Spike#05- "Awesome Team!"

5 0 0
                                    

Spike#05- "Awesome Team!"

Ngayon na ang araw ng Laban ng Volleyball Team.

Umaga palang,sila na ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Meron pa ngang isang poster sa Bulletin Board at may nakalagay na "Goodluck Kurusawa Volleyball Team!"

Habang nakaupo ako dito sa room at habang naglelecture ang professor namin,hindi ko maiwasang hindi sila isipin.

Kahit na sandali ko palang silang nakakasama,kahit sila Cheska,Lee at Ashley,napalapit na sila sakin. Dahil nga wala naman akong kapatid at dahil palipat lipat kami ng lugar,wala akong naging permanenteng kaibigan. Hindi ko alam ang feeling ng may nakakakwentuhan after ng class,hindi ko alam ang feeling na may kabiruan.

Pero paglipat ko sa school na to,naramdaman ko yun lahat. Yung feeling na may nakakakwentuhan tuwing after class. Yung may kabiruan. Ang saya pala! Sobrang saya! Kaya susuportahan ko sila,at gagawin ko lahat para maging confident sa harap ng maraming tao.

4:00 daw ang start ng laro nila,e 4:30 ang uwian namin,siguro naman makakabot pa.

Habang papalapit ng papalapit ang oras ng uwian,hindi na rin ako mapakali. Ngayon palang kasi ako makakapanood ng isang live na laro ng volleyball. Dati kasi sa tv lang ako nakakapanood.

At nung nagring na nga ang bell at hudyat na ng uwian,napasigaw ako kaya napatingin din sila sakin.

"Sorry. Hehehe. Cheska! Tara na!"

"Mukhang excited ka a! Hahaha. Sige tara. Puntahan muna natin sila Ashley."

Kinuha ko na yung bag ko at tumakbo na kasama ni Cheska papunta sa room nila Ashley at Lee. Magkakaparehas lang kami na Grade 11 pero magkakaiba ng section.

Pagpunta namin sa room nila Ashley,sakto namang papaalis na rin sila at pupuntahan sana kami.

"Tara na. Tara na." -ako

Excited na akoooo~ hahahaha.

"Nakakatuwa ka palang ma-excite Queen. Hahaha."-Cheska

"Ngayon lang kasi ako makakapanood ng live na laro ng volleyball."

"Ganun ba. O sige tara,bilisan na natin."-Ashley

Tumakbo naman na kami papalabas ng school at sumakay agad sa tricycle.

"Sa Darlin Academy po."-Cheska

Kamusta na kaya ang team?

------

"Whoah!" Ang daming tao.

"Dun tayo!"-Cheska

Medyo nahirapan pa kaming makakuha ng pwesto dahil marami rin ang nanood. Meron na rin kaming mga schoolmates na nandito.

"20-17. Lamang tayo."-Ashley

Serve na na school namin. At yung nakasalamin ang magseserve.

"Nice serve Renz!"- James

Nasa harap naman sila Kiel at Brix. Mukhang may sinabi pa si Kiel kay Brix bago pumito.

Nagsigawan na ang mga tao sa loob ng court. Marami nga ang nagchicheer sa mga taga-Darlin Academy. Pero hindi pwede na manghina ang loob ng team namin.

"GO KURUSAWA TEAM!!! KAYA NYO YAN!!!"

Nareceive ng kabilang team ang serve ni Renz.

"Nice receive Gar!!" Sabi nung babaeng nasa likuran namin.

Seryoso ang buong team ngayon. Kahit sila Jade at James,seryoso lang na naghihintay ng bola.

Nag-toss na ang kabilang team at ini-spike ang bola. Natanggap naman yun agad ni James.

My Little "Ace"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon