Chapter 28:Photo Booth
"Bakit mo yun ginawa ha?" tanong ko nang tuluyan na kaming makalayo sa kanila.
"What are you saying?"
"Yung pagsigaw at paghila sakin mula kay jacob?"
"Because i don't want to at isa pa you're my girlfriend so i don't want you to be close to the other guys out there" sumbat nya..
"Hoy Mr.Cross,Jacob is not 'other guy' BestFriend ko sya"
"Well not for me"
"Pero---"
"Rule Number 1,Wag kang lalapit sa ibang lalaki ng hindi ko nalalaman" napamewang ako dahil sa sinabi nya..
" At kelan pa nagkaroon ng Rule tong pagpapanggap natin ha?" nanlaki yung mga mata namin dahil diko sinasadyang lakasan ang boses ko.
"Eryn,do you want to get caught?" pinandilatan nya ako ng mata kaya napatakip ako ng bibig..
" Oo na,sorry na pero ikaw kase bakit kailangan pa ng rules?" pabulong na sabi ko.Buti nalang at wala masyadong naka-rinig samin.
"Well,I'm Ezekiel Lyron Cross so i can do whatever i want" kita mo nga naman tong lalaking to parang sya yung batas ahh.
-Nakakainis na sya, seriously...
"Then,i'll gonna do whatever i want to also" akma na sana akong tatalikod nang hawakan nya ako.
"Where are you going?"
-Yung totoo English Q & A ba to? Napapa-english na ako dahil sa lalaking to eh..
"Babalikan ko si Jacob"
"Why?"
"Magsosorry ako dahil sa paninigaw mo "
"What?!! He's not baby anymore,he will not cry because i shouted at him"
"Arghh bahala ka sa buhay mo,english-an mo yang sarili mo,ang hirap mong kausapin" tuluyan na nga akong tumalikod at bumalik sa nilarakaran ko.Akala ko si Jacob parin yung madadatnan ko dun pero si Kendell pala--at si Jennie magkayakap..
Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at nag-iinit na gilid ng mga mata parang diko maigalaw yung mga paa ko para sana umiwas ng tingin at tumalikod.Aminin ko man o hindi alam na ng puso ko kung bakit ako nagkakaganito.Dahil sa selos.
"Now i know why i always caught you staring at KD" napa-igtad ako dahil sa biglang pag-tabi ni red sakin..
"H-huh? "
"You like him, aren't you?" napalingon ako sa kanya pero diretso lang yung tingin nya at nakapamulsa yung mga kamay.
"Di ah" sabay punas sa mga patak ng luha na diko man lang napansin kanina.
"Then why it seems na nasasaktan ka sa nakakikita mo?" napairap ako .
"Nasasaktan? Ako?? Norway (No way)" tumawa ako ng bahagya saka tumalikod kaya tumalikod din sya at sumabay sa lakad ko .
"I bet your a soldier in your past life" napakunot ako sa sinabi nya..
-Sundalo sa past life ko?
"Bakit mo naman nasabi?"
"Nagpapakamartyr ka eh" napa-nga nga ako sa sinabi nya .
-Seriously si Zekie,the annoying ba itong kausap ko? Ang lalim ng sinabi nya e.
"Wow after 3000 years ngayon lang kitang narinig na may words of wisdom ka palang tinatago." with matching 'pagkamangha look' pero ang totoo tini-tease ko lang talaga sya,first time ko kase talaga syang naririnig na may kabuluhan yung mga sinasabi nya dahil mostly bangayan lang kami which is nakaka-panindig balahibo yung mga sinabi nya kanina...
Di sya sumagot at naglakad lang sya sa gitna ng mga nagga-gandahang booth.May nagbebenta ng keychains,Dream Catchers,mga educational books.May photo booth at may Food Booth din..
Huminto ako sa harap nya kaya napahinto din sya at tumingin sakin na nakasalubong yung mga kilay..
"Alam mo bang thankful ako sa sinabi mo?" nakangiting sabi ko..
"Thankful to what i said to you? Eh ano bang sinabi ko" napa-irap ako.
"Yung mga 'words of wisdom' mo kanina duh? Alam mo bang medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil sa mga narinig ko mula sa'yo at dahil dyan tutulungan na kita sa mga plano mo para kay abby at para matapos na'to" nagliwanag yung reaksyon nya sa sinabi ko.
"Nang di nagrereklamo" pahabol ko pa..
"Really?"
"Oo" natawa ako sa reaksyon nya pero natigilan ako nang yakapin nya ako ng walang alinlangan..
*Dug* *dug* *dug*
"A-ah ehh Z-zekie......??" para akong di makahinga sa higpit ng yakap nya kaya nang marealize nya yung ginawa nya ay agad syang kumalas.
" What the Fuck!!" nangangamatis na yung muka nya sa sobrang pula..
Eh kahit din naman ako,arghh embarrassing......
Tahimik lang kaming nakatayo sa gitna at talagang nasa amin ang mga mata ng mga tao...
"C-can we pretend that its just part of
our plan?"lumapit ng konti at bumulong kaya tumango ako dahil sa awkward..
Naagaw ng mga mata ko ang booth na may cute costumes at headdresses kaya napa-ngiti ako..
"Uy,Red papicture tayo dun oh" turo ko sa photo booth pero umiling sya..
"Eh?? Sige na papicture tayo,anku'kyutt ng features nila at isa pa way narin to para maging 'close' tayo kahit konti at mapadali yung trabaho natin" binulong ko lang yung last words na sinabi ko.
Pero matigas parin syang umiling.
Hmpp.Sayang ang kyutt pa naman nun...
Nahagip ng pheriperal vision ko ang grupo nina Abbigail kaya lumingon ako para masiguro ko na sila nga yun..
"Tingnan mo Zekie,sina Abby papunta rin dito sa photo booth"kinalabit ko sya kaya napalingon sya.
"Where?" aligagang tanong niya kaya tinuro ko.Wala pang isang segundo ay hinila nya ako papasok sa Photo booth
"Magpapapicture kami" sabi nya dun sa lalaking photographer kaya tumango yung lalaki.
Sinuotan nya ako ng ilong na may bigote kaya natawa sya.
"Pfft...Nakakatawa talaga yung muka mo nerd" ahh ganun tawang-tawa ka,lintek lang ang walang ganti..
Kumuha ako ng Pink ng Wig at sunflower na headband saka hinila yung tecktie nya para mapantayan nya ako..
-Bakit ba kase an'tangkad ng lalaking to,ano ba ang pinakain sa kanya.
Akma ko na sanang isusuot sa kanya nang iniwas nya yung ulo nya.
"What the fck Eryn,ano yang isusuot mo sakin" at tumayo sya..
"Diba obvious na wig toh? At isa pa para fair tayo isusuot mo to sa ayaw mo at sa hindi" at hinila ulit yung necktie nya.
"No,i'm not going to wear that disgusting wig,yck" napatingin ako sa mga taong naka-tingin samin and guess what halos maraming girls ang nakatayo sa harap ng photo booth at pinapanood kami,kasama na sina Abby na mukang magpapapicture din sana.
"Isusuot mo'to o di na kita tutulungan.Ngayon mamili ka lalo na't naka-tingin ngayon ang babaeng gusto mo" napalingon si Red sa mga tao at binalik yung tingin sakin...
"Okay fine,for the sake of the both of us"
"Good" kasabay nun ay sinuot ko yung wig nya at sunod naman ay ang headband..
Natigil ako nang mag tama yung mga mata namin kaya diko napigilang mapa-titig.Ang ganda ng mga mata nya na para bang gusto mo palaging titigan ng matagal.
*Flash*
Nagulat ako nang may nag flash kaya napalingon ako at di lang pala flash ng photographer yung nakita ko kundi lahat ng nakatingin samin at may hawak na cellphone..
"Okay,good shot..So far kayo lang at yung maganda ang timing para picturan.Lemme duplicate this para sa inyong dalawa" nakangiting nakatingin sa digital camera na sabi ng photographer..
"Uhm,tara na,dun nalang tayo sa kabilang booth" rinig ko na sabi ni Abby at tatlo silang umalis..
Nagkatinginan kami ni Zekie at napangiti sabay apir..
"Effective" bulong ko at tumango naman sya..
"Yeah!"
--------------------------🌹-----------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 29