This is a work of fiction. "Sa kabilugan ng buwan, Ito ay matatakluban Ng pinta na kulay dugo Pinahihiwatig nito, May halimaw na nagising May dagos na paparating Ngunit ito'y magbabago May dalagitang dadayo Sa kung saan nagtatago Ang halimaw na may puso." Ito ang tulang nagpabagabag kay Maria Valeria Saldvadore nang bumalik siya sa tahanan niya sa probinsya upang magbakasyon. Gusto niya munang malayo sa magulong buhay sa syudad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, makakakita siya ng isang nilalang na hindi niya alam na nabubuhay sa mundong ito. Isang lobo na kayang mag-anyong tao, kumilos na parang tao... at magmahal ng isang tao. Ang nilalang na halos isang daan ang hinintay upang makasama siyang muli.