Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#25: Magic Words

4K 116 6
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 25: Magic Words

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Sasali ba ako o hindi?” muli ko na namang tanong sa sarili ko habang nakatingin sa form na nakapatong sa dining table. Bumuntong hininga naman ako at nilaro yung ballpen na nakapatong doon.

Alam niyo yung pakiramdam na gustong-gusto ko ng sagutan yung form pero nagdadalawang-isip ako kasi baka mamaya hindi pala pwede. Baka mapagalitan na naman ako ng mga magulang ko. Pero gustong-gusto ko talagang sumali.

“Ahhh!” frustrated na singhal ko at halos sabunutan ko na ang sarili ko. Mga dalawang oras na rin naman akong nakatunganga sa papel na ‘to. Gustong-gusto ko na nga talagang sagutan yung form pero parang may doubt talaga.

“Gising ka pa?” rinig kong tanong ng taong nasa likuran ko. Halos mapatalon ako sa gulat at agad kong tinago yung application form na kanina ko pa tinitignan. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Jared na matamang nakatingin sa akin.

“May ginagawa pa kasi ako,” mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko kaya sinulyapan ko naman ulit siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Muli na naman akong huminga ng malalim at tsaka siya tinignan.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko kasi napansin ko na parang nakainom siya. Bihira ko lang naman siya makitang nakainom. Ngumiti naman siya sa akin at tumango tapos ibinaling ang atensyon niya doon sa papel na tinago ko kanina, napatingin rin ako dun at nagulat ako nung bigla niya iyong kinuha at binasa.

“You’re joining the campus publication?” tanong niya at muling tumingin sa akin. Napayuko naman ako at bumuntong hininga, ayoko naman sanang sabihin sa kanya pero parang kailangan niya ‘tong malaman.

“Hindi ko pa alam” pag-aamin ko at muling nag-angat ng tingin. Tumango naman siya at muling tinignan yungapplication form na hawak niya habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa kanya.

“Bakit? If this is your heart’s desire then don’t hesitate to join, if this can make you happy then go, wala namang nagbabawal sa’yong gawin ang gusto mo, Gail” aniya at binalingan ako ng tingin. Muli na naman akong napayuko at huminga ng malalim.

“My parents never allow me to decide on my own” sabi ko at tumingin doon sa papel na nakapatong sa table. I sighed and looked at him. “Sa buong buhay ko, parang wala akong desisyong ginawa para sa sarili ko, Jared. Pakiramdam nila, lahat ng desisyong gagawin ko makakasama sa akin. They never listen to what I want or what my heart wants. Alam mo yung pakiramdam na para kang robot na susunod na lang sa kanila kahit ayaw mo kahit hindi mo yun gusto. Ganun talaga yung buhay ko eh, walang patutunguhan” paglalabas ko ng hinanakit sa kanya. Nagulat naman siya sa mga sinabi ko at natahimik na lang habang nakatingin sa akin.

“I-I’m sorry…” he softly said and held my hand. Napatingin naman ako doon.

“Hindi, okay lang. Nasanay naman na ako, pasensya ka na sa naging outburst ko ah? Medyo di ko na kasi kinakaya” nahihiyang sabi ko nung tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. He smiled at me and held my hand tighter.

“It’s okay,” he paused and touched my hair. “We’re a married couple, we are one so it’s better if we’re open to each other” mahinang sabi niya at ibinalik sa akin yung form.

Muli na namang tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hanggang medyo nakakapanibago pa rin talaga yung malamang asawa niya ako parang hindi ko pa ma-take hanggang ngayon. Iba kasi talaga kapag naiisip ko na si Jared Montello ang asawa ko.

“Sumali ka na, Gail. I’m going to support you” nakangiting sabi niya dahilan para magbalik ako sa katinuan. I suddenly feel so overwhelmed by the way he said it.

“Pero paano ang mga magulang ko? Paniguradong magagalit sila sa akin?” malungkot na tanong ko. Kumunot naman ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

“But if that what makes you happy then they should let you. Anak ka nila, baby at maiintindihan ka nila” malumanay na sabi niya sa akin. Napatango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya.

“Salamat” tipid na sagot.  

“Sumali ka na, kung papagalitan ka nila andito ako, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila okay? Huwag mo na munang isipin ang magiging reaction nila” paninigurado niya  sa akin.

Pinagmasdan ko siya at nakita ko kung gaano ka-sincere yung mukha niya, palihim akong napangiti dahil doon. He’s really an ideal guy, siya yung tipong papangarapin ng lahat. He’s a supportive and loving husband to me. Nakaka-guilty tuloy dahil hindi ko man lang masuklian ang mga binibigay niya akin. Pakiramdam ko ang worthless ko talaga.

“Salamat talaga Jared, salamat talaga” masiglang sabi ko sa kanya. Ngumiti na naman siya sa akin at marahan akong hinapit palapit sa kanya at niyakap. Napasinghap naman ako sa ginawa niya pero hindi na ako pumalag at dinama na lang ang yakap niya.

“Anything for my wife” he softly whispered to me. I smiled and rested my head on his shoulder as I hugged him back.

If there’s one thing that I realized while being with him this past days is that… I already fall for him. Mahal ko na si Jared, natatakot lang akong aminin iyon sa sarili ko dahil sa mga doubts ko tungkol sa kanya at sa mga nangyayari sa buhay ko.

Natatakot lang akong tanggapin na mahal ko na siya dahil pakiramdam ko ay malayong-malayo siya sa akin. Mahal niya ako pero para bang ang hirap paniwalaan. Mahal niya ako pero kung titingnan ng iba ay imposible. How can an almost perfect guy like him fall for a worthless college student like me? Langit siya, lupa ako. Madalas ang mga kagaya ko ay tinatanaw na lang ang mga tulad niya.

But then he’s here hugging me right now, telling me he really loves me so much. 

At ngayon heto ako, inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya. Nakakatakot ang pag-ibig, pwedeng masaya ka ngayon pero masasaktan ka na bukas. But then, I realized, how long am I going to hold on to my doubts and to my fears?

Siguro nga walang kasiguraduhan ang mga mangyayari bukas at sa mga susunod pa, pero susubukan kong panghawakan ang nararamdaman ko. I’ll trust my heart for my mind to the right thing and that is…

“Mahal kita, Jared” mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig niya. I hugged him tighter and closed my eyes for a while. Natigilan naman siya at marahan akong hiniwalay sa kanya at tinignan ako.

“You… you what?” halos nagpipigil ng ngiti na tanong niya.

“Wala sabi ko salamat, sasali na ako” sabi ko at tinignan yung ballpen na nakapatong sa mesa at kinuha ito pero pinigilan niya ako kaya napatingin ulit ako sa kanya.

“You can’t fill up the form unless you repeat it” seryosong wika niya pero nagpipigil siya ng ngiti. Napanguso naman ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“Mahal kita, I love you, Saranghaeyo, Wo Ai Ni, Aishteru, Te amo, Je t’aime… uhm ano pa ba?” sabi ko at nag-isip sandali bago humarap sa kanya. Nakataas naman yung kilay niya habang mataman akong tinitignan. I sighed and looked at him seriously.

 

“Mahal na kita, Jared” malumanay na sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya. “Siguro hindi ko pa napapantayan yung pagmamahal mo para sa akin, hindi pa siguro ako isang ganap na asawa para sa’yo pero susubukan kong mag-improve at patunayan din ang nararamdaman ko para sa’yo. Sa ngayon, ang masasabi ko lang, mahal na talaga kita Jared. Mahal na mahal kita at panghahawakan ko ang pagmamahal na iyon para mas lalo pa kitang mahalin” pagkasabi ko nun ay huminga ako ng malalim. Doon ko lang din napagtanto na may mga luha na palang nakatakas mula sa mata ko na agad ko namang pinahid.

Finally, I already admitted it to myself and to him.

“Finally,” nanghihinang sabi niya at malawak na ngumiti sa akin. Hinawakan niya ulit ang kamay ko ng mahigpit habang nakatingin sa akin. “I’ve been waiting for you to say those words, baby. You finally said the magic words” masayang sabi niya sa akin.

So yun pala yung sinasabi niyang magic words?

I smiled again and I suddenly hugged him. He looked shocked but he also hugged me. I suddenly felt an instant relief. Tama nga talaga siguro sila, let your heart decide for you.

“I love you too, Gail, my wife” he said and hugged me tighter. Hinawalay naman niya ako ulit sa kanya at hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at napapikit na lang ako nung maramdaman ko yung halik niya sa noo ko.

“I’m really happy right now, knowing that you love me” aniya at muli na naman niyang hinalikan ang noo ko. Huminga ako ng malalim at muli na naman siyang niyakap.

This is really the start of our next chapter.

***

“Hmmm, teka andito lang yung librong yun eh” bulong ko sa sarili habang inililibot ko yung tingin ko sa book shelf dito sa National Bookstore. Alam ko kasi talaga dapat andito lang yung librong ‘yon.

Napasa ko na yung application form at official member na rin ako. Nakakagulat nga kasi ang overwhelming ng welcome nila sa akin, nakakataba ng puso. At si Jared, hayun busy pa rin sa trabaho. Tapos bukas na yung party chuchu na yun! Nakakainis iniisip ko palang na pupunta ako doon nanghihina na ako eh. Hindi talaga ako bagay sa ganun. Wala akong lugar doon.

Although sabi naman ni Jared siya na ang bahala sa akin doon pero kahit na, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kaya parang ayoko ring sumama doon. Iniisip ko palang talaga hindi na maganda yung nararamdaman ko. Parang may mali ganun.

“Ayyy siopao!” mahinang singhal ko nung may mabangga akong isang babae dahilan para magbagsakan yung mga hawak niyang libro. Dali-dali naman akong yumuko at tinulungan siya sa pagpulot ng mga libro niya at inabot sa kanya.

“Sorry, Miss” pareho naming sabi at nung nagkaharapan na kami ay pareho kaming natigilan at kinilala ang isa’t isa.

She looks familiar.

“Ga-Gail?” aniya at parang namutla siya ng makita ako dahilan para magtaka ako. Teka? Multo ba ako at ganito niya ako tignan? Para kasi siyang natatakot.

Doon ko lang din narealize kung sino siya. Siya yung babaeng sumampal sa akin noon. Yung other woman ng ex-boyfriend ni Asha!

“Chanel?” tanong ko at tumango naman siya at tumingin sa paligid na para bang may hinahanap bago siya muling tumingin sa akin.

“Bo-boyfriend mo na ba si Jared Montello?” halos nauutal na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya sa akin at sa paraan ng pagtatanong niya, para siyang takot na takot kay Jared.

Asawa ko na kaya yun.

Gusto ko sanang sabihin kaya lang wag na. Tumango naman ako sa kanya at napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang magkabilang kamay ko na ikinagulat ko naman.

Ang weird niya, parang nawala yung bitchy aura niya noong sinampal niya ako.

“Sorry sa ginawa kong pagsampal sa’yo noon, Gail” aniya at muling tumingin sa paligid. Nakatingin lang ako sa kanya at naguguluhan. Bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Asha noon tungkol sa kanya.

“Hayaan mo na yun, nga pala ano ng nangyari sa’yo? Bakit ka umalis sa Wiesel?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Nakatingin naman siya sa akin at parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

“Hindi mo alam?” she confusedly asked. I nodded.

“Si Jared Montello ang dahilan kung bakit ako napaalis sa Wiesel University, Gail” mahinang sabi niya sa akin dahilan para malaglag ang panga ko.

Ba-bakit si Jared?

“Pe-pero bakit?” I asked.

Bakit si Jared ang dahilan? Anong kinalaman ni Jared sa kanya?

“Masama ang boyfriend mo, Gail. Sinira niya ang buhay ko, kung alam ko lang na ikaw pala yung babaeng tinutukoy ng mga estudyante sa Wiesel na binabantayan niya noon pa, sana hindi na lang kita sinampal. Dapat alam ko na yun eh pero kilala lang kita noon sa pangalan at hindi sa mukha” nanghihinang sabi niya.

Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Naguguluhan at parang hindi makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Meron ba akong bagay na dapat kong malaman?

***

Sorry for the late update! But thanks for reading guys! Heart ya all! :”>

Vote| Comment| Be a Fan

Continue Reading

You'll Also Like

404K 6.7K 58
Totoo naman talaga ang kasabihan na, pag nagmahal ka kaakibat na nito ang sakit. Eh, paano kung kagaya ka ni Chandra? Nanggaling sa masaya at perpek...
2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
258K 7.6K 73
What does it feel like to be in a relationship with the ultimate heartthrob namely Dashed Calderón de García? |GOT RANK #1 IN TEEN FICTION| xxstart:...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...