MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.7K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

16

16 5 0
By RonneSerene

Kalahating oras na ang lumipas simula nung dalhin nila ako sa Guidance Office. May dalawang SSG officers kasi ang nakakita sa ginawa kong pagbigwas kay Gariel. Pinatawag tuloy nila ang magulang nito na siya ring tumatayo kong guardian.

“Miss Beindz, this is the last time na makikita kita rito. Ayokong maulit ito. Malinis ang record mo at kung ayaw mong marumihan iyon hindi ka na uulit pa."

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mrs. Delman. Nakayuko lamang ako simula nang dalhin nila ako rito. Nahihiya ako, hindi para kay Mrs. Delman. Kundi ay para kay Tita Ginnie. Nagbigay pa ako ng sakit ng ulo...

“Ako na ang humihingi ng paumanhin, Mrs. Delman,” dinig kong wika ni Tita Ginnie. “Hayaan niyong patawan silang dalawa ng parusa.”

“Mom!” angil ng anak. “It's all her fault! She punched me as you can see.” 

“I-uuwi ko na muna silang dalawa, Mrs. Delman. Kailangan ko silang kausapin.” Naramdaman kong tumayo si Tita Ginnie kaya nag-angat ako ng tingin. “Sane, Gariel, let's go.” 

Muli itong nagpaalam sa guidance councilor. Kaagad naman akong sumunod nang lumabas ito. Wala kaming imik sa isa't isa hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Masasamang tingin naman ang pinupukol ni Gariel sa akin habang nasa biyahe kami. 

“Sorry, Tita Ginnie,” sinseryong wika ko. “Sorry rin sa iyo, Gariel…”

“Sorry your face!” 

Gusto ko siyang bigyan ulit ng suntok nandoon na ang hiya sa akin. Nabangasan na nga ang gwapo niyang mukha. Uulit pa ba ako? Eh 'di lalong nag-alburoto iyon at baka maibalibag ako. 

“Kasalanan mo ang lahat! Malas ka!” 

“Stop it, Gariel Ry!” Nakita kong pinalo nito ang braso ng anak. “Kailan ka pa naging gan'yan ang pananalita mo? Kailan pa naging matabil iyang dila mo? Tinuruan ba kitang maging gan'yan?!” 

Napapitlag ako. Ngayon ko lang nakitang binulyawan ni Tita Ginnie ang anak niya. Gariel looked so shocked but I saw tears on his eyes. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya, nagmadali siyang umiwas ng tingin. 

“Tell me, Gariel?! Did I teach you to be like that? Did I teach you to be rude?! Answer me,” mariing wika niya. “Speak, Gariel Ry Aeñoso!” 

“M-Mom...” 

“Did I teach you to be rude?” 

Gariel shooked his head. “I'm sorry...” paghingi niya ng tawad. “I was just pissed... I didn't mean to threw—” 

“I've told you, Gariel. Never ever be a bastard.”

“I'm sorry—”

“Marami akong iniisip, Gariel! Huwag na kayong dumagdag pa!” 

Napayuko ako sa biglaang pagpagbuhos ng emosyon ni Tita. Ngayon ko lang siyang nakitang sumigaw ng gano'n. Nanggagalaiti siya at parang gustong manakit. 

“Namatay na nga si Gabrielle tapos magpapatayan pa kayong dalawa! Ano?! Susunod kayo sa kaniya?! Sabihin niyo lang at babarilin ko na kayong dalawa!” 

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. Sunod kong narinig ang iilang paghikbi niya ng mahina. 

Nawalan siya ng anak ng gano'n-gano'n na lamang. Tapos kaming dalawa pa ni Gariel, nagbabangayan. Lalo akong napayuko sa kahihiyan. 

“Walang may gustong mangyari nito kay Gabrielle! Sa anak ko! Sa kakambal mo, Gariel! Sa iyo, Sane na kaibigan mo! Walang may kasalanan! Please, magdamayan na lamang tayo sa pagkawala ni Gabrielle kaysa ang mag-away! Kayo ang inaasahan kong magiging kakampi ko sa labang ito!” 

Parang may bumalukol sa lalamunan ko. I feel fang on my chest. I cried silently. I wanna hug her but I did not do it. Punong-puno ng kahihiyan ang siyang nararamdaman ko ngayon. 

_

Nang makarating sa mansyon nila, naroon na ang maayos na hinihigaan ng kaibigan ko. Nandito na siya, mahimbing na natutulog... 

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagtulo ng aking luha. Huminga ako ng malalim para maibsan ang bigat sa aking dibdib. 

“Beindz,” padaskol ang pagtawag niya sa apelyido ko. “'Wag kang umiyak dito, pangit kang umiyak. Nakakahiya sa mga bisita.”

“Gariel,” bigkas ko sa pangalan niya. Hindi ko siya tiningnan. Naaalala ko lamang sa kaniyang mukha si Gabrielle, magkamukhang-magkamukha kasi sila. “G-Gariel—”

“Don't say my name,” irita niyang sabi. “Just don't fucking dare.” 

Kahit masama ang trato niya sa akin, siya pa rin ang kapatid ng kaibigan ko. Tinuturing ko na rin siyang kapatid gaya ni Gabrielle. 

“Sorry for all I've done to you,” minabuti kong buo ang boses ko. “Hindi na rin naman ako magtatagal… S-Sorry sa lahat…”

Bumuntong hininga ako at saka naglakas loob na tumalikod sa lahat ng mga naroroon. 

Mabuti na lang malapit lang ang bag ko kung saan ko ito iniwan kanina kaya nakuha ko kaagad. Wala ring nakapansin sa mga kasambahay ang pag-alis ko. Mabuti nga iyon para hindi na ako hanapin pa ni Tita Ginnie. 

Pinakiramdaman ko ang paligid kung meron bang sumusunod sa akin, as of now wala naman. Kaagad akong tumawag ng tricycle nang makalabas ng Village. 

My phone rang. I immediately answer the call. 

“Where are you?” boses iyon ni Jorja. 

“Pauwi na ako galing resident ng Aeñoso.”

“Ano?! Sinundo ka ni Tita Ginnie kanina 'no?"

“Oo,” maikling sagot ko at pinatay na ang tawag. Hahaba lamang ang usapan, wala ako sa tamang wisyo para makipag-usap. 

Nang makarating sa apartment, kaagad akong lumundag sa kama para matulog. Nagbabakasali akong mapaginipan ko si Gabrielle at sabihin kung sino ang pumaslang sa kaniya. 

Weird...

Pero naniniwala ako sa gano'n. Sana magpakita siya sa panginip ko kahit saglit lang. Miss na miss ko na siya. Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok ngunit hindi pa nga yata akong tuluyang nanaginip nang magising ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid.

Madilim na paligid nang magmulat ako. Napatingin ako sa cellphone ko at nanlaki ang mata nang makita ang oras. 

“Shoot, alas siete na pala! Mahaba na ba ang natulog kong 'yon?”

Bumangon ako para buksan ang ilaw sa kwarto ko. Gano'n na lamang ang kabang naramdaman ko nang may makitang itim na sobre sa bintana ng aking kwarto. 

“Pusanggala! Ano naman ito?!” 

Mabilis ko iyong kinuha para basahin ang laman no'n. Nang mabuksan, bumungad sa akin ang litrato naming dalawa ni Gabrielle. 

SA KALANGITAN NA LAMANG MAPAGPAPATULOY ANG PAGKAKAIBIGAN NINYONG DALAWA. MASAYA IYON HINDI BA? HAYAAN MONG ISUNOD DIN KITA SA KANIYA PERO HINDI PA SA NGAYON. HEHEHEHEHE! DAMHIN MO MUNA ANG PAGKAWALA NG PINAKAMAMAHAL MONG KAIBIGAN. 

-S

I gulped. Wala sa sariling naihulog ko ang larawan sa sahig. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan kasabay pa no'n ang pag-init ng aking mga mata. 

“Kung sino ka mang depunggal ka, hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!” 

Tumunog ang aking cellphone, mabilis kong sinagot iyon nang makitang si Gariel ang tumatawag. 

“What on earth do you mean by 'hindi na rin naman ako magtatagal?!”

“Gariel...”

“Fuck. Where the fuck are you?!” 

“Apartment...” usal ko. “H-Hindi ko na alam ang gagawin ko… Litong-lito na ako! W-Wala na akong naiintindihan sa nangyayari—”

“Shit!” bulalas niya. Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tainga. “What the fuck?!”

“I-I'm tired… I just wanna—”

“Rosane Avera, don't!” ibang tinig ang sumunod kong narinig, hindi na si Gariel iyon. “Don't commit suicide, woman! I'll be there. Please, stay on the line.” 

“Ano?!” 

Ramdam ko ang paglukot ng aking mukha. Napakamot ako ng batok. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila! 

“Listen, Beindz!” it's Gariel's voice again. “I'm on my way with Karl. Don't commit suicide, alam kong marami ka pang pangarap—” 

“Dude, I'm tired and I just wanna—” 

“Hey, hey, hey! I know I've been bad to you pero ayoko namang mamatay ka. 'Wag kang sumunod kay Gabrielle!” he cut me off.

“What the—” 

Naputol ang tawag. Napatingin ako sa cellphone at sinubukan pa iyong buksan.

Pusangala, na-drain pa ang kingina! 

“At ano raw?! Akala ba nila magpapakamatay ako? God! What's wrong with these people?! I just wanna sleep!” 

Pagkababa ko galing kwarto, sakto namang dumating ang dalawang bruha. Galing sila sa trabaho.

“Rosane, nagdinner ka na?” Lumapit si Jorja sa refrigerator at tiningnan ang laman. “Magluluto ako...”

“Seryoso ka?” Humalakhak si Jahm. Lumapit na rin siya sa pwesto ni Jorja. 

“Mukha bang nagpapatawa ako?” 

“Hindi ka nagpapatawa pero natatawa ako. Magluluto ka, eh, hindi ka naman marunong!” 

“Gaga! Magpapaturo ako kay Rosane!” Inambahan niya ng suntok si Jahm, tumawa lang ito sa kaniya.

“Ako na ang magluluto,” sumingit ako sa kanila.

“Ayoko ng rice tonight. Ramen or soup na lang ang lutuin mo, Rosane.” 

“Arte mo, Jorja. Demanding pa sa kakainin! Sabagay, mukha kang kambing!” 

“Gaga ka talaga!” 

Napailing na lang. Sinarado ko ang ref nang makakuha na ako nang lulutuin ko. Madali lang ang lulutuin at mabilis lang maluto kaya tiyak na hindi maiinip sina Jahm. 

Pare-parehas kaming natigilan nang maulingan ang sunod-sunod na pag-doorbell. 

“Open the damn gate!” 

Tila naging pamilyar sa akin ang mga katagang iyon. Nakita kong nagtakbuhan ang dalawa papalabas. Tiningnan ko ang niluluto ko, nang makitang luto na, pinatay ko ang kalan at gasul. 

“Where the hell is your fucking friend?!” 

“Where's Rosane Avera?” 

“Ano?! Tangina! Isa-isa lang!”

“Hoy! Kayong magpinsan! Ba't napasugod kayo?”

May eyebrows furrowed. “Syiete. Parang mga nakatira sa squatter kung makasigaw.” 

Muntik nang mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto. 

Habol-hiningang sumugod ang magpinsan sa akin. Parehong matatalim ang tingin ngunit kakikitaan ng pag-aalala sa kanilang mga mata. 

“What the fuck?!” magkasabay nilang sigaw. 

Nabitawan ko ang sandok sa gulat. Hindi ko alam kung sino ang titingnan ko sa kanila. Parehas nakakakilabot ang kanilang tingin at anumang oras ay parang malulusaw ako sa kinatatayuan ko. 

“A-Ano...” hindi ko magawang makapagsalita. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. “P-Pusanggala! A-Anong problema n'yong dalawa?!”

Nahinto ang tingin ko kay Ohne. Mas tumalim ang mga tingin niya sa akin. Nagtatangis ang panga niya.

Putcha! 

Ano bang problema nila?! 

Tumikhim ako. “B-Bakit kayo nandito? Bakit gan'yan kayo makatingin sa akin?! Parang may nagawa akong mali, ah!” 

“Hoy! Ano bang nangyayari?!” naguguluhang tanong ni Jorja.  “Nakakagulat kayong dalawa! Trespassing kayo!”

“Jusmisyo!” Lumapit sa akin si Jahm at pinaupo ako sa couch. Doon lang din natinag ang magpinsan. “Tinatakot n'yo kami! Mga damuho!” 

Mahinang tumawa ng mapang-asar si Gariel. “Your fucking friend wants to commit suicide!”

“Ano?!” 

Nanlaki ang mga mata ng dalawa kong kaibigan. Inis akong nilapitan ni Jorja at hinampas ang balikat ko. Napangiwi ako sa sakit.

“Totoo ba, Rosane?! Gusto mong magpakamatay?!”

“Hindi,” tanggi ko. “Gusto ko lang matulog! Hoy, Gariel! Huwag kang imbento!”

“Yes, you are! Kakasabi mo lang kanina, Hellapig!” muling singhal ni Gariel. “Ano? Magiging patapon na rin ba ang buhay mo?! Porque nawala ang kakambal ko?! Do you fucking think na matutuwa s'ya sa ginagawa mo?!”

Napasinghap ang dalawa nang sipain niya ang center table. Tumalsik ang iilang bubog no'n sa aking binti at paa. Napaluha ako ng may maramdamang kirot. Nagbaba ako ng tingin sa paanan ko, bahagyang napaawang ang aking bibig nang makitang dumudugo na ang aking binti at paa.

“Oh my gosh!” Nilingon ko si Jorja. Magsasalita sana ako nang sugurin niya si Gariel at binigyan ng sampal. “You fucking asshole!”

“What the hell, bitch?!”

“You moron! Gusto mo bang sipain ko ang bayag mo?!” nanggagalaiting sigaw ni Jorja. “Ibang-iba talaga ang ugali mo sa kakambal mo. Mabait siya at ikaw hindi! You're an ass!”

“Did I fucking care?” Tumawa ng pagak si Gariel. “We're twins but we aren't the same, you idiot!” 

“Duero, get your cousin and leave us alone!” Jahm commanded. Tinitigan ko si Ohne pero ang tingin niya ay nasa paanan ko. Bahagyang nakaawang ang bibig. Napansin ko ang pagkuyom niya ng mga kamao. “What are you waiting for, Duero? Alisin mo na ang pinsan mo bago pa ako tumawag ng mga pulis! Hindi ako natatakot na kalabanin kayo kahit pa kamag-anak kayo ni Pareng Gab!” 

Lumipat ang tingin ko kay Gariel. Lalong tumalim ang mga tingin niya. Pinunasan ko ang dalawang pisngi ko at patakbong umakyat sa aking kwarto. 

Ni-lock ko kaagad ang pinto pagkapasok ko. Dumiretso ako sa banyo para linisin ang sarili ko. Hindi naman malalim ang mga sugat na tinamo ko pero mahaptid iyon at patuloy sa pagdurugo.

“Rosane, buksan mo ang pinto!” boses iyon ni Jorja. “Gagamutin ko ang mga sugat mo!” 

“Kaya ko na, Jorja. Salamat!” 

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mabuhay.

Gustong-gusto kong lumaban sa buhay pero mukhang hindi ko na kakayanin dahil nawalan na ako ng dahilan. 

Nawala na ang taong laging nand'yan para suportahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. 

Wala na ang taong nakakaintindi sa akin. Wala na ang taong nagmamahal sa akin ng buo kahit pa ang dami kong imperfections. Wala na ang taong kakampihan ako kahit pa tinatalikuran na ako ng mundo.

“Do I really deserve to suffer like this?” 

Kinuha ko ang baso sa side table. Hinawakan ko iyon ng mahigpit at saka hinagis sa kung saan. 

“Why do I need to suffer like this, huh?” 

Nanggilid ang mga luha ko. Pagak akong natawa nang makita ko ang itsura ko sa salamin. 

“Ganito pa rin ang buhay mo,” usal ko. “Hindi ka na talaga uusad kahit kailan. Habang buhay ka nang maghihirap at titiisin ang bawat sakit!”

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 217 36
Bar, sex, academics and business is his freaking routine. He is impatient, hot headed, curses a lot, drinks liquor almost everyday. This is the dull...
10.9K 289 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)