang at pinapaypayan pa ang sarili.

"Ang ineeeet. Lee pa-aircon mo na nga tong club."-Cheska

Tapos nakita ko si Ashley na hinitak sya papatayo.

"Queen,si Cheska na dyan,pakitapon nalang yung basura sa baba."-Ashley

"Sige." Tumayo na rin ako at binigay ang basahan kay Cheska,tapos kinuha ko na rin yung basura para maitapon sa baba. Medyo marami rin ang mga basura kaya baka mag-dalawang balik ako.

Hindi naman kalayuan yung tapunan ng basura,medyo.nangawit lang ako sa hagdan.

Nung nasa likod na ako ng school, nandito kasi ang basurahan, tinapon ko agad ang basura at tinakpan ang lalagyan. Aalis na nga sana ako kaso may narinig akong nagsalita.

"Hindi kapa kumakain? Ang payat mo na."

Hinanap ko naman kung saan nagmula yung boses, at nung naglakad pa ako sa may pinakadulo.

"Oh!"-ako

Napatingin sakin si Brix. Alam kong nagulat din sya dahil bigla nalang nanlaki ang mata nya.

Teka.... pusa ang kausap nya?

Bigla syang tumayo at humarap sakin.
"Kanina kapa nandyan?"

"H-hindi naman. Meron ako ditong tinapay,tingnan mo kung kakainin nya."

Mahilig din kasi ako sa pusa. Ang cute cute kasi nila.

Lumapit na ako sa kanya at inilabas ang baon kong tinapay. Binuksan ito at pumutol ng kaunti para ibigay sa pusa. Yumuko naman ako para ibigay sa pusa.

"A-ano nga palang ginagawa mo dito? Sabado ngayon ah?"-Brix

"Nililinis lang namin ang room ng club. E ikaw? Bakit ka nandito? May praktis kayo?"

Ang payat naman ng pusang to,dapat sa kanya gatas para kahit papaano sumigla sya. Kinain nya yung bigay kong tinapay kaya pumutol pa ako at binigay sa pusa.

"Oo,may praktis kami ngayon. Umalis lang saglit si coach kaya pinagpahinga muna kami."

"Ahh."

Gutom na gutom tong pusa na to. Siguro may nagligaw sa kanya dito.

"Mahilig kaba sa pusa Brix?"

"Ah? O-oo. Hehe. Ikaw din?"

Dahil mukha namang nagustuhan ng pusa ang tinapay,nilapag ko nalang sa kanya lahat at umayos na ng tayo.

"Oo,simula nung 7 taon ako." Napayuko naman ako bigla.

Araw araw,umaasa parin ako na makikita ko si Ace.

"May nagsabi kasi sakin na ang mga hayop,dapat ding mahalin. Hindi sila dapat saktan."

Ace. Aasa parin ako.

Naalala ko bigla na kailangan ko pa palang bumalik ng room,baka hinihintay na ako nila Ashley. Kaya tumingin na ulit ako kay Brix at nagpaalam.

"May gagawin pa pala ako. Pasensya na. Goodluck nga pala sa inyo.:)" sabay takbo ko na pabalik kela Ashley.

Naku namaaaaan. Basta nakakakita talaga ako ng pusa nakakalimutan ko kung ano ba yung dapat kong gawin.
------

"Oyyy! Nasan na ba si Brix?"-James

My Little "Ace"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon