Spike #07- "The Number 09"

7 0 0
                                    

Spike #07- "The Number 09"

"Wow! Ang galing nyo Queen!"-Brix

Napatingin naman ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin.

Nagawa ko. Nagawa kong makakilos ng normal sa harap ng maraming tao. ACE! NAGAWA KO!!!

"Orayt! Ang astig nun! Hahahaha."-Cheska

"Huy Queen." Napatingin naman ako agad kay Brix.

"Wag kang mag-alala,ang galing ng ginawa mo." -Brix

Nung nakita ko ang ngiti nya,naramdaman ko na totoo ang sinabi nya.

"Waaaah! Nagawa ko! Nagawa ko Brix! Captain! Jade! James! Renz! Patrick! Manager Russell! Manager Chelsea! Coach! Kiel! Nagawa ko! Yay!!" Tapos nagtatalon ako ng nagtatalon sa harapan nila.

Ang saya! Ang saya ng pakiramdam kapag na-overcome mo yung takot mo.

"Hahahaha. Yey! Ang galing nyo!" Tapos nagtatalon na rin si Jade.

"Oo nga! Hahaha."at pati na rin si Brix.

Naghawak hawak pa kaming tatlo habang tumatalon. Hahahaha. Nakakatuwa!!

Nandito naman na kami sa room ng MC kaya ayos lang na gumanto kami. Hahaha.

"Yey! Hahaha. Sali ako!!"- Cheska

"Hay nako."-Renz

"Ah. Nga pala." Napahinto naman ako sa pagtalon ng may naalala ako.

"Kiel."humarap sya sakin bigla na ganun parin ang mukha. "Salamat."

Alam kong nagtataka sila kung bakit ako nagpasalamat kay Kiel,pero sobrang nakatulong talaga sakin ang sinabi nya kanina.

Pero tumalikod lang sya sakin at umalis ng room.

"Bastos talagaaaaa!"-Jade

Napangiti nalang ako bigla. Kahit na ganyan si Kiel,alam kong mabait sya. Alam kong maasahan sya. Siguro hindi nya lang maipakita ng maayos.

Nagpadeliver naman si Lee ng pizza kaya nagkwentuhan muna kami habang hinihintay ang pizza.

"Ang tagal ng pizza."-James

"Puntahan mo na kung gusto mo."-Ashley

"Ashley myloves naman!"-James

"Sinabi ng wag mo akong tatawagin ng ganyan!*boogsh*"-Ashley

"Brix! Papanoorin namin yung Practice Match nyo."-ako

"Talaga??"-Brix

Tumango naman ako at humarap sa kanila.

"Nag-usap usap na kaming apat tungkol dyan. Susuportahan namin kayo."-Queen

Nakita ko namang nagtinginan muna sila bago humarap sakin.

"Salamat."-Captain

"Queen!! Pinapaiyak mo ako!!"-Jade

"Ako rin!!"-James

T-T---Jade at James

"Tumigil nga kayong dalawa!" Sabay hampas ni Ashley sa kanila.

Ahahaha. Ang kukulit talaga nila James at Jade,hindi mo akalain na sobrang galing nila sa volleyball.

Habang pinapanood namin kung paano bugbugin ni Ashley sila James at Jade,nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Brix ang kamay ko.

"Pangako Queen,gagalingan ko."-Brix

O/////O

"Magiging isang ganap na Ace ako. Pangako yan."-Brix

"Sa liit mong yan umaasa kang maging Ace."-Renz

My Little "Ace"Where stories live. Discover now