Lagunzad Series 2: Love Me Ag...

By Alexxtott

175K 5K 949

Status: Completed Start Posted: October 16, 2020 End: December 4, 2020 Kapag ba kinasal ka, nasisiguro mo ng... More

LMA
Alexxtott
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas

Kabanata 1

6.5K 141 23
By Alexxtott

Hi readers! Ginawa kong second installation si Alrus kasi hindi naman siya kadugo ng magkapatid :-)
--------------------------------------

Kabanata 1

Nawala


"Sam, nakita mo na ba yung anak ni Professor Lagunzad? Yung panganay na lalaki? Naku girl, ang gwapo!"

Napalingon ako sa kaibigan kong kanina pa nagsasalita sa likod ko. Kararating ko lang galing Maynila. At hindi ko alam kung ano pinagsasabi ng kaibigan kong ito. Seriously? It's been long years and I haven't visit my family. After my senior high school in Leyte National Highschool, I took my nursing course in Manila. Doon ako nanirahan ng ilang taon hanggang sa matapos ko ang nursing. At sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon palang ako umuwi.

Hindi ko kasi ugaling umuwi lalo pa't focus ako sa pag-aaral sa Maynila. I didn't even entertain boys because they are just hindrance for me. I give all my time and year studying for my nursing and now, I am here because I finished it. At kung ano man ang sinasabi ng kaibigan kong ito na anak daw ni sir Karl Marx ay hindi ko alam. Ilang taon akong hindi umuwi kaya bakit ko naman malalaman?

Huminto ako sa gate namin at hinarap si Deliza. Mas lalo siyang gumanda ngayon. And she's also a professional teacher. Bumuntonghininga ako sa kanya.

"Del, seriously? I didn't know about him! You know, I give all my time and years in my studying so I haven't news about that man." marahan kong sabi.

She sighed and nodded.

"I know. My point here is, kapag makita mo siya siguradong magugustuhan mo iyon!" parang sigurado niyang sabi.

Ngumisi ako at umiling. Seryoso? Ilang taon ako sa Maynila at ni-minsan ay hindi ako nagkagusto o nagkaroon manlang ng boyfriend. Kahit pa kaharap ko ang pinakagwapong lalaki ay hindi ako magkakagusto noon, pero ewan ko lang ngayon. Tapos na rin naman ako sa nursing and I am reviewing for my licensure so why not?

"Let see about it. Sa ngayon, I want to rest." mahina kong sabi.

Bumuntonghininga siya at walang nagawa kung di hayaan akong pumasok sa loob. Sinalubong agad ako ni mama ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang mabigat na nararamdaman sa yakap ni mama. I know, she's still in pain. My father died and she still mourning. Maging ako ay naging malamig ng malaman na wala na si papa.

"I miss you so much, anak." si mama sa mahinang boses.

I sighed and hug her back. Hinigpitan ko kasi mahal ko rin siya at natatakot akong mawala din siya sa akin. Pagkatapos ng ilang oras na yakapan, humiwalay siya at sinapo ang mukha ko. Tumutulo pa ang mumunting luha sa mata niya.

"Ang ganda-ganda mo na. Nakikita ko na sayo ang itsura ng p-papa mo." basag niyang sabi.

I smile sadly.

"M-ma, let's accept it. Pakawalan na natin si papa." mahina kong sabi.

Ngumiti siya ng malungkot at tumango sa akin. Nagyakapan pa kami bago niya ako pakawalan. Mabilis akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama ko. Napangiti pa ako ng maramdaman ang kaginhawaan sa matagal ko ng hindi nahihigaan na kama. Pinikit ko ang mata at hindi namalayan na kinain ako ng antok.

Nagising lang ako sa haplos sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata at bumungad sa akin si mama. She sighed and smile sadly.

"Ang himbing ng tulog mo." she said.

I nodded. Pagod ako sa biyahe lalo na't nag-bus lang ako. Mas gusto ko kasing ganoon ang biyahe dahil napagmamasdan ko ang mga tanawin sa iba't-ibang lugar. Kapag sa eroplano ay ulap at mga ibon lang ang madalas kong makita.

"Nakakapagod po sa biyahe."

Tumango siya at tinulungan akong bumangon sa kama.

"Kumain na tayo bago ka matulog ng tuloy-tuloy." aniya mama.

I nodded and follow her. Pumunta kami sa kusina at kumain. Mga paborito kong pagkain ang niluto ni mama kaya natakam ako. Sa Maynila kasi puro instant noodles and canned food ang kinakain ko. Minsan lang ako makapagluto dahil sobra akong nabi-busy sa studies. Minsan sa nagti-take out nalang ako kapag wala ng oras o di kaya'y hindi nalang ako kumakain.

Nanalangin si mama para sa pagkain namin. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Sagana kong kinain ang mga nakahanda, hindi inalintana ang titig ni mama. Sobra ko ding na-miss ang masarap niyang luto. Hindi parin nagbabago ang luto niya. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap muna kami.

"Wala ka bang planong mag-asawa, anak?" tanong ni mama.

Napahinga ako sa sinabi niya. Asawa? Boyfriend nga wala ako, asawa pa kaya! Masyado pa akong bata para dyan. Siguro pag matapos ako sa licensure exam ko at makapasa ay baka pwede na. Sa ngayon, naka set ang goal ko na makapasa sa exam.

"Wala pa, ma. I'm so busy with my reviewer. Tsaka bata pa naman po ako para dyan." sagot ko.

She sighed heavily.

"Tumatanda na ang mundo, anak. Baka mapag-iwan ka niyan. Pero wag ka munang magpapabuntis kung hindi pa kayo kasal ng magiging boyfriend mo huh. Gusto kong may basbas na kayong dalawa galing sa simbahan bago kayo bumuo ng anak." payo niya.

Ngumiti ako. Seryoso si mama? Anak agad? Wala pa akong boyfriend kaya walang gagawa ng anak sa akin!

"Opo naman ma. Syempre kailangan muna ng basbas ng simbahan bago sa anumang bagay." huling pag-uusap namin.

Natulog ako sa gabing iyon. Ni hindi ko namalayan ang oras kaya ng sumapit ang umaga ay tanghali na ako nagising. Sobra nga talaga akong napagod sa biyahe kaya hindi ko na napansin ang araw at oras. Bumangon ako sa higaan at naligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang simpleng dress. Gusto kong pumunta sa sementeryo, dadalawin ko si papa.

Hindi na ako nag-abalang maglagay ng make-up. Suklay lang ng buhok at ngiti sa labi ay solve na ang ganda ko. Lumabas ako para magpaalam kay mama. Siguradong hindi siya sasama dahil ayaw niyang makita ang lapida ni papa. Lumapit ako sa kanya ng makita ko siya sa sofa. Mabilis kong hinalikan ang pisnge niya at ngumiti.

"Ma, dalawin ko lang po si papa." paalam ko.

She sighed heavily.

"Mag-iingat ka, anak."

I nodded and smile again. Hindi na ako kumain kasi sa fast food restaurant nalang ako kakain ng lunch. Pinara ko ang multicab na bumibiyahe at sumakay doon. Huminga ako ng malalim at hinintay ang oras na makarating sa sementeryo. Nagbayad ako ng pamasahe, ilang oras na biyahe ay huminto ang sinasakyan ko sa harap ng libingan.

Mabigat ang kalooban kong bumaba, tinitigan ang labas ng sementeryo. I sighed heavily. Lumapit ako sa nagbi-benta ng mga bulaklak. Bumili ako ng tatlong rosas at pumasok na sa loob. Hindi ko pinansin ang mga taong bumibisita din sa namayapa nila sa buhay. Mabilis kong nahanap ang libingan ni papa at umupo sa bermuda grass. Tinanggal ko ang mga natuyong dahon at pinagmasdan ang pangalan ni papa sa lapida.

Hindi ko mapigilang mapaluha habang bumabalik sa alaala ko ang masasaya naming alaala. Mahal na mahal ko si papa dahil siya ang naging inspirasyon ko para magtapos ng pag-aaral. Kaya ako kumuha ng nursing kasi gusto ko silang alagaan ni mama pagdating ng panahon na tumanda sila. Pero hindi na iyon mangyayari dahil binawi na sa amin si papa. Hindi ko na siya maaalagaan pa. Yumuko ako at mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko. Labis akong nangungulila sa kanya, kung si mama hanggang ngayon ay hindi parin nakalimot paano ako?

Napahikbi pa ako habang hinahaplos-haplos ang pangalan niya sa lapida. Hindi ko na pinansin ang mga taong maaaring nakatitig sa akin ngayon. Binuhos ko lahat ng pagod at pagtitimpi sa mabigat kong nararamdaman. Ngayon lang ako umiyak ng ganito sa harap niya. Noong nakahimlay siya sa bahay, halos hindi ako gumalaw dahil sa sobrang pagkabigla. Ni hindi nga ako naniwala na wala na siya e.

Inangat ko ang ulo para pahirin ang luha ngunit may panyong naglahad sa akin. Nagtaka ako kung kaninong panyo iyon kaya tinignan ko ang may-ari ng kamay. Nanlaki ang mata ko at halos isubsob ang mukha sa lapida ni papa ng makita ang isang napakalambot na mukha ng lalaki. Mabilis kong pinahid ang luha at umiling-iling.

"Miss, use my handkerchief." marahang boses ng lalaki.

Napanganga ako habang nakatitig sa kanya. Sumasabay pa ang liwanag mula sa araw kaya kumikislap ang mukha niya. Ang amo naman ng mukha niya.

"A-ah?" naguguluhan kong sabi.

He sighed.

"Use my handkerchief to wipe your tears." pag-uulit niya.

Nahihiya kong inabot ang panyo, ayoko mang tanggapin pero wala akong nagawa. Ginamit ko ang panyo sa pagpunas ng mukha ko. Hiyang-hiya pa ako dahil nakatitig siya sa akin habang ginagawa ko ang pagpupunas. Pagkatapos kong mapatuyo ang mukha, nilahad niya sa akin ang kamay na labis kong kinataka.

"Alrus Caponis, and you are?" pagpapakilala niya.

Napahinga ako ng malalim at kumabog ng mabilis ang puso ko ng tanggapin ang kamay niyang malambot. B-bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito? Anong meron?

"S-samantha. Anne Samantha Lauzon," buong pangalan ang sinabi ko.

He smirked and shake our hands. Hindi ko na alam kung bakit ganito ang tibok ng puso ko. Iyon ang una naming pagkikita at pagkakakilala. Hindi ko mawari pero simula ng makita ko siya at makilala, hinahanap-hanap ko na siya. Nagtanong na rin ako kay Deliza tungkol sa sinasabi niyang lalaki na gwapo, at kompirmadong si Alrus nga iyon. Siya pala ang anak ni sir Karl! Kaya pala gwapo rin!

Hindi ko siya makalimutan, iyon ang nasa isip at puso ko. Sa tuwing naaalala ko ang mukha at pangalan niya, para akong baliw na ngumingiti sa isang tabi. Hinanap ko rin siya sa mga social media, at laking tuwa ng makita ang facebook account niya. Nalaman ko ding isa siyang seaman, at kasalukuyang nagliliyag sa asya. Wala naman akong nakitang babae sa account niya kaya naginhawaan ako. Baka mayroong nobya iyon at ito akong nababaliw na sa kanya!

Nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba sa puso ko. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang larawan niyang kinuha ko sa account niya, natutuwa ng labis ang puso ko. Kaya hindi ako nahirapang ipasa ang licensure exam. Siya ang naging inspirasyon ko para mas lalong galingan sa pagsagot sa examination. Nakapasa ako! At isa na akong ganap na nurse. Bumalik ako ng probinsya para abutin siya. Nagpapansin ako sa kanya, sinuyo ko siya hanggang sa mapansin niya ako. Alam ko ding nakukulitan na siya sa akin dahil sa mga ginagawa ko pero hindi ako huminto hangga't hindi ko nakukuha ang puso niya.

Isang araw pagkatapos ng ilang buwan kong pagpapapansin sa kanya, himala at niyaya niya ako ng date. Sobra akong natuwa sa alok niya kahit pa pumunta kami sa mga pipityuging kainan. Hindi ko mapigilang humanga sa simple niyang porma. Hindi katulad ng ibang lalaki na nagpapapansin sa akin sa Maynila, siya ay purong simple. Kaya mas lalong nahulog ang puso ko. Nahulog na hindi ko alam kung matutugunan niya ba itong pagmamahal ko na sa kanya. Mahal ko na siya, mahal na mahal kaya hindi ako papayag na hindi siya maging akin.

We date several times. At mas lalo ko siyang nakilala. Hindi siya tunay na anak ni sir Karl. Ampon pero para sa kanya ay nananalaytay ang dugo ng isang Lagunzad. Mabait din siya, at mahal niya ang mga tinuring niyang kapatid. Kaya habang ginagawa ko ang lahat para mapasa-akin siya, hindi ko alam na nahulog na din pala siya sa akin. Inamin niya iyon ng minsang sumuko ako sa kanya. Sa gitna ng ulan, sa nanginginig namin katawan ay umamin siya.

"Oo. Mahal na din kita! Mahal na kita Sam, kaya wag mo akong sukuan at iwan!" he said frustratingly.

Basang-basa na kami ng ulan. Nanginginig na din ako sa lamig, may bagyo yata. Bakat na bakat ang maganda niyang katawan dahil puting t-shirt ang suot niya. Nagbunyi ang puso ko sa narinig, sa wakas minahal niya din ako. Lumapit ako sa kanya at inangkin ang labi niya. Wala siyang nagawa ng ipailalim ko ang halikan namin. Tumugon siya kaya mas lalo akong ginanahan. Iyon ang simula ng pagmamahalan naming dalawa. Tumagal kami ng ilang taon, sumama ako sa kanya sa Maynila dahil gusto niyang mag live-in kami.

Mas lumalim ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Possessive siya, ayaw niyang nakikita akong may kausap o kasamang ibang lalaki. Naging masaya naman ako sa pagsasama namin sa iisang bubong. Tumagal kami, nakuha niya ang pinakaiingatan ko. Nakalimutan ko ang sinabi ni mama na dapat ay hindi ako mabuntis habang hindi pa kami kasal. Pero kasi, binigay ko na sa kanya iyon dahil mahal ko siya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kinausap niya ako tungkol sa posibilidad na mangyayari pagkatapos naming magsiping.

"Gusto ko ng magkaanak, kaya kapag mabuntis ka ay sabihin mo sa akin." he said seriously.

Tumango ako at tumahimik nalang hanggang sa pumutok ang masamang balita tungkol sa nakamamatay na virus. Hindi na kami nagkakasama dahil kailangan kong mag bente kwarto oras na magtrabaho sa hospital na pinasukan ko. Minsan doon na ako sa hospital natutulog dahil sa sobrang dami ng pasyenteng nagkaroon ng virus.

Nakakapagod man pero sulit ang lahat dahil nakakatulong ako sa mga taong natamaan ng sakit. Kaya isang gabi, sa rumaragasang ulan at hangin, sa gitna ng bagyo ay nilapitan ako ng isang doctor. Doctor na may kakayahang makagawa ng lunas sa sakit na ito. Humihingi siya ng PT sa akin kaya kinabahan ako. Dalawang linggo na kasi akong hindi dinadatnat kaya kinakabahan at natatakot ako.

"K-kayo po pala doc." I said tremblingly.

Ngumiti siya. She is beautiful, no doubt. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata, at ang labi'y nakakahalinang halikan. She is simply yet beautiful.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya.

I sighed.

"Umuwi na kasi yung mga close friend ko dito. They want to go home to their family before the typhoon landed." sagot ko sa mahinang boses.

"Bat di ka umuwi?"

Now, I look at her with sadness in my eyes again.

"W-wala dito ang pamilya ko, doc. Nasa probinsya namin. Ako lang mag-isa dito, kaya nagkakaroon ako ng lakas dahil sa boyfriend ko." I said sadly.

Huminga ako ng malalim. Kumusta na kaya si mama? Maayos lang ba siya sa probinsya? Hindi ko na kasi siya naku-kumusta nitong mga nakaraang buwan. I miss her so much.

"Kumusta yung result mo?" Tanong niya.

Bumuntonghininga siya.

"P-positive po doc. B-buntis po ako at hindi ko alam ang gagawin." nanghihina kong sabi.

Alam kong gustong gusto ni Alrus na magkaanak kami pero natatakot ako sa nagiging reaksyon ni mama kapag malaman niya ito. She want me to bear a child if I am already married. Pero ngayon ay hindi ko na alam.

"Paano na yan--"

"Sam, why are you still here?"

Sabay kaming napalingon sa boses na iyon. Nakita ko ang isang lalaking may dala-dalang payong. Kinabahan ako ng husto dahil alam kong si Alrus ito. At kaya siya nandito dahil gusto niyang sunduin ako. Natuwa ang puso ko dahil nandito siya at sinusundo ako.

"I've waited you in our condo but you didn't home. Ano pang hinihintay mo? Malakas na bagyo? Shit, umuwi na tayo." pangaral niya sa akin.

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Huminga ng malalim ang si Alrus at gumanti ng yakap. I love him so much.

"A-akala ko hindi mo ako susunduin dito. Balak ko kasing manatili para mabantayan ang hospital." I said.

"Bullshit! Hindi ka uuwi para bantayan ang hospital na ito, tapos hahayaan mo akong mag-isa sa condo natin! Uuwi tayo, hindi ako papayag na manatili ka dito." he said furiously.

I nodded and smile. Gusto kong umiyak dahil nandito siya. Pero pinigilan ko iyon. Masyado akong emotional sa pagbubuntis.

"Oo. Sige!" I said.

Pinakilala ko si Alrus kay Dr. Costiño. Masayang masaya ako ngayon dahil nandito siya. Nagkausap pa kami ng ilang oras bago ibunyag ni doc ang pagbubuntis ko kay Alrus. Kinain ako ng kaba lalo pa't mariin ang titig sa akin ni Alrus. Nagmamadali niya akong hinila papasok ng condo namin habang galit ang mga mata. Kinabahan ako at natakot dahil ayokong nakikita siyang galit sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pagbubuntis mo huh!? For God sake, sobrang hazard sayo na nasa hospital ka habang nagbubuntis! Anong gusto mong gawin sa anak ko, Anne Samantha!? Gusto mo bang mawala yan!" he said frustratingly.

Umiling ako at niyakap siya. Mabilis na tumulo ang mga luha ko sa mata. Huminga siya ng malalim at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"B-babe, natatakot kasi akong sabihin sayo. Ayaw ni m-mama na mabuntis ako habang hindi pa kasal. Magagalit siya sa akin." mahina kong sabi.

He sighed and cursed.

"Edi magpakasal tayo! Magpapakasal tayo bukas. Papapuntahin ko dito ang magulang ko. We'll get marry tomorrow!" inis niyang sabi.

Nawala ang bakal na nakabara sa puso ko. Niyakap niya ako at pinatakan ng mga halik sa labi. Tulad ng sabi niya, nakarating nga si sir Karl at ma'am Martha sa kasal namin. Hindi kami sa simbahan ikakasal, kung di sa huwes lang. Tinanggap ko iyon dahil wala naman akong magagawa. Kinasal kami at gamit ko na ang apelyido niya. Pero sa di inaasahang pangyayari, sa gitna ng kalamidad at kahirapan ng mundo ay nahulog ko ang anak namin. Sobrang sakit tanggapin na ilang buwan kong dinala sa sinapupunan ang magiging anak namin tapos mahuhulog lang na parang bula. Ang sakit tanggapin lalo pa't una naming anak iyon.

Kung labis akong nasaktan, mas lalong nagdalamhati si Alrus. Hindi niya tanggap ang pagkawala ng anak namin kaya lumamig siya. Lumamig ang pagsasama namin. Tinanggap ko iyon  kasi wala naman na akong magagawa e. Hindi ko maibabalik ang nawala naming anak kaya imbes na umiyak dahil sa panlalamig niya, ginawa ko ang lahat para bumalik sa sigla ang namatay naming relasyon. Binalik ko ang lahat. Naibalik ko ang init ng pagmamahalan namin. Ginawa ko ang lahat. Niligtas namin ang Pilipinas. Sinakripisyo ko ang sarili pero lahat ng iyon ay kulang. Kulang dahil pagkatapos ng ilang taong pangyayari sa buhay namin, nahulog muli ang pangalawang pinagbubuntis ko. Nawala ko ulit siya at mababaliw na ako kakaisip sa asawa kong may ibang babae na.

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong sundan si Alrus. Isang linggo na siyang hindi umuuwi kaya hindi ko na alam ang dapat isipin. Sakay-sakay ng kotse ko, patago akong sumunod sa kanya habang naglalakad siya papunta sa dulo ng hallway. Nasa isang condominium kami at ang puso ko ay nanginginig na sa sakit at kaba. Lihim akong nagtago sa dulo ng isang room, nakita kong huminto siya sa isang pinto at tinapat ang key card sa scanner. Bumukas ang pinto at sinalubong siya ng isang magandang babae. Sinalubong siya ng yakap at halik. Halik sa labing labis akong kinain ng kahinaan. Kitang-kita ko kung paano siya halikan ng babae. Marahan, matamis at animo'y sabik na sabik sila sa isa't-isa.

Pinahid ko ang luha habang pinagmamasdan silang masayang magkaharap. Tuluyang pumasok si Alrus kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kalapit na room. Nanginginig pa ang kamay habang tinatapat ang key card sa scanner, ng bumukas ang inuukupa kong condo unit ay mabilis akong umupo sa upuan at pinakatitigan ang monitor kung saan kitang-kita ko na mapusok silang naghahalikan habang wala ng saplot sa katawan ang pinakamamahal kong asawa. Tinakpan ko ng kamay ang bibig dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang panoorin sila habang gumagawa ng ikamamatay ng puso ko.

Tumayo ako, nanginginig ang mga tuhod habang lumalayo sa monitor. Mula sa kinatatayuan, nakikita ko parin kung ano ang ginagawa nila. Umiling-iling ako habang nanlalabo na ang mata sa nakikita. Ang sakit! Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit ng ginagawa nila sa akin! Patayin niyo nalang ako! P-patayin niyo nalang a-ako! Umiling ako habang mabilis na tumutulo ang luha sa mata. Sa muling pag-atras ay ang pagkakabagsak ko sa sahig. Napaaray ako sa sakit na naidulot nun. Pero wala ng mas maisasakit pa ang nasasaksihan ko ngayon. Rinig na rinig ang ungol nila habang sarap na sarap ang asawa kong inaangkin ang babaeng katalik niya. Yumuko ako, umiyak at nagdalamhati sa sarili. Hindi na alam ang mangyayari sa akin.

Narinig ko pa ang sarap na sarap nilang ungol bago ako nanghina ng tuluyan at hindi na kinaya ang pusong sawing-sawi. Pinikit ko ang mata, bumagsak ang kalahating katawan sa sahig at tumulo ang napakaraming pighati na luha sa mga mata. Umiyak ako at pinikit ang mga mata pagod na sa buhay na ito. Sabay sa pagkawala ng lakas ay ang pagkawala ng sarili ko sa lalaking pinakamamahal na ngayon ay unti-unti ng nawala sa akin.






---
Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
164K 3.4K 30
Ang pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay...
28.9K 1.1K 25
Amadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish M...