Rock#06- Foundation Day

8 1 0
                                    

Rock #06- Foundation Day

"So after ipakilala ang Theater Club, kayo na ang susunod."-Mam Lady

"Okay!"-kaming apat

Inikot ko naman ang paningin ko sa Auditorium ng school namin. First time ko palang nakapasok dito. Para kaming nasa loob ng sinehan,pero hindi sya madilim at may malaking stage sa harap.

"Mamayang lunch break,dalhin nyo na dito yung mga gamit nyo para maiayos na agad natin. Sa ngayon pwede pa kayong magpahinga o kaya magpraktis para mamaya. Goodluck sa performance nyo mamaya.:)"-Mam Lady

"Thank you po."-ako

Umalis muna kami saglit at iniwanan si Mam sa auditorium. Foundation Day kasi ngayon ng school kaya may program. Mamayang 4 pa naman ang start kaya makakapaghanda pa kami.

"Napraktis nyo ba sa bahay ang mga binigay kong kopya sa inyo?"-Ashley

"Oo."-Lee

"Napraktis ko naman na pero may konti pa akong nakakalimutan. Pwede ba tayong magpraktis ngayong umaga?"-ako

May mga parts parin kasi na nakakalimutan ko.

"Oo naman."-Ashley

At dahil nga walang klase,nagkalat ang mga kaklase namin at ang iba pang estudyante sa field. Yung iba nang-iimbita sa mga clubs nila,nagbibigay ng mga forms or poster. Yung Cooking Club nga may free taste pa sa shanghai yata yun.

"Kapag napanood nila ang performance natin,dun sila maaattract na sumali sa club natin. Kaya galingan natin girls!"-Ashley

"Okay!"-ako,Cheska at Lee.

Dumiretso na nga kami sa room ng MC (Music Club) para na rin makapagpractice. Nung unang tugtog,may mga konting mali,pero nung inulit pa namin,nasasanay na kami hanggang sa nawala na ang mga pagkakamali na nagawa namin kanina.

"Hindi ka na ba kinakabahan Queen?"-Cheska

Pinagpahinga muna kami ni Ashley at naglabas naman ng pagkain si Lee.

"Hindi na. Tinatandaan ko lang ang sinabi ni captain."

"Speaking of captain, hindi ko yata sila nakikita ngayon?"-Cheska

"Baka nagpapractice ulit sila. Malapit na kasi yung Practice Match nila laban sa Uno Academy ,Fuderama Academy at Naoi Academy."-Ashley

"Yes! Alam na alam. Siguro katext mo palagi si James kaya nalalaman mo. Hahahaha."-Cheska

"Baliw,madalas lang mag-group message si Brix kaya nalalaman ko."-Ashley

"Ay oo nga pala. Hahaha. Okay na kayo ni Brix, Queen?"-Cheska

Napatingin naman silang tatlo sakin kaya nahiya naman akong isubo yung cookie.

"Hmm. Oo. Ayos naman kami."

Simula kasi nung nag-thank you sya sakin about dun sa pagpapakain ko sa pusa,gumaan na yung loob ko sa kanya. Kasi syempre bilang mahilig din ako sa pusa at bilang tinatandaan ko parin ang sinabi ni Ace dati na dapat alagaan ang mga hayop,natuwa na ako kay Brix simula nung nalaman ko na ganun nalang nya tratuhin ang mga hayop.

Kaso nga lang,madalas naman kaming tuksuhin ng mga ka-team nya,minsan si Cheska rin nakikisama,pero binabawalan naman sya ni Ashley.

"Mabuti naman. Hahaha."-Cheska

"Balita ko nga malalakas yung mga makakalaban nila sa Practice Match e."-Lee

"Oo,malalakas talaga. Nasa Uno Academy kasi sila Peter at Carlo na magaling sa pag-block dahil sa taas nila."-Ashley

My Little "Ace"Where stories live. Discover now