Spike #02- "The Setter and The Decoy"

12 0 0
                                    

Spike #02- "The Setter and The Decoy "

"Queen!!"

Napatingin naman ako agad sa tumawag sakin.

"Oh! Cheska." Dahil nga tumakbo sya kanina papalapit sakin,huminga muna sya ng malalim bago ulit nagsalita.

"Mayroon daw tayong meeting mamaya sabi ni Ashley. Natanggap mo ba yung text nya?"

"Oo. Tungkol kaya saan ang meeting?"-ako

Nagbigayan na rin kasi kami ng mga numbers kahapon. At nalaman ko rin na yung dalawang babae na naabutan namin sa Music room kahapon ay sila Ashley Mae Bitancor at si Lee Jane Santos. Si Ashley ang mahaba ang buhok habang si Lee naman yung kulay red ang buhok. Pare-parehas lang kaming Grade 11 kaya hindi ako naiilang.

"Hmm. Ewan ko nga rin e.*sabay tingin sa relo* Oh! Queen! Kailangan na nating magmadali!!"

"T-teka lang." Nilagay ko muna yung rubbershoes ko sa locker para magamit ko mamaya sa P.E. namin.

"Tara!"-ako

Tumakbo na kami ni Cheska papunta sa room. Okay lang naman daw sa ibang teacher na tumakbo sa hallway basta wag ka lang daw maingay.

Habang tumatakbo naman kami papunta ng room, naririnig ko mula sa covered court ng school ang mga hampas ng bola at sigaw ng mga lalaki.

NICE SERVE!!

MINE! MINE!

OKAY LANG YAN!!

Volleyball.

Nasan kana kaya? Ace?

------
(Lunch Break)

Katatapos ko lang kumain at naisilan kong maglakad lakad muna. Umalis muna kasi si Cheska para kausapin si Mam Lady. Hindi ko alam kung para sa club ba ang pag-uusapan nila o dahil sa pagtulog ni Cheska habang nagtuturo si Mam Lady ng History.

Nalaman ko rin na dati palang estudyante rito si Mam Lady,at isa rin sya sa mga members ng Music Club. Pero after daw ng batch nila,wala nang naglakas ng loob na buuing muli ang Music Club. Masyado raw kasing busy ang schedule ng club nato.

Pero kung gusto mo naman talaga ang isang bagay,kahit mahirap kakayanin mo kasi nga gusto mo. Hindi ba?

Sa paglalakad ko,napadpad ako sa covered court.

"AYUSIN MO NGA YUNG PAG-SPIKE MO!!"

"Nagugutom na kasi ako~"

Bukas ang pinto,pwede naman sigurong sumilip-------

"Ahhhh! Sorry Miss!"

"Tsk. Sinabi na kasing ayusin."

Napaupo naman ako at napahawak sa ulo ko. Ang lakas nun a. Feeling ko tumilampon lahat ng mga napag-aralan namin kanina.

"Miss,okay ka lang ba?? Sorry talaga."

"O-okay lang,medyo masakit---"

"Oh! Dumudugo ang ilong mo!!"

Napahawak naman ako agad sa ilong ko.

Lagot na.

"Dalin na natin sya sa clinic Brix!"

"Baliw ka ba? Gusto mong masuspinde tayong dalawa? Teka lang Miss,kaya mo bang tumayo?"

Tumango naman ako. Dugo. May dugo sa ilong ko. Titingala na sana ako kaso pinigilan ako nitong lalaki na sa tingin ko ay ang dahilan kung bakit dumugo ang ilong ko. Si Kiel pala tong isa.

My Little "Ace"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon