Rock#01 - "Welcome to the Music Club!"

33 0 0
                                    

Rock # 01 - "Welcome to the Music Club!"

"Goodmorning. I'm Queen Jaica Mallari. Nice to meet you."

Nginitian naman ako ng mga bago kong kaklase. Mabuti nalang at mababait sila,hindi ako mahihirapang makisama.

Pinaupo nalang ako ng teacher namin sa may bandang dulo malapit sa bintana. Dito nalang kasi ang bakante. Tsaka sabi nya,aayusin nya nalang daw ulit ang upuan namin dahil nga medyo maliit ako at hindi ako pwede sa likuran,baka matakpan ako nitong lalaking nasa harapan ko na sa tingin ko ay basketball player dahil ang tangkad.

Kailangan kong lumipat ng school dahil lumipat na kami ng bahay. Dati kasi nakatira lang kami sa apartment nung hindi pa tapos ang pinapagawa ni papa na bahay. At ngayon ngang tapos na,lumipat na kami at nandito na nga ako ngayon.

Hindi naman ako nahirapan sa mga requirements ng school na to. Kurusawa High School ang pangalan ng school na to. Japanese ang may-ari kaya karamihan daw ng mga activities ay katulad ng sa Japan.

Cute rin ang uniform kaya nagustuhan ko. Tsaka mababait ang mga teachers.

Ayun nga,nag-umpisa na ang klase namin. Konti lang naman ang hindi ko naabutan na mga lessons dahil katapusan palang naman ng August ,bibigay nalang daw sakin ni mam mamaya ang mga notes.

Inusog ko ng konti ang upuan ko dahil hindi ko makita ang sinusulat ni mam sa board dahil nga ang tangkad nitong nasa harapan ko. Tayo upo tuloy ako habang kumokopya. Siguro ang tangkad nya talaga kapag tumayo,nakakahiya ang height ko.

Fast forward. Inaayos ko nalang ang bag ko para dumiretso na ako papunta sa office. Kukunin ko rin kasi yung mga notes at kailangan kong maghanap ng pwede kong salihan na club. Requirement din daw kasi yun.

"Hello Queen!!" Napatingin naman ako agad sa babaeng naka-salamin na tumawag sakin. Mabuti nalang at hindi nagising tong lalaki sa harap ko.

"H-hello rin." Tapos nginitian ko sya.

"Ako nga pala si Cheska." Tapos inabot nya sakin yung kamay nya para makipagshakehands,kaya naman inabot ko rin yun.

Pagkabitaw nya sa kamay ko,napatingin naman sya sa lalaking nasa harapan ko na sa tingin ko ay natutulog.

"Hoy Kiel!! Uwian na! Gumising kana dyan."

Pagkatapos nyang sabihin yun,bigla namang nag-inat tong si Kiel sabay sakbit ng bag at tumayo.

"Whoah!"-ako

Napatingin nga sakin si Cheska at natawa. "Tangkad na Grade 11 no?"

Tumango naman ako at nakita ko sya na naglakad na papalabas ng room.

"Pinapayagang matulog yan sa klase kasi pagod lagi kakapractice."-sya

"Practice ng ano?"

Umupo na sya ngayon sa upuan ni Kiel. "Kasali kasi sya sa Volleyball team ng school natin. Sikat yun! Hahahaha. Volleyball player sya,setter, at kapag naka-tandem nya na si Brix, tapos na ang laro."

Volleyball team. Naalala ko tuloy bigla si Ace.

Simula nung nakakita ako,hindi ko na sya nakita. Ni hindi ko nga sya nakita pagdilat ng mga mata ko. At hanggang ngayon,umaasa pa rin ako na makikita ko sya.

"Ano nga palang club ang sasalihan mo?"-Cheska

"Meron bang Music Club dito?"

"M-music Club????"gulat na gulat na tanong nya.

"Oo bakit? Dun ko sana gustong sumali e,pero kung wala-----" umiling naman sya at tumango. Medyo magulo kaya napahinto ako.

"Kasali kana!!"

My Little "Ace"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt