Kabanata 10

2 0 0
                                    


Teniente

"Naku! Naaalala ko nung bata pa itong si Valeria, mahilig 'tong maglakbay mag-isa sa mga gubat at palayan. Lagi itong may hinahabol na paru-paro o kaya naman ay palaka. Ewan ko ba riyan sa batang iyan, masyadong kuryoso sa mundo. Hahaha!" tumawa si Lola Mercianna at napayakap sa apo niyang si Valeria na nasa kanyang tabi.

Napuno ng tawanan ang hapag kainan. Matapos kasi ang mainit na pagsalubong ng pamilya ni Valeria sa kanya ay nag-alok na si Lola Mercianna ng tanghalian para sa bisita na si Señor Alendro.

Nakaupo sila sa mahahabang kawayang upuan at maliit na lamesa na gawa rin sa kawayan. Nasa ilalim sila ng silong, kung saan tanaw nila ang malawak na palayan at kita rin ang bundok Malaya sa kanilang kinauupuan. Katabi ni Valeria sa magkabilang gilid niya si Lola Mercianna at ang pinsan niyang babae na si Cecilia. Katapat naman nila si Constantino at si Señor Alendro.

"Natatandaan ko nung isang hapon, pitong taong gulang pa lamang si Valeria, nawala siya sa aking paningin habang naglalaro siya sa palayan. Abala kasi ako noon sa pagluluto at hindi ko namalayan kung saan nagpunta. Hinanap namin kung saan napadpad." sabik na nagkwento si Lola Mercianna sa bisita.

Natawa naman si Constantino. "Naalala ko iyon! Labindalawang taong gulang ako noon, tapos ginising ako ni Lola Mercianna sa siesta ko upang hanapin si Valeria. Dalian akong nagtatakbo sa palayan hanggang sa makarating ako sa ilog. Tapos Señor, alam mo ba kung saan siya nakita?"

Alertong nakikinig si Alendro habang nakain. Nang tanungin siya ay napalingon lamang siya kay Constantino at Lola Mercianna, tapos kay Valeria. Kitang kita sa mga mata ni Alendro ang kuryosidad niya sa mga nangyari. Umiling lamang siya bilang pagsagot sa tanong ni Constantino.

"Naku! Ayon! Nakita namin natutulog pala sa ibabaw ng punong iyon!" sabi ni Lola Mercianna sabay turo sa katabing puno ng kubo nila. "Nagalit pa sa akin dahil ginising ko pa raw siya, e nananaginip na raw siya noon. Paano kung nahulog ka roon? Itong batang 'to talaga oh oh! Ikaw ba ay unggoy?"

Nagtawanan ang lahat. Si Alendro naman ay napangisi sa kwento. Napalingon sa kanya si Valeria at nahiyang ngumiti bago umiwas ng tingin. Ibinalik ng dalaga ang tingin sa kanyang pagkain.

"Siya nga pala, hija, papaano ka nga pala napapunta sa Hacienda Salvadore? At hindi mo man lang nasabi sa akin?" tanong ng matanda.

Napakagat ng labi si Valeria. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang nangyari.

"Ah... kasi po..." hindi na niya natapos ang sasabihin nang magsalita si Constantino.

"May halimaw daw sa gubat. Hahaha!" tumawa si Constantino.

Nagtataka namang tumingin sa kanya si Lola Mercianna. "Huh? Ano ang iyong sinabi?"

Napabuntong hininga si Valeria. "Kasi po... napadpad ako sa gubat ng Sandiago nung gabing umuwi ako galing Maynila. Tapos... may nakita po akong isang malaking lobo. Mas malaki siya sa akin at... ang kanyang mga mata ay nanlilisik, ang itim nitong balahibo ay nasisinagan ng liwanag ng buwan. Ang mga ngipin nito'y walang kasintalas. Sobrang takot po ako nang gabing iyon."

Ang lahat ng atensyon ay natuon kay Valeria. Maging si Alendro ay matiim na nakikinig sa dalaga.

"Tumakbo po ako hanggang sa nakarating sa isang malaking tahanan. Hindi ko po alam na ang pinasok ko pala ay mansyon ng mga Salvadore. Hindi ko sinasadyang nabasag ang isang mamahaling plorera, kung kaya't pagbabayaran ko po iyon bilang isang tagapagsilbi."

Natahimik sila. Ang akala ni Valeria ay hindi maniniwala sa kanya si Lola Mercianna ngunit kita niya ang takot sa mukha ng matanda.

"Naku! Mabuti na lamang at ligtas ka! Narinig ko nga na nung gabing iyon daw ay kulay pula ang buwan. Ibig sabihin lamang noon ay may halimaw na magigising." hinawakan ng matanda ang dalawang kamay ni Valeria.

The Beast from 1890Onde as histórias ganham vida. Descobre agora