MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

25

21 2 0
By RonneSerene

“Pusanggala...”

Hindi ko alam kung bakit nagpa-flash back ang mga masasamang alaala na siyang pilit kong kinalilimutan. Kahit siguro magka-amnesia ako hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila ako pinahiya sa maraming tao at kung paano rin nila yinurakan ang buo kong pagkatao.

Madalas ko man nakakasama noon si Papa, hindi mapagkakailang ayaw niya sa akin. Pati mismo sarili kong ama, kinaaayawan ako. Hindi man niya sabihin ng diretsahan, ramdan ko naman.

“Azore, wala ka bang balak ibalik 'yang bata 'yan sa tunay n'yang ina?”

“Wala.”

“Hindi dapat siya naririto. Nakakahiya sa sasabihin ng mga tao. Ilang taon na rin ang nakalipas, Azore. Ang ina naman niya ang mag-alaga sa kaniya. Nakakapagod siyang alagaan. Ang tigas-tigas ng ulo.”

“Hayaan mo na, 'Ma. Bata kaya gan'yan. Hayaan mo at pagsasabihan ko.”

“Naku, naku! Naku talaga, Azore. Kapag hindi ako nakapagpigil, ibabalik ko 'yan sa nanay niyang nagfe-feeling dalaga!”

Minsan ko rin silang narinig na pinag-uusapan ang tunay kong ina. Ang sabi nila, matapos manganak ibinigay na ako kay Papa dahil hindi raw nito kayang panindigan ang pagiging ina sa akin.

Nasaktan ako no'n pero wala nang mas sasakit pa sa ginawa niyang pagpiling sa pagitan ng trabaho at ako. Mas pinili niya ang trabaho kaysa sa akin. Pumunta siya ng Amerika nung nasa grade six pa lang ako. Naiwan ako kay Lola at Lolo. Doon naman mas lumala ang kalagayan ko. Pinapalo ng latigo kapag nahuhuli akong tutulala o kaya naman ay sinasampal kapag walang ginagawa. Ang gusto nila noon, gumawa ako nang gumawa ng gawaing bahay. Maglinis nang maglinis kahit walang kalat. Minsan, papasok ako sa school na puro pasa ang katawan ko.

“Hindi na makatao ang ginagawa nila sa 'yo, Sane! That's against human rights! Ano ba sila? Monsters? Demons?”

Ang batang Gabrielle ay madalas kung magalit sa tuwing may nakikitang pasa sa katawan ko. Akala niya noon, nabubully ako ng mga kaklase namin.

Nang sabihin ko ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ko ng mga pasa at sugat, sinabi niya sa kaniyang Mommy. Nung malaman ni Tita Ginnie kaagad niya akong kinausap. Ang gusto niya pa noon, magsampa ng kaso sa pamilya ko. Hindi ako pumayag dahil alam kong hindi kami mananalo sa korte kahit pa malakas ang ebidensya.

Isang gabi nagising na lamang ako dahil sa isang malakas na paghampas sa likod ko. Namimilipit ako sa sakit no'n at apura ang paghiyaw ko. Halos hindi na ako makadilat. Panay din ang pagbuhos ng mga luha ko noon at nagmamakaawang huwag na akong saktan. Hindi sila nakinig, hindi pa sila nakuntento…

Ibinitin nila ako patiwarik, at saka pinaghahampas ng latigo. Malabo man sa aking pandinig, naririnig ko ang pagtawa nila ng malalakas na parang tuwang-tuwa sa ginagawa.

Ginawa nila akong laruan, pinagpasa-pasahan hanggang sa malamog. Hanggang sa muntikan na akong mamatay.

“Tigilan mo na ang apo mo, Mercedes.”

“Mukhang pagod na, ipagpatuloy na lamang natin bukas.”

Tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko no'n. Wala akong mapagsabihan, wala akong mapagsumbungan. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko. Nagulat ako nangg may tumalon sa kamang hinihigaan ko.

“G-Gabrielle?”

“Shhh,” tinakpan niya ang bibig ko. “I'm gonna get you out of here.”

“P-Pero sila Lola at Lolo. M-Magagalit sila... H-Hindi p'wede…”

“Sane, nakikita mo ba ang sarili mo?” Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. “Nasa labas si Daddy, tutulungan niya tayong makalabas dito. Kaya tara na.”

“P-Paano kapag nahuli tayo?” Hindi ko maiwasang matakot at kabahan para sa kaniya.

“Hindi tayo mahuhuli, Sane. Trust me...”

Hinubad niya ang suot niyang jacket at pinasuot sa akin iyon. Tanghali tapat, hindi ko alam kung gising o tulog ang Lola at Lolo. Bumaba kami ng kwarto ko, dumaan kami sa isang pinto na malapit sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang patungo na iyon sa garahe. Hinawakan ng mahigpit ni Gabrielle ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagtaka ako nung wala kaming nakasalubong sa mga tauhan ni Lolo at Lola, ni isa ay wala. Nang makalabas kami ng gate, kaagad kaming sumakay sa kotse ng daddy niya. Sa 'di kalayuan, nakita ko ang ilang sasakyan ng mga pulis.

“You're safe now, Sane.”

“Thank you,” mahinang ani ko. Nagsimulang bumuhos ang mga luha ko.

“You should rest now. Mahaba pa ang biyahe natin.”

Sinalubong kami ni Tita Ginnie, alalang-alala siya sa amin. Ang akala niya ay hindi ako magagawang kuhanin ni Gabrielle. Nagpatawag ng doktor si Tita Ginnie para suriin ako. May abogado rin siyang pinakausap sa akin, sasampahan daw nila ng kaso ang Lola at Lolo ko. Tumanggi ako, ang sabi ko itago na lang nila ako at huwag na akong ipakita sa kanila. Iyak ako nang iyak habang kwinekwento ko kay Tita Ginnie ang sinapit ko. Grabe rin ang galit na pinakita niya.

Ilang buwan akong nanatili sa bahay nila, lagi kong kasama si Gabrielle at ang kakambal nitong si Gariel. Nung una hindi madali, dahil bigla akong nagpapanic attack sa hindi malamang dahilan. Bigla-bigla na lang may nagpa-flashback sa isip ko.

Habang na kila, Gabrielle ako. Naghired si Tito Roy ng isang martial arts Instructor para turuan kaming tatlo. Hindi madaling matutunan ang martial arts, masakit sa katawan at nakakapagod. Hindi nagtagal, nagustuhan ko na rin. Lalo na ang tamang paghawak sa arnis. Doon ko binuhos ang lahat ng galit at hinanakit ko sa buong pamilya ko.

“Sane, pumayag na si Mommy!” Tumatakbo siya papalapit sa akin. Hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang mukha. “Yes! Pumayag si Mommy!”

“Ha? Saang pumayag, Gab?”

He smiled widely. “Aampunin ka na namin! Hindi ka na mapupunta sa DSWD!”

Ngumiti ako. “Talaga? Eh, 'di p'wede na kitang maging kuya at saka si Gariel?”

“I don't want to be called Kuya,” saad ni Gariel. Binaba niya sa lamesa ang hawak niyang gadgets. “No, never…”

“Why, Gari?”

“I just don't feel.”

“Ang arte mo naman!”

Mahina akong natawa sa reaksyon ni Gabrielle. Pinandilatan naman siya ni Gariel at hindi na pinansin ang kapatid. Binaling ko ang atensyon ko sa dino-drawing ko. Tumunghaw si Gabrielle para usisain ang mga ginagawa ko.

“Ayos ah!” pinasadahan niya ng tingin ang bond paper. “Kamukha mo!”

Umirap ako, humalakhak naman siya. Mapanlait palibhasa'y mahusay pagdating sa arts.

Graduation Day nung nasa elementary kami. Valedictorian si Gabrielle at Salutatorian naman si Gariel. Hangang-hanga ako sa kanilang dalawa. Talented na nga, matatalino pa. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang pumapalakpak sa tuwing binabanggit ang pangalan nilang dalawa.

Matapos ang ceremony ng graduation, 'ayun at nagkalat ang mga estudyante para magpicture taking. Nasa gilid lang ako habang hinihintay bumaba ng stage ang mga Aeñoso, marami pa kasi silang kinakausap. Marami kasing nag-ooffer ng scholarship sa dalawa.

Inaya ako nung isang kaklase ko na magpicture kami, tumanggi naman ako dahil nahihiya ako. Okay naman ang itsura ko pero nahihiya akong humarap sa camera. Habang mag-isang naghihintay ako sa gilid ng stage may tumabi naman sa akin.

“How are you, my pretty ugly daughter?”

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nagsimulang maglandasan ang mga luha ko.

“Why are you crying?” tanong ni Papa. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunggaban ko na siya ng yakap. “You miss me that much, huh?”

“'Pa...”

“Don't cry, my child. Nandito na si Papa, I'll protect you this time... Sorry for leaving you.”

Pumunta kami ni Papa sa isang restaurant at kumain ng masaya. Marami akong kwinento sa kaniya tungkol sa mga nangyari sa akin. Hindi ko na binanggit pa ang nangyari sa pananakit nila Lolo at Lola. Alam ko namang alam niya at ramdam ko kay Papa na ayaw niyang i-bring up iyon.

Iyon na rin pala ang una't huling kain namin ng magkasama sa isang restaurant. Hinatid niya ako sa bahay ng mga Aeñoso, hindi raw siya p'wedeng magtagal dahil marami siyang trabahong gagawin. Nalungkot ako dahil akala ko ay kukunin niya na ako, hindi pala. Pinagbilin niya lang ako kay Tita Ginnie.

“Tita, kailan po babalik si Papa?” kada linggo tinatanong ko iyon kay Tita Ginnie. “Pasensya na po kung lagi ko kayong tinatanong..”

“It's okay, hija. Walang sinasabi ang Papa mo kung kailan siya babalik. I will try to call him later.”

Marahan lang akong tumango. Nagpatuloy ang pagtatanong ako hanggang sa umabot na ito ng dalawang taon. Nagsawa na ako at tumigil na sa pag-uusisa. Hinahayaan ko na lang din. Hindi na ako masyadong nag-usisa pa tungkol sa pamilya ko. Dahil ngayon, ang kinikilala kong pamilya ay ang mga Aeñoso.

Sinabi rin sa akin ni Tita Ginnie noon na nagpunta ng Japan ang mga grandparents ko nung malaman nilang magsasampa siya ng kaso.

Hindi ko alam kung naduwag ba sila o they are just playing safe…



_




Naging mabilis ang paghabol ko sa aking hininga. Sandali akong napatigil sa paglalakad at humawak sa kung saan para makakuha ng suporta para hindi ako matumba. Nararamdaman kong may tumulong luha sa aking pisngi at siya namang pagbigat ng paghinga ko.

Nanginginig kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Nahulog naman iyon sa lupa dahil hindi ko nagawang hawakan ng maayos.

“Miss, are you okay—what the fuck?!”

Hindi ko magawang makapagsalita. Hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya.

“H-Hindi ako m-makahinga…”

“Miss Beindz, I'll bring you to the clinic!”

Nagawa niya nga akong dahil sa clinic. Mabuti na lamang naroon si Miss Jing, kaagad niya akong pinaupo sa clinic bed at nilagyan ng nebulizer sa bibig.

“Jusmisyo marimar! Sundan mo ako, Miss Beindz!”

Tumango ako.

“Enhale...” sinunod ko siya. “Exhale...”

Ilang beses kong ginawa ang paghinga ng malalim hanggang sa umayos na ang paghinga ko.

“S-Salamat po,” sa mababang tinig na saad ko.

“Jusko, Miss Beindz! Ano ba ang nangyari sa 'yo? Kung hindi ka kaagad nadala rito baka kung ano na ang nangyari sa 'yo!”

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang sabihin ang dahilan ng pagpanic attack ko.

“Maiwan muna kita riyan. Magpahinga ka...”

Marahan akong tumango sa kaniya. Umayos ako ng pagkakaupo sa clinic bed. Doon ko lang din napansin ang lalaking nakatayo sa tapat ng pinto. Iyong lalaking maputla.

“How's your feeling now? Is it fine?” he asked. Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa isang upuan. “Feel better now?”

“I'm okay, thanks for bringing me here.”

“Sobra ang pamumutla mo kanina. Did something happened at the principal's office?”

“Wala.”

“You, sure? I saw you crying too.”

“Nahirapan kasi akong huminga.”

Hindi nakaligtas sa akin ang mapanunuri niyang mga tingin. Bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.

“What is your name again?” Pinilit kong alalahanin ang pangalan niya. Ilang beses ko ng naririnig ko iyon pero hindi ko naman matandaan.

“Syrone Ayvan Villahermosa..”

Gusto ko siyang barahin ngayon ngunit hindi ko na ginawa. Nakakahiya naman kung magiging masama pa ang pagtrato ko sa kaniya. Siya na nga ang nagkusang loob na dalhin ako sa clinic. Kung hindi niya ako nadala kaagad dito, baka nag-aagaw buhay na rin ako.

“I have classes to attend,” bigla niyang sabi. “I have to go, you must rest.”

“Okay.”

“I'll be back after an hour.”

Humalakhak ako. “You don't need to do that.”

“I just wanted to check on you.”

I rolled my eyes.

“Hindi na kailangan. Nakikita mo namang okay na ako, 'di ba?” Muli akong napahalakhak nang makita ang pagkunot ng noo niya. “I don't need you anyway.”

Pagkahiga ko sa clinic bed, palihim akong napairap. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang ginawa niya sa braso ko?

Ha! Hindi pa nawawala ang pasa sa braso ko!

Pasalamat siya at siya ang nagdala sa akin dito. Dahil kung hindi at kung magkita man kami ngayon, baka natadyakan ko siya!

I sighed. Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman kong wala na ang presensya niya sa paligid. Muli akong napamulat ng mga mata at saka napabangon.

“Inumin ko kaya ang lahat ng mga gamot na nandito?”

Napangiwi ako. Napapailing akong muling napabalik sa pagkakahiga. Pumikit ako. Pinakiramdaman ko ang paligid pati ang sarili. Tinaklob ko sa buong katawan ko ang kumot nang makaramdam ng lamig. Hindi nagtagal dinalaw na rin ako ng antok.

“Sane, gising!” Hindi pa man ako tuluyang nananaginip ng may yumugyog sa balikat ko. “Hey, Rosane Avera!”

“Natutulog ako, ‘wag kang istorbo.”

“Nagpuyat ka na naman, 'no?” sigaw niya sa tainga ko kaya tinakpan ko iyon ng unan. “Sane, gising! Huwag mo akong tulugan. Tuturuan pa kita sa math!”

“Five minutes...”

“Ayoko nang maghintay, Sane! Kapag hindi ka pa bumangon d'yan, gugupitin ko pa ng mas maikli 'yang bangs mo!”

Sandali akong natigilan nang makilala ang boses na iyon. Nagmulat ako ng mga mata at inangat ang ulo ko.

“G-Gabrielle?!” nanlalaking matang tawag ko.

“Oh! Bakit gulat na gulat kang makita ako?”

“Ikaw nga!” Bumangon ako at yayakapin ko na sana siya ng bigla siyang nawala ng parang bula.

“Miss Beindz,” may kung sino ang tumatawag. “Miss Beindz, gising. Binabangungot ka!”

Bumungad ang nag-aalalang mukha ni Miss Jing. Nanlalaking matang napabangon ako at saka napahinga ng malalim.

“Masama ba ang napaginipan mo?” Napahinga ako ng malalim at saka umiling sa kaniya. Hindi naman masama ang napaginapan ko dahil... dahil si Gabrielle iyon.

Muling bumalatay sa akin ang lungkot. Bakit ngayon mo lang ako binisita sa panaginip ko?

“Miss Jing, okay na po ako. Babalik na po ako sa klase ko. Marami pa po akong hahabulin na activities. Salamat po…”

Hindi ko alam kung kailan babalik ang tahimik kong buhay. Iyung papasok ako sa school ng masaya, uuwi ring masaya dahil nand'yan ang mga kaibigan ko. Lalo na si Gabrielle, kapag siya ang kasama ko hindi ko na iniisip pa kung ano ang mangyayari kinabukasan.

Pero ngayon, biglang nagbago ang lahat. Wala na ang mga masasayang ngiti ni Gabrielle na sumasalubong sa akin tuwing papasok ako ng school. Wala na ring maninira ng araw ko.

Gabrielle, miss na miss na kita!

“Grabe! Nakakapagod ang araw na 'to!” may kung sino ang pumalahaw. “Martes pa lang pero ang daming gawain! Nakakapagod!”

Kakatapos lang ng dalawang quiz namin sa magkasunod na subject. Malaki ang pasasalamat ko dahil may multiple choices kaya hindi naging mahirap para sa akin manghula.

“Ikaw, Rosane? Napagod ka ba?” Hindi ko alam kung seryoso ba o nang-aasar. Hindi naman ako kumibo sa tanong ni Marga. “Ay! Deadma lang aketch?”

“Rosane,” tinawag ako ni Jiesel. Lumingon naman ako. “May sinalihan ka na bang club?”

“Wala..”

“Gusto mo bang sumama sa amin sa cooking club?”

Sandali akong natigilan at napaisip sa sinabi niya. Iyan dapat ang sasalihan namin ngayong taon ni Gabrielle.

“Pag-iisipan ko.”

“Hanggang Thursday na lang, Rosane. Sa Friday kasi magpapasa na ng final list.”

“Okay.”

Wala si Jahm ngayon sa classroom dahil inutusan ni Mrs. Reyes mag-encode. Wala tuloy akong kasabay kumain.

Hindi ko naman pinapansin si Dianaya dahil masama ang loob ko sa kaniya. Si Mayen naman ay walang imik, halatang ayaw din akong kausapin. Nagkibit balikat lang ako at tinuon ang atensyon sa librong binabasa ko. Gagawan pa nga ng reaction paper. Nakakabanas!

Nang sumapit ang lunch break, mag-isa akong pumunta ng Cafeteria. Tahimik lang akong um-order sa counter nang may mga talinpandas na nagbubulungan.

“Siya ba ‘yung kaibigan nung nagpakamatay?”

“Oo, siya ‘yun! ‘Yung sa grade 10!”

“Grabe! Sarili mong best friend ipapagahasa ka!”

“Oh my! Seryoso ba? True ba?!”

“Oo! Ano ka ba?! Kalat na sa buong campus!”

“'Hindi ba’t over protective sa kanya ‘yon?”

“Gosh! May hidden agenda pala!”

“Ito pa mas malala! Kaya raw nagpakamatay ang kaibigan niya dahil hindi na kinaya ng konsensya!”

“Hala! Sino nga ulit ‘yung kaibigan n'ya?”

“Gabrielle yata pangalan no'n! ‘Yung pogi at matalino sa lower section!”

“Sayang!”

“Matalino at pogi nga, masama naman ang ugali!

“Uy, nakonsensya naman kaya nag-suicide!”

Mahigpit kong hinawakan ang tray ko at hinagis iyon sa gitna ng Cafeteria. Nakita ko pang tumalsik ang ilang laman no’n sa isang estudyante. Natigil ang mga bulungan nila at natatakot na tumingin sa akin. Ang ibang malapit sa aking gawi ay kumaripas ng takbo.

“Hoy, Miss! Linisin mo ‘yan!”

Sinamaan ko ng tingin ang tindera. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya lumabas na lang ako ng Cafeteria. Pati ba naman sa pagkain ko hindi ako patatahimikin!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang inis na nararamdaman. Ilang beses akong napairap.

Gusto kong murahin silang lahat. Gusto kong pagsisigawan sila pero alam kong hindi iyon makakatulong sa akin.

“Peste...”

Nasa corridor na ako nang makasalubong ko naman ang mga impakta. Nakangising lumapit si Mariah, nilampasan ko siya pero agad niyang hinablot ang braso ko.

“Hi, Bitch!” she smiled widely. “How are you? I heard na-ospital ka raw?”

Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko si Mariah, sa sobrang pagkakataas ng kilay, kulang na lang humiwalay ito sa noo niya.

“Are you mute now?” she laughed. Sinabayan pa ng mga alipores niya. “Sayang! Hindi ka pa natuluyan!”

I rolled my eyes. Tinalikuran ko siya at muling naglakad.

Kapag ito humabol, makakatikim ito sa akin!

“Hey! Huwag mo akong talikuran!” Hinila niya ang braso ko kaya muli akong napaharap sa kaniya. “I'm still talking to you. Huwag kang bastos!”

Nakita kong umangat ang braso niya at akmang sasampalin ako nang pigilan ko na.

“Hindi ba't sinabihan na kita?”

Hinawakan ko ng mahigpit ang palapulsuhan niya. Halos bumaon doon ang mga kuko ko. Kita ko rin sa mukha niyang nasasaktan siya.

“Let me go!”

“Isa pang pagpapapansin mo sa 'kin, hindi ako magdadalawang isip na pasabugin 'yang nguso mo!”

“Woah!” kunyaring humahangang sabi ng mga alipores niya. Sinamaan ko sila ng tingin kaya kaagad ding nanahimik.

Nang makitang namumula na ang palapulsuhan ni Mariah, saka ko lang binitawan.

“Hanga rin ako sa 'yo, Rosane. You're still strong even you've a lot of issues!” Humalakhak siya. “Ano nga ulit ang latest issue mo? Iyung sa best friend mo?”

“'Yung nagsuicide daw!” sigaw ng isa sa mga alipores niya.

“Ah, nagsuicide dahil hindi na kinaya ang konsensya niya. What's the reason?”

“May inutusan para ipagahasa s'ya!”

Tinuro pa talaga ako ng mga alipores niya. Kaagad umakyat ang dugo ko sa aking ulo at walang pasabing sinugod ang alipores niyang mukhang suso!

Dumapo ang palad ko sa kaniyang mukha. Sunod ko namang pinagsasampal si Mariah nang tangkaing hilahin ang buhok ko. Ang isa namang alipores niya, nagtatakbo papalayo.

“Bitch!” sigaw ni Mariah. “You deserved all the pain, Rosane! You deserved that fucking pain!”

Dumapong muli ang aking kamay sa kanyang mukha. Kung kanina, sampal lang iyon. Ngayon naman ay suntok na ang binigay ko sa kaniya.

Nang makitang dumudugo ang ilong niya, isang malakas na paghalakhak ang ginawa ko.

“P-Psychopath!” garalgal ang boses ni Mariah. Mas lalo akong napahalakhak nang may makitang takot sa mga mata niya. “Y-You're insane!”

I rolled my eyes on her. Tinalikuran ko na siya at naglakad ng papalayo. Tinakbo ko ang patungo sa field. Hindi ko ininda ang init na tumatagos sa suot kong uniporme at ang mainit na singaw ng hangin na dumadampi sa mukha ko.

Naupo ako sa ilalim ang puno, pinagpatong ko ang mga binti ko at saka pumikit.

Naramdam kong tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at mabilis na binasa ang natanggap na mensahe.

Unknown Number:
Nag-uumpisa pa lang ang paghihirap mo. Marami ka pang pagdadaanan. Stay strong, Rosane Avera Beindz. Hindi kita titigilan hangga‘t hindi ka napapasa ‘kin.

Sinamangutan ko lang iyon. Binulsa ko ulit ang aking cellphone at muling pumikit.

Bakit kasi hindi na lang siya magpakita sa akin? Isa pala siyang duwag na nagtatago sa palda ng ina niya!

Nakakairita ang demonyong iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

L1-TS01B By Seren

General Fiction

4.6K 176 69
The experiment continues ...
4.4K 382 35
Madalas natin mabasa sa mga fiction story na ang lalaki ang sumasagip sa bidang babae. Ang lalaking bida ang may cold personality. Ang lalaking bida...
333K 17.5K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...