Bundok Malaya
"Huwag po kayong mag-alala, bukas na bukas ay maghahanap po ako ng mga tao na kailangan ninyo." ani ng Don.
Sa loob ng opisina ay naroon si Don Dante at Señor Alendro. Nakaupo ang Señor sa upuan katapat ng lamesang malaki habang nakatayo naman ang Don sa tapat nito.
Biglang nakarinig ng mahihinang yapak si Alendro. Sumenyas siya kay Don Dante na huwag magsalita. Nararamdaman niya ang presensya ng tao sa paligid. Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at bumungad ang gulat ni itsura ni Valeria.
Mabilis na nakakilos si Alendro nang makita niyang mabibitawan ni Valeria ang bandeha kung saan nakapatong ang dalawang tasa ng tsaa. Hinawakan niya ang magkabilang braso ng dalaga upang hindi ito matumba.
Napatitig si Alendro sa bilugang mga mata ni Valeria. Maging ang nakaawang na labi ni Valeria ay kanyang napansin. Maimis ang buhok ng dalaga.
Agad na bumitaw si Alendro sa nang maramdaman niya ang ilang ng dalaga. Narinig niya rin na tumikhim si Don Dante na kita ang lahat ng pangyayari.
"Ako na ang bahala rito. Salamat sa tsaa, binibini." banggit ni Alendro. Kanya nang kinuha ang dalawang tasa ng tsaa upang hindi na mahirapan pa ang dalaga.
Tumungo na lamang si Valeria. "Salamat po."
Agad na umalis ang dalaga sa kanyang harapan. Kanyang tinitigan ang dalaga na naglalakad sa madilim na pasilyo hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
"Lakanluna, bago pa lamang ang tagasilbi na iyon kung kaya't pagpasensyahan niyo na sa kapilyuhan. Narinig ko rin na tinangka niyang magnakaw dito at nakabasag pa ng plorera kung kaya't nagbabayad siya sa pamamagitan ng paninilbihan."
Bumalik si Alendro sa upuan. Nakatulala lamang siya sa kanyang repleksyon sa tsaa habang hawak ang tasa. Halata sa kanyang eskpresyon ang labis na pag-aalala at mukhang malalim ang kanyang iniisip. Humigop siya ng mainit na tsaa.
Kinabukasan, alas singko y media pa lamang ay bihis na si Alendro. Nakasuot lamang siya ng puting camisa de chino at itim na pantalon. Simple lamang ang kanyang kasuotan ngunit sa kanyang tindig ay mahahalataan na siya'y parte ng mayayaman na pamilya. Wala pang araw ngunit dumiretso na siya sa kwadra ng mga kabayo.
"Magandang umaga, Maximo." bati niya sa kulay itim niyang kabayo.
Agad namang dumalo sa kanya ang kabayo. Kanyang binuksan ang pintuan at inalis sa pagkakatali ang kabayo. Sumakay siya rito at agad na niyang pinatakbo ito. Madilim pa ang paligid ngunit sakay na siya ng kabayo palabas ng gubat. Alam na alam niya ang daan at hindi siya maliligaw dito. May ilang minutong layo ang papalabas ng gubat. Pagkalabas ay bumungad sa kanya ang plaza. Mangilan-ngilang tao na rin ang nasa labas na, wala pa man ang araw. Ang ibang tao ay namamalengke, ang iba naman ay papasok na sa kanilang mga trabaho.
Diretso lamang ang tingin ni Alendro papunta sa kanyang patutunguhan. Sa likod ng simbahan ay diretso na ang daanan patungo sa Bundok Malaya.
Malayo ang tinahak niyang landas paakyat ng bundok. Sa bilis ng takbo ng kabayo ay nadadala ang kanyang mahabang at kulay kayumanggi na buhok sa hangin.
Isang oras ang lumipas at narating nila ang isang maliit na kubo. Nakatayo ito malapit na sa tuktok ng bundok.
Tumigil ang kabayo at bumaba roon si Alendro. Kanyang itinali ang kabayo sa puno malapit sa kubo. Kanyang pinagmasdan ang sumisilip na araw. Malamig ang simoy ng hangin dahil nasa bundok siya.
Araw-araw ay napunta siya rito magmula nang dumating siya sa Sandiago. Walang araw na lumipas na hindi siya pumupunta sa Bundok Malaya.
Ang maliit na kubo na naroon ay pagmamay-ari niya. Noong unang gabi niya sa bayan ay agad niyang itinayo ito nang mag-isa. Tuwing umaga ay walang palya niyang pinagmamasdan ang pag-angat ng araw sa kalangitan. Habang nakaupo sa kawayan sa labas ng kubo, tahimik lamang siya roon na nanonood.
YOU ARE READING
The Beast from 1890
Historical FictionThis is a work of fiction. "Sa kabilugan ng buwan, Ito ay matatakluban Ng pinta na kulay dugo Pinahihiwatig nito, May halimaw na nagising May dagos na paparating Ngunit ito'y magbabago May dalagitang dadayo Sa kung saan nagtatago Ang halimaw na may...