Kabanata 4

8 1 0
                                    


Tapay

"Ano ang ibig sabihin nito?!" Umalingawngaw sa buong silid ang isang sigaw.

Sabay na napalingon ang dalawa kay Inang Soleng na nasa may hagdanan at naabutan sila sa ganoong posisyon. Agad na lumayo si Señor Alendro at dumistansya kay Valeria.

May hawak na lampara ang matanda at nakahawak sa hamba ng hagdanan. Nababalot siya ng mahabang alampay. Bigla itong naglakad patungo kay Valeria at hinawakan ito sa braso. Pinanlisikan na naman nito ng mata ang dalaga bago bumaling sa Señor at ngumiti.

"Naku! Pagpasensyahan niyo na po si Valeria. Bago lang po ito rito sa mansyon. Wala pang kaalam alam sa sistema rito."

Ambang magsasalita ang Señor ngunit nahila na ng matanda ang dalaga patungo sa kusina. Nang nakarating sila roon ay nakatanggap ng hampas sa braso ang dalaga mula kay Inang Soleng.

"Nakikita mo ba ang iyong sarili Valeria? Napakalaswa ng iyong kasuotan! At sobrang lapit ng inyong katawan kanina! Napakawalang galang mo sa bisita!" galit na sigaw ng matanda.

Napayuko na lamang si Valeria at napahimas sa brasong namumula na ngayon.

"Ano ba ang iyong ginagawa rito? Sinasabi na nga ba e. Kaya ako lumabas ng hatinggabi upang manmanan ka sa unang gabi mo rito sa mansyon, upang malaman kung magnanakaw ka ba talaga."

Agad namang tumunghay si Valeria. "Hindi po ako magnanakaw! Maniwala po kayo sa akin. Hinahanap ko lamang po ang aking kwintas na nahulog noong gabing pumasok ako rito. Sobrang halaga mo noon sa akin dahil bigay po iyon sa akin ng aking yumaong ama... parang awa niyo na po Inang Soleng. Maniwala po kayo sa akin." pagmamakaawa ni Valeria.

Halata sa mukha ng matanda na hindi siya naniniwala rito. Akmang papaluin siyang muli ng matanda kung kaya't napapikit si Valeria ngunit biglang may nagsalita sa pintuan ng kusina.

"Totoo po ang sinasabi niya."

Napatigil si Inang Soleng at napalingon kay Señor Alendro na naroon sa pintuan ng kusina.

"Kita ko po siya na may hinahanap doon kung kaya't nilapitan ko siya upang tumulong sa kung ano man ang kanyang hinahanap." ani ni Señor Alendro.

Napatunghay si Valeria at tiningnan ang Señor. Napabuntong hininga si Inang Soleng bago muling lingunin si Valeria. Agad namang yumuko ulit ang dalaga. Tumaas ang kilay ng matanda bago tumango at muling ngumiti sa Señor.

"Kung gayon, ako na po ang bahala kay Valeria. Pasensya na po kayong muli sa abala." ani ng matanda.

Tumango ang Señor. Bago man siya umalis ay muli niyang pinasadahan saglit ng tingin si Valeria bago ito umalis. Sinigurado niyang hindi magtatagal ang kanyang tingin sa dalaga dahil baka lalong masamain ng matanda lalo na't ganoon ang kasuotan ni Valeria.

Matapos pagsabihan ni Inang si Valeria ay pinabalik na siya nito sa loob ng kubo upang mamahinga.

________________***________________

Maaga pa lamang ay nasa loob na ng kusina si Valeria. Abala na kaagad ang mga tao sa kusina dahil kailangan na nilang ipagluto ang Don at ang Señor. Lalo na ngayon at darating ang Doña galing ibang bayan, ang asawa ni Don Dante.

Abala sa pagdidikit ng apoy si Valeria habang nagkukwentuhan ang dalawa niyang kasama na tagapagluto na sila Flora at Hilda.

"Galing daw ibang bayan si Doña Clementina dahil mayroon na naman daw itong biniling mamahaling alahas." ani Hilda.

"Halos buwan buwan na lamang may panibagong alahas o kaya ay palamuti ang Doña no? Ang saya siguro maging mayaman." ani ni Flora.

"Kaya nga kung ako sa iyo ay maghanap ka na rin ng mayamang mapapangasawa, ang balita ko hindi rin naman daw ganoong kayaman ang pamilya ng Doña noon, sadyang nakabibighani lang ang ganda at mestiza." sabi ni Hilda

The Beast from 1890Kde žijí příběhy. Začni objevovat