Spike #03- "The Volleyball Team."

16 0 0
                                    

Spike #03- "The Volleyball Team."

"Pahingi! Pahingi!" Sabay kuha ng dalawang cookies at juice.

"Hoy Brix!! Akin yan!!"-Cheska

Tumayo muna ako para naman makakuha rin ng cookies yung ibang lalaki.

Ang tatangkad nila,pwera dun kela Brix tsaka dun sa lalaking niloloko si Ashley. Nandito rin si Kiel,pero mas matangkad sa kanya yung nakasalamin.

"O! May bago pala kayong kasama."

Kaya naman napatingin silang lahat sakin.

"Ah. H-h-h-hi."

Lumapit sakin yung isang kalbo tsaka yung isang maliit.

"Uy! Wag kang mahihiya samin ha?"-sabi ng kalbo

"Hindi sya nahihiya satin. Natatakot sya sayo." Sabi nung nakasalamin.

"Anong sabi mo??" Susugurin yata sya nung kalbo kaso pinigilan sya nung isang singkit.

"O loko,lagot ka kay captain. Hahaha."

"Renz,Jade,tumigil kayo."

Napayuko nalang ako dahil nakatingin sila sakin. Hindi talaga ako sanay na maraming nakatingin sakin. Siguro dahil hindi pa ako gaanong sanay magmula nung nakakita ako.

"Anong pangalan mo Miss?"-sabi nung isang maliit.

"Queen." Sabi ko naman habang nakayuko lang. Kaso dahil makulit nga yata tong maliit na to, sinilip pa nya ako mula sa ilalim,kaya napaurong ako.

"James!"-Cheska

"Ay. Hahaha. Wag kang mahihiya samin. Mababait naman kami kahit ganyan ang itsura ni Jade." Sabay turo dun sa kalbo.

"Bwisit kang liit ka!!"-sabi nung kalbo

"Hahahaha. Kami nga pala ang bumubuo sa volleyball team. Madalas kaming pumupunta dito sa room ng club nyo dahil palaging may pagkain dito. Nga pala,bagong member ka?"-James

"Obvious ba James?"-Ashley

"Sorry na myloves. Hahahaha."-James

"Sura. Tsk."-Ashley

Tapos lumapit naman sakin yung tinawag na captain.

"Teka Queen,napano yang noo mo? Mukhang may malakas na bagay na tumama dyan?''

Narinig ko naman na parang may umubo. Naku naman. Mukhang malaki nga talaga ang bukol ko.

"Dahan dahan kasi Brix. Marami pa namang cookies."-Lee

"Natamaan sya kanina ng bola captain."-Kiel

Napatingin naman ako kay Kiel na seryoso lang ding nakatingin samin. Nakakatakot yung aura nya.

"Sino yung nakatama sa kanya?''-Captain

Tapos biglang tinuro ni Kiel si Brix. "Nagpapractice kasi kami kanina sa court,tapos pagkapalo ni Brix,sa sobrang lakas,napunta sa kanya. Dumugo pa nga----"

"Ahh okay naman na ako. Ayos na."-ako

Tsk. Daldal naman netong Kiel na to.

"Dumugo? Dumugo ang alin?? Brix!! Anong ginawa mo sa bagong member namin??''-Cheska

Lumapit si Cheska kay Brix at biglang pinagsusuntok. "Hindi ko naman-aw- sinasadya e."

"Kahit na! Tingnan mo ang laki ng bukol ni Queen."-Cheska

"Minsan kailangan mo ring pigilan ang pwersa mo kapag pumapalo ka ng bola."-Captain

"Opo captain. Pasensya na ulit."-Brix

"Okay lang."-ako

"Isumbong na yan sa dean! Wahahaha."-James

"Waaaaag!"-Brix

Sila ang volleyball team ng school na to..Ilang araw palang pero ang dami nang nangyayari. Marami na rin akong nakikilala.

Pero sa bawat araw na dumadaan,sa bawat taong nakikilala ko,isang tao pa rin ang hinahanap ko.

"Edi tutugtog na kayo nyan sa mga programs?"-Brix

"Yes! Hahahaha."-Cheska

"Whoa!!! Ang galing naman!"-Brix

"Congrats Ashley myloves!!"-James

"Magiging masigla ang bawat activities nyan."-Captain

"Nakakakaba rin dahil first time naming magpeperform sa harap ng maraming tao."-Ashley

"Kaya nyo yan. Basta isipin nyo na nagsanay kayo,at ibigay nyo ang best nyo."-Captain

"Waaah! Captain! Salamat. Hahaha."-Cheska

Tumingin naman sakin si Captain at hinawakan ang balikat ko. Ano nga kaya ang pangalan nya? Captain kasi ang tawag sa kanya.

"Galingan mo Queen. Napansin ko kasi na naiilang kapa kapag maraming nakatingin sayo,pero masasanay ka rin."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Pano nya nalaman yun e ngayon lang kami nagkita?

"Hahaha. Oo nga Queen, tsaka ipakita mo lang na magaling ka."-James

"At wag mong iisipin na ikaw lang mag-isa sa stage,dahil apat kayo na tumutugtog."-Jade

"Wow naman. Nakakaiyak Jade." Sabi nung nakasalamin

"Pwede ba Renz masasapok talaga kita!!"-Jade

Tama. Hindi lang ako ang mag-isang nakaharap sa maraming tao. Kasama ko sila Cheska,Lee at Ashley. Pare parehas kaming tumutugtog. Pare parehas kaming nagsanay at pare parehas kaming kinakabahan.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Oo. Tatandaan ko yan. Salamat."

"Wahh! Ang ganda mo Queen."-Jade

0////0

"Aray captain!"-Jade

"Pasensya kana Queen. Team! Nagtext na si coach. Tara na sa court."

"Yosh! Practice na! Oy Kiel! Umayos ka."-Brix

"Matagal na akong nakaayos."-Kiel

"Paalam girls!!"- James

Nakita ko namang kumuha muna ng cookies si Brix bago nagwave samin at tumakbo papalabas.

"Pasensya na ulit at naistorbo namin kayo."-captain

"Okay lang po captain."-Ashley

Nagpaaam na rin yung iba at naiwan na lang si captain.

"Ahh,Joshua,eto o,ginawa ko para sa team."-Lee

Iniaabot nya ang isang box kay captain.

"Salamat Lee. Sige mauna na ako."-captain

Pagkalabas ni captain,lumapit si Cheska kay Lee.

"Uy uy uy! Hahahaha."-Cheska

"Wala kang cake bukas."-Lee

"Ay ba! Uy lang naman sinabi ko."-Cheska

Napangiti nalang ako.

"At wag mong iisipin na ikaw lang mag-isa sa stage,dahil apat kayo na tumutugtog."

Unti unti. Maoovercome ko rin to.

My Little "Ace"Where stories live. Discover now