Yes, I'm a Secret Agent ✓

By leorieisthename

20.8K 1.2K 432

Sa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalag... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
WAKAS
Note - Must Read
Special Chapter

Kabanata 17

276 24 2
By leorieisthename

Kabanata 17: Terminal ng Bus

"Eyy are you brokening?"

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na may hawak na campeign ng alak at halatang lasing na dahil pagewang gewang na ito.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay itinuloy ko nalang ang pagtuga ko ng bote ng beer.

Matapos kong muntikan ng ibigay ang sarili ko kay Brent ay umalis ako sa party at pumunta sa pinaka malapit na bar.

Puro inom lang ako at tawa ng tawa tsaka biglang iiyak na parang balik.

Wala eh, nasaktan ako...

Nakaka ilang bote na din ako pero wala parin akong maramdaman na kahit ano.

Namamanhid ako!

"Eyy girl, it's already 2:43 am. Ngayon lang kita nakita dito, brokening ka 'no? Hahahaha," saad muli ng kaharap ko.

"None of your business," inirapan ko pa siya at lumagok muli ng beer.

"Ang sungit mo 'te! Alam kong broken ka! Alam ko 'yung mga ganyang eksena! Naku! I've been the worst beh! Hahahahaha," tinawanan niya ako.

Muli ko siyang inirapan. "Get lose," pagtataboy ko.

"Alam mo, lahat ata ng makakausap kong babae na magaganda puro broken hearted. Sayang ganda mo!" Sigaw niya dahil malakas ang music.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko.

"Naku naku naku! Shatap ka dyan! Inom ka lang, sasamahan kita! Alam ko feeling ng brokening pakening hearted!" Sigaw niya uli.

Umupo siya sa tabi ko at tinuga ang hawak niyang baso na may alak.

"Tsk," singhal ko.

"Bago ka dito?" Seryosomg tanong niya.

"oo," maikling sagot ko.

"Nag break kayo ng shota mo 'no?" Tanong niya pa.

"Hindi kami nag break,"

"Misunderstamding lang ganun?"

Tumango ako.

"Alam mo, masyado ka pang bata para uminom, hindi ka ba pinapagalitan ng nanay mo?" Tanong ko ng makit kong naka polo shirt siya. Bukas ang lahat ng butones at nakatambad ang katawan niyang naka suot lang ng sando at may tatak na logo ng school. Ang skirt naman ay hindi pa naaabot ang tuhod.

"Tsk! Wala na akong nanay 'te! Hahahaha!" She laughed.

Nakaramdam ako ng konting awa.

"Ilang taon kana ba?"

"Nineteen, malapit nang mag twenty," sagot niya.

"Dapat nag aaral ka nalang kesa sa mag bulakbol," pangaral ko.

"Deputa naman oh! Para kang ate ko, puro aral aral aral ang sinasabi sakin!" Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya.

"I-I'm sorry,"

"Char lang, sanay na ako," tsaka siya tumawa ng peke.

"H'wag mong ipressure ang sarili mo," suhestiyon ko.

"Tsk. Anong nangyari sayo? Wait! Hindi sa nanghihimasok ako hah? Pero feeling ko mabigat 'yang nararamdaman mo," kalmado pero nag aalalang tanong niya.

Ngumiti ako ng bahagya at inalala ang huling salitang binitawan ni Brent kanina.

' I love you Shantelle Aria Villareal...'

"Mahal pa niya ex niya eh," natatawang saad niya.

"Ouchpain naman. Sakit niyan,"

"Sobrang sakit," tsaka tumulo ang mga luha ko.

"Hey okay lang 'yan. Madaming paraan, okay?" Laking gulat ko ng niyakap niya ako pero sa halip na itulak ko siya ay niyakap ko siya pabalik.

Feeling ko nga ako 'yung mas bata eh.

"Kailangan ko na bang bitawan?" Tanong ko.

"Naku! 'yan ang h'wag na h'wag mong gagawin! H'wag ka munang mag dedesisyon kapag naka inom ka at kapag galit ka kasi magsisisi ka sa resulta," pangaral niya.

"Eh anong gagawin ko?"

"Hayaan mo lang. H'wag kang maging mahigpit sakanya at h'wag ka ring maging maluwang,"

"Hindi ko gets,"

"Lagyan mo ng limitasyon ang mga bagay," saad niya.

"Salamat," sagot ko.

Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. "Backless dress pa nga," asar niya.

Napatawa ako ng bahagya at pinunasan ang mga luha.

"Samalat talaga hah? Gumaan 'yung pakiramdam ko,"

"Pshhh ayos lang 'yun. Ayy nga pala ano pangalan mo? Nag drama ka sa harap ko tapos hindi naman kita kilala,"

Ngumiti ko, "Alice. Alice Saavedra, ikaw?" Sagot ko.

"Fem. Beaverly Fem Acuas. Ganda ng name ko 'no?" Biro niya pa.

Tumango ako at ngumiti.

"Maganda nga," pag sang ayon ko.

"Oh paano, uwi na ako baka kasi hanapin ako ng ate ko." Pag papaalam niya.

"hmmm sige, inggat!"

"H'wag mong bitawan jowa mo hah?"

Ngumiti lang ako at tinanaw siya papalayo.

Kakayanin ko kaya kapag binitawan ko siya?
___________

" Alis na ako mamaya, inggat nalang dito hah?" Bilin ni Karren.

"H-hah?" Usal ko.

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh, may problema ba? Kung meron sabihin mo agad para sa susunod nalang ako aalis nang masamahan kita dito," umupo siya sa tabi ko.

Ngayon ang araw ng alis niya papuntang Nueva Ecija. Ala syiete palang ng umaga pero bihis na bihis siya. Eighteen naman ngayon at talagang masasabi kong madami ng tao sa paligid.

"Samahan mo 'ko sa mall, gusto mo?" Alok niya.

Tumango lang ako at naligo, siguro ay makikisabay nalang ako sa pagbili ng mga regalo.

Isang linggo na rin matapos ang eksena sa apartment ni Brent at sa bar. Madalang nalang kaming mag usap ni Brent dahil nga sa plano niya daw sumunod sa kapatid niya na si Caitlyn. Okay lang naman para saakin dahil nga pamilya naman niya ang kasama niya. Iintindinhin ko nalang muna.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Karren sa sofa habang ngumunguya ng gummy worms.

"Ang tagal mo!" Atungal niya.

"Andami mong reklamo, kain ka naman ng kain diyan. Enjoyin mo 'yang Gummy Worms KO," asik ko.

"Hoy anong sayo?! Naghati tayo sa pambili nito oy!"

"Ambag 'yun 'no! Tsaka ipapaalala ko lang sayo na 120 pesos 'yan tapos ang ambag mo lang ay bente!" Singhal ko na kaagad namang mapawi ang dugtong na kilay niya.

"G-gipit ako nung time na 'yun," napahiyang saad niya.

"Gipit o sadyang kuripot ka lang?" Asar ko.

"Pshhh bilisan mo dyan baka matagalan pa at hindi ako maka alis ng maaga." Itinabi niya na ang gummy worms tsaka pumunta sa lababo upang mag toothbrush.

"Ang takaw," bulong ko bago kunin ang sling bag ko.

"Narinig ko 'yon!" Sigaw niys mula sa kusina dahilan para matawa ako.

Alas nuebe na kami nakarating sa mall, madaming taong namimili kahit maaga pa kaya medyo nahirapan kami.

Tahimik kaming naglalakad ng biglang nag ring ang phone niya.

"Uh, A-alice. Magkita nalang tayo doon sa milk tea shop sa labas, b-bibili lang ako ng mga pasalubong," sabi niya, hindi pa man ako sumasagot ay dali dali na siyang umalis.

Napakunot ang noo ko dahil sa biglang asal niya, nag kibit balikat nalang ako at pumunta sa shop ng mga damit. Ano bang tawag don?

"Hi ma'am how may I help you?" Salubong ng isang sales lady saakin.

"Uh, meron bang mga damin dito na pwede sa mga dancers?" Tanong ko.

"Ah yes po ma'am, this way po," sabi niya at naunang naglakad kaya sinundan ko na siya.

Napalingon ako sa mga makukulay na tshirt, mukhang mahal pero okay lang, nakuha ko naman 'yung christmas bonus ko sa agency.

Nang makarating kami sa area ay bumungad saamin ang mga maangas na damit. "Here is it, ma'am. Enjoy," sabi niya at naglakad.

Tumingin tingin ako ng mga damit, naagaw ng atensyon ko ang isang kulay berdeng oversized shirt at isang black hype jogging pants. Tinignan ko ang presyo at bahagya pang napa ubo. Ang tshirt ay nasa 189 pesos at ang jogging pants at nasa 299 pesos. Maganda naman at maayos, mukhang bagay kay Andrea kaya kinuha ko na, minsan ko lang siya pag gastusan kaya okay lang. Bumili na din ako ng dalawang croped top na kulay puti at itim na nagkakahalaga ng 89 pesos ang isa. Para kay Andrea lang din 'yun.

Nang papunta na ako sa counter nahagip ng mga mata ako ang pamilyar na pigura. Nang tuluyan na siyang makapasok ay tsaka ko na lamang siya namukhaan.

"Sean," salubong ko.

"U-uh hi Alice ko-uh I mean Alice," nginitian niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I'm here to buy some gift for my papa," ngiti niya at umiwas ng tingin.

"Ah I see, enjoy." Ngumiti ako sakanya bago naglakad papalabas.

Bago pa man ako lumabas ay may kamay na humablot sa braso ko. "H-hey Sean?"

Mahirap na, baka wala siyang pambayad sa mga pinabili niya at umutang saakin. Ayoko pa namang magpautang ngayon dahil magpapasko na.

"Uh Can we talk?"

Shet! Ganito 'yung mga nababasa ko! Kunwari mag uusap pero may anong mangyayari-wait what?! Ano nanamang nasa isip mo Alice!

"Uh sige tara," hinawakan ko ang kamay niya at sabay lumabas.

"U-uh," sabi niya.

"May problema ba?" lumingon ako.

"Your hand please, baka may makakita na hinahawakan mo ang kamay ko at baka makarating kay Brent," yumuko siya.

Tsaka na lang ako napatingin sa kamay ko na nakahawak pala sa kamay niya, mabilis kong tinanggal 'yon tsaka ngumiti ng awkward.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nahinto sa tapat ng isang bake shop. Bago pa man kami makapasok ay may humila ng laylayan ng damit ko. Paglingon ko ay isang batang babaeng pulubi.

Wala akong barya!

"Wala akong barya, bata." Sabi ko pero umiling siya.

Inabot niya saakin ang isang papel na nakatiklop. Nang buksan ko 'yon ay puro numbers lang ang nakalagay.

Mahina ako sa math! Paano 'to?!

"M-may nagpapabigay po," sagot niya.

"Sino?" Tanong ko.

Umiling siya tsaka tumakbo palayo saamin, hahabulin ko na sana siya ng awatin ako ni Sean.

"Anong nakasulat?" Tanong niya, inabot ko sakanya ang papel.

"Hindi ko alam eh, numbers." Sabi ko.

Kinuha ko uli 'yon at akmang lulukutin na ng makita ako ang pinaka babang bahagi ng papel.

-lucifer....

"Oh bakit?" Napakunot ang noo ni Sean ng makita niya ang reaksyon ko. "Are you okay?" Dagdag pa niya.

"Alam mo ba kung paano 'to? Sa tingin ko ay message ito," sabi ko.

"Let me see again," inilahad ko ang papel. "It's a code. Alam ko 'to but hindi ko saulo ang bawat letters,"

24-32 52-11-24-44-24-33-22 54-34-45 23-15-42-15. 43-15-15 54-34-45 34-33 33-15-53-44 14-11-54.

-lucifer.

'yan ang nakalagay sa papel na inabot saakin ng bata.

"Paano 'to? Hindi ko 'to alam," natatarantang sabi ko.

"H-hey calm down, ako ang magdedecode nito, baka mamaya o bukas itetext ako ang laman nito. Okay?" Hinagod niya pa ang likod ko.

"Salamat," bulong ko.

"I'm always here for you Alice...... ko."
___________

"Oh ingat kana dito hah? Text kita pag nandoon na ako tsaka pag aalis kana din, ilock mo ang pinto at patayin lahat ng nakasindi okay?" Paninigurado ni Karren.

Ngayon ang oras ng pag alis niya. Sa susunod naman na araw ay ako pupunta na din ako sa Pangasinan. Madaming binilin saakin si Karren at para daw maalala ko ay gumawa siya ng listahan na nakadikit ngayon sa pinto ng kwarto ko.

"Oo na, balitaan mo nalang ako. Ikamusta mo nalang din ako kay tito at tita." Sabi ko.

"Oh sige na, samahan mo na ako sa labas." Utos niya at natatawa naman akong binuhat ang dalawang bag.

"Andami mo naman atang dala," puna ko.

"Shunga! Pagkain ko 'yan sa daan. Alam mo naman na lagi akong gutom kaya nadala na ako, sinobrahan ko na din," sabi niya pa.

"Bawasan ko muna saglit," biro ko.

"No! Downtchader!(Dont you dare!)" Kunwaring banta niya pa.

"Tanga! Joke lang!" Tsaka ko siya mahinang hinampas.

"Alis na ako, baka hindi mo maabutan 'yung bus," sabi niya.

Tumango ako at niyakap siya. Nang bumitaw siya ay inilapag ko na ang bag niya.

"Ay nga pala," pahabol ko. Inilabas ko ang one thousand five hundred sa bulsa ko. "Ibili mo ng regalo si Karlo para saakin, hindi kasi ako nakabili kanina," habilin ko.

Si Karlo ang nakababata niyang kapatid.

"Hay nako Alice! H'wag na," pag pigil niya.

"Shunga! Para kay Karlo nga 'to!" Asik ko. Kinuha ko ang palad niya at sapilitang inilagay ang pera. "Shoo! Alis na," natatawang pagtataboy ko.

"Salamat Alice hah? Salamat ng madami. Andami mo ng nagawang mabuti saakin. Sana mapatawad mo ako."

"Ayoko ng drama, shu shu na! Bye I love you," tsaka ako nag flying kiss.

Tumango lang siya at pinara ang taxi na maghahatid sakanya papuntang terminal.

Papatawadin kita, ano mang naging kasalanan mo ay papatawadin ko dahil bestfriend kita, Karren...
________

Natapos ko na ang mga dapat tapusin. Nilinis ko muna ang buong boarding house tsaka pinatay ang mga ilaw at mga bagay na maaaring puminsala sa bahay. Ngayon ang alis ko papuntang Pangasinan.

Nang nailock ko na ang buong bahay ay pumara na ako taxi papuntang terminal ng mga bus.

Medyo natagalan dahil nga sa traffic. Kasagsagan na kasi ngayon ng pasko at madami talaga ang uuwi sa kani-kanilang pamilya.

Maaga din akong umalis dahil nga mahaba ang byahe. Ala syiete ako nakaligo dahil nga malamig ang tubig. Grrr!

Alas otso y medya ng makarating ako sa terminal. Nang makita ko anng karatulang may nakasulat na "Dagupan" ay hindi ako nag atubiling lumapit. Kailangan ng puspusang oras kasi nga siyam na oras ang byahe at dalawang sakayan papunta sa bahay.

Aakyat na sana ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Alice!"

Pag harap ko ay nakita ko ang taong dahilan kung bakit ako nasakta.

Ang taong dahilan kung bakit ako naguguluhan.

Ang taong dahilan kung bakit ako patuloy na nagmamahal.

At ang taong dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.

"Brent...."
_______

Idkleorie

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...
253K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
117K 3.2K 26
It's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!
40.4K 2.4K 41
Gina Iris Leunac is a rich girl who pretends to be poor at first she was forced to her father to pretend to save her life from danger, to anonymous p...