Kabanata 23

1 0 0
                                    


Sugat

Hawak ni Teniente Fernando ang kanyang sumbrero sa dibdib. Bumuntong hininga siya bago kumatok sa pintuan. Halata sa itsura ng kastilang sundalo ang pagod, ilang araw na siyang subsob sa trabaho.

"Pasok!" rinig niya ang nakakakabang boses ng alkalde.

Binuksan niya ang pintuan at nagtungo sa loob ng opisina. Kinakabahan siyang at tumindig nang ayos sa tapat ni Don Dante na siyang abala sa pagsusulat sa papeles sa lamesa.

"Magandang umaga po, Don Dante."

"Kumusta ang inyong pag-iimbestiga?" tanong ng Don, hindi man lang tumutingin sa Tentiente.

".... Hindi pa rin po nahahanap ang salarin. Nakapagpalathala na rin po ako sa dyaryo, upang mapabilis ang paghahanap sa mamamatay tao. Nagdeklara na rin po ako ng takdang oras na bawal lumabas ang mga sibilyan ng alas onse ng gabi hanggang alas singko ng umaga." ani Teniente Fernando.

Padabog na binitawan ni Don Dante ang hawak na pluma sa lamesa. Galit siyang tumingin sa Teniente.

"Hindi ba't sinabi kong mag-imbestiga kayo sa dilim? Bakit mo pa inilathala? Baka makaabot sa kabilang bayan ang balita! Baka makaabot sa gobernador-heneral!" sigaw ni Don Dante.

Nakatikom lang ang bibig ni Teniente Fernando. Inaasahan na niya ang galit ni Don Dante, lalo't linggo na ang nakalilipas at dumarami ang misteryosong namamatay.

Tumayo si Don Dante at kumuha ng isang pirasong nakabalot ng tabacco. Kanyang sinindihan iyon at naupo sa hamba ng bintana. Pinakalma niya ang kanyang sarili.

"Kapag nabalitaan iyon ng gobernador-heneral, sigurado akong kukwestyunin niya ang aking pamamahala sa bayan. Lalo na ngayon.... nagpaparamdam na muli si Mariano sa taumbayan." malalim ang paghinga ni Dante. "Posisyon ko bilang alkalde ang nakataya rito, Teniente."

Yumuko lang si Teniente Fernando. Naiintindihan niya ang pangamba ni Don Dante na baka ilipat ng gobernador-heneral ang posisyon niya kay Don Mariano.

Tumayo si Don Dante at lumapit kay Teniente Fernando. Tinapik niya ang balikat ng kastilang sundalo.

"Sa iyo nakasalalay ang aking posisyon, Teniente.... at sa iyo ko ito ipinagkakatiwala." aniya.

Hindi na nagsalita pa si Fernando. Tumango na lamang siya sa kabila ng bigat ng responsibilidad na ipinatong sa kanya.

_________________***_______________

Hindi kaagad makakilos si Valeria nang makita ang dalawang ginoong nakalahad ang kamay sa kanya. Hindi niya malaman kung kaninong kamay ang kanyang tatanggapin, lalo na't ramdam niyang nakatingin ang mga mata ng mga tao sa kanila.

"Halika, tulungan na kita."

Narinig na niya lang na lumapit si Luisiana sa kanya at siya ang tumulong sa kanya pag-alalay upang makatayo. Si Luisiana rin ang nagpagpag ng kasuotan ni Valeria.

Naiwan naman si Alendro at Franco roon. Ramdam ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa, na para bang may tahimik na away na namamagitan sa kanila. Pareho na silang tumayo at tinulungan na lang nilang ibalik ang mga pagkaing nakabalot sa dahon ng saging na mailagay sa bayong.

"Ayos ka lang ba?" malambing ang boses ni Luisiana sa tanong kay Valeria.

Tumango lang si Valeria. Hindi na siya makaimik dahil sa kahihiyan na nadarama. Napalingon siya sa grupo ng mga Señorita. Umiwas ng tingin ang mga ito at nagpanggap na parang walang nangyari.

"Halika, rito ka muna sa loob. Mukhang pagod ka na sa pagtulong kay Franco. Hayaan mo muna sila Valentina ang mag-asikaso roon." hinawakan ni Luisiana ang braso ni Valeria upang igiya patungo sa loob ng mansyon.

The Beast from 1890Where stories live. Discover now