MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

15

27 4 0
By RonneSerene


“Good morning, class.”

Nagsitayuan ang lahat nang dumating ang first subject teacher para sa umagang ito. Hindi naman ako nag-abala pang sumabay sa kanila, hindi ko maibuka ang aking bibig. Tila na pipe na ako. Idagdag mo pang parang lumalakbay ang diwa ko. Wala ako sa wisyo, wala ako sa sarili ko.

“Good morning, Mrs. Manero...” bati rin ng mga halimaw.

“Take your seats now.”

Pagkapahayag niyang iyon ay agaran akong naupo at tinitigan ang gurong nasa harapan.

“Alam kong nalulungkot kayong lahat sa pangyayaring pare-pareho nating hindi inaasahan. Ngunit sana ay mapawi ang inyong kalungkutan sapagkat hindi rin matutuwa si Mr. Aeñoso kung ganyan—”

Nagtaas ako ng kamay. Kahit hindi pa niya tinatawag ang pangalan ko, nagsalita na ako.

“Can I ask something?” mahina at paos na pala ang aking tinig. I think she find me rude by this time. “P-Please, allow me to ask something…”

“Yes, Miss Beindz.”

I stood up. I gulped and sighed before I spoke.

“Masamang estudyante po ba si Gabrielle?”

Pagtataka ang siyang rumihistro kaniyang mukha.

“Of course not, Mr. Aeñoso is a good student. Napakagalang na bata—”

“Then, why? Bakit siya pinatay?!”

Samut saring bulungan ang siyang bumalot sa buong klase. Mrs. Manero looked uncomfortable now.

“Rosane, stop that!” pag-awat ni Jahm sa akin. Hindi ko siya pinansin. “You're disturbing the class.”

“M-Mabait, matulungin at matalino si Gabrielle! In short, mabuting tao! Pero bakit po siya pinatay? Bakit?! Anong kasalanan ang ginawa niya para parusahan ng ganito? B-Bakit, Ma'am Manero? B-Bakit ang kaibigan ko pa?!”

Sunod-sunod ang pagtatanong ko kahit pa nahihirapan na akong magsalita. Pilit naman akong pinapaupo nila Jorja ngunit hindi pa rin ako nagpatinag.

“Miss Beindz, what are you talking about?”

I was about to say something when we heard a knock. Nagbaba ako ng tingin, kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang aking paghikbi.

“Morning, Mrs. Manero. Can I excuse, Miss Rosane Beindz for a while? Pinapatawag ni Mrs. Alegre.”

My eyebrows furrowed. Pamilyar ang tinig na iyon. Napaangat ang ulo ko at saktong nakita kong tumango si Mrs. Manero.

“Sure, Mr. Duero,” she said and turned her gaze on me. “Miss Beindz, pinapatawag ka, you may go.”

Narinig kong nagbulungan na naman ang mga kaklase ko. Napairap ako at saka lumakad nang pagkatagal-tagal.

“You're not a turtle to walk like that,” nanunuyang turan niya. Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin ang matatalim na tingin ni Ohne. “Make it faster, I don't have enough time for this.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nauna na akong naglakad. Nung isang araw lang ay iba ang timpla niya nang harangin niya ako sa Police Station, tapos ngayon balik na naman siya sa pagiging suplado niya.

“Tss,” dinig kong sitsit niya. “You look so brokenhearted, woman.”

“You look so stupid.”

Ngumisi at binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Mabuti at hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami ng principal's office. Hindi ko rin naman siyang gustong kausapin pa at naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

“Good morning, Mrs. Alegre,” bati ni Ohne sa punong guro.

Umismid ako. Naupo na ako sa upuan kahit pa hindi pa sinasabi nitong maupo ako.

“Miss Beindz,” ani Mrs. Alegre. “Mabuti naman at napaunlakan mo ang—”

“Bakit n'yo po ako pinatawag?” walang alinlangan kong tanong. “May lead na po ba?”

Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahang puputulin ko ang sinasabi niya.

“Miss Beindz, I'm really sorry for what has happened. Let's accept the reality...”

I titled my head. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng kaniyang pananalita. Wala akong maramdamang sinsiridad doon. Mukhang nang-aasar ang tono niya.

“Sinabi sa akin ni Detective Delos Santos na pumunta ka sa head quarters nila at malinaw nilang sinabi sa iyo na huwag ka na raw mangialam sa kaso ni Mr. Aeñoso dahil tapos na ito.”

“Mukha ba akong pakialamera?” nanunuya kong wika. “Hindi ko sila pinapakialaman. Nagtatanong lang ako sa kanila.”

“Miss Beindz, kahit ako'y nalulungkot sa nangyari ngunit wala na tayong magagawa pa. It's suicide case,” nakataas ang kilay nitong saad. I gritted my teeth. Makapal ang mukha dahil nagawa niya pang ngumiti ng malapad. “Everything will be okay, hija.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Mukha bang magiging okay pa ang lahat?

“Aalis na ako.”

Hindi ko na hinintay pa sasabihin niya, tuluyan na akong lumabas ng principal's office nang masama ang loob. Nagmumukha mang baliw, binilisan ko na lamang ang paglalakad.

Dumiresto ako sa library, hindi na ako nagsulat pa sa log book. Mabuti na lang wala ang librarian. Nagtungo ako sa madalas kong p'westuhan, umupo at dumukmo ako sa table.

Sino nga ba si Gabrielle Rey Aeñoso sa buhay ko?

Siya lang naman ang nag-iisa kong childhood-bestfriend­. Mabait, magalang, matalino, mapagbigay, matulungin— lahat siguro ng magagandang katangian ay nasa kaniya na.

Dahil nga wala akong kapatid, siya ang tumayong Kuya ko at ako naman ang nagsilbing Ate niya.

Nakilala ko si Gabrielle nung minsang napadaan ako sa computer shop, grade four pa lang ako no'n. Nakatambay siya ro'n at nag-iisa. Hindi ko dapat siya papansinin at aalis na lamang ngunit binato niya ako ng bato sa paa. Doon nagsimula ang away naming dalawa.

Tapos siya rin ang nagsabi na kaya raw niya ako binato dahil nahuli niya akong nakatingin ng masama sa kanya. Bagay na hindi naman totoo. Sa huli, humingi siya ng sorry at inalok akong kung gusto ko raw bang maging kaibigan siya.

I miss you so much, Gabrielle...

Naalala ko rin ang nangyari kaninang madaling araw. Kwinento ko iyon kila Jahm at Jorja nung magising sila. Parehas gulat at takot ang naging reaksyon nilang dalawa. Balak nilang i-report iyon sa mga pulis pero pinigilan ko sila. I have plans for that.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdamang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'to at kaagad na binasa ang mga mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Unknown Number:
PAPATAYIN KO SI OHNE KARL DUERO!
7:45 AM

PAPATAYIN KO SIYA!!!
7:46 AM

MAMAMATAY SIYA SA MGA KAMAY KO! HEHEHEHEHEHEHEHE!
7:47 AM

HINDI MO AKO MAPIPIGILAN KATULAD NG GINAWA KO KAY GABRIELLE AEÑOSO.
7:48 AM

WALA KANG MAGAGAWA!! PAPATAYIN KO NA SI OHNE! HEHEHEHEHEHEHE!
7:49 AM

Naghumurado ang puso ko. Nanginginig kong binasa ang sunod-sunod na pagpasok ng mga text messages.

Hindi ko alam kung prank lang ba ito o seryoso na. Ngunit batay sa nangyari sa kaibigan ko, masasabi kong hindi nagbibiro ang nagpapadala ng mga mensaheng ito.

May parte sa akin na dapat maniwala. Connected si Gabrielle kay Ohne dahil magpinsan sila. Posibleng patayin rin nito si Ohne. Napapitlag ako nang muling tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number:
HEHEHEHEHEHEHE! PAPATAYIN KO SIYA!
7:51 AM

Pinindot ko ang call button, wala ring silbi dahil cannot be reach naman. Nagmadali akong lumabas ng library at bumalik sa classroom.

May ilang tumatawag sa pangalan ko, hindi ko naman sila binibigyang pansin. Papasok na dapat ako ng classroom ng may kung sino ang bumangga sa akin.

“Pusanggala...”

Ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin kasabay no'n ang pagtama ng aking noo sa pader. I blinked for several times. My vision is getting blurry.

"Are you blind?!” someone shouted. Nang mabosesan ko iyon, umayos ako nang pagkakatayo, nagkusot ng mga mata at inilahad ang cellphone ko sa kaniya. “What am I going to do with that shit?”

“B-Basahin mo, tukmol!” I gritted my teeth. Sumasakit ang ulo ko, putcha. “Tanga lang? Putcha… ang sakit…”

Napahawak ang isang kamay ko sa pader upang kumuha ng suporta para hindi ako bumagsak. Ang isang kamay ko naman ang may hawak na cellphone at nakalahad ito kay Ohne.

“Mukha kang sabog. Ano ba 'yan?”

Nang kinuha niya na ang cellphone ko, mabilis akong napaupo sa sahig at hinawakan ang ulo ko.

Umiikot ang buong paligid ko at lumalabo na ang aking paningin. Nagdo-doble na ang mga nakikita ko sa paligid kaya sinubukan kong dumilat-dilat. Mas tumindi pa ang pagsakit ng ulo ko.

“Hey, woman! What's happening?!”

Naramdaman ko ang pag-ugoy nito sa aking balikat. Hindi ko namang magawang sumagot dahil mas tumitindi ang pagkakasakit ng ulo ko. Parang binibiyak ito sa gitna.

“Are you damn okay?! Please, answer me!”

Tuluyan na akong nandilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang bumulagta ako.





_





“Anong nangyari sa mahal na prinsesa ng mga tuod?”

“What happened to her?”

“Bakit wala siyang malay aber?”

“Tss, why did you all asking me?”

Bigla akong napamulat ng mga mata at napabangon.

“Aray!” Napadaing ako ng maramdamang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa aking sintido. “Pesteng yawa…”

“Hala! Gising na siya!”

Sabay-sabay na napatingin sa akin ang apat. Si Jahm, Dianaya, Mayen, at Ohne.

“Bakit ako nandito?” nakangiwing tanong ko. “Anong nang...”

Napahinto ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang apat na tao. Si Jorja, Ariess, Menases, at Persus.

“Are you alright?”

Halos sabay nilang tanong. Napatango na lang ako sa gulat. Bakit ba nandito silang lahat? Anong meron?

“Hoy, Ohne! Ano ba kasi ang nangyari kanina ha?!” Baling ni Jorja kay Ohne. “Bakit buhat-buhat mo si Rosane?!”

“Isa pa 'to,” bumulong siya. Napatayo si Ohne, lumakad palapit sa akin at saka iniabot ang cellphone ko. “Your phone... Next time na lang tayo mag-usap.”

He whispered the last sentence he said. Tipid akong tumango. He looked away. Maangas niyang sinukbit sa balikat niya ang kaniyang bag at walang paalam na lumabas.

“Anyare, Rosane?”

Halos sabay nilang tanong except sa tatlong lalaki na natatawa lang ngayon dahil sa inaasta ng mga kaibigan ko. I shook my head. Umayos ako nang pagkaka-upo at nagsimulang magkwento simula ro'n sa nangyari sa office. P'wera lang sa nag-text sa akin. Alam kong si Ohne pa lang ang nakakaalam no'n.

“So, you mean na... nabunggo ka lang ni Ohne at tumama ng slight ang ulo mo sa wall, ganern ba?”

Tumango lang ako kay Mayen.

Ngumuso ito. “Kawawa ka naman.”

“Any update about Gabrielle's case?” bigla namang pagtatanong ni Ariess. “I'm sorry about yesterday. I didn't mean to hurt you, Rosane...”

Tingnan mo nga naman, namura ko na siya't lahat pero nagagawa pa rin akong kausapin. Hindi ko alam kung mabait lang ba talaga siya o sadyang makapal lang ang mukha niya.

“Suicide case,” sagot ko sa kaniya.

He slowly nodded. Guni-guni ko lang ba ngunit nakita kong lumungkot ang mga mata niya ngunit ngumisi siya ng bahagya.

Dumating ang school nurse kaya nagsitayuan ang mga kaklase ko.  Sinabi ng nurse na p'wede na raw akong lumabas. Pinauna ko na ang mga kaklase ko at sinabing susunod na lamang ako.

“Miss Beindz, mag-iingat ka sa susunod nang hindi ka na nadadapa,” bilin ni Miss Jing. “Mag-aral ka nang mabuti, malapit na ang moving up ceremony niyo.”

“Opo,” tanging naisagot ko bago lumisan sa lugar na iyon.

Habang nasa daan ako ay inayos ko ang aking buhok. Itinali ko ito gamit ang napulot kong rubberband sa daan. Imbis na sa Cafeteria ang tungo ko, lumihis ako ng daan at tinungo ang malawak na field. Umupo ako sa madalas kong p'westuhan kung saan may malaking puno. Mataas ang sinag ng araw pero hindi mo mararamdaan ang init dahil malakas ang hangin.

“Kung nandito lamang si Gabrielle, siguradong kanina ka pa niya sinermonan.”

Hindi na ako nag-abala pang lingunin ito dahil tinig pa lang niya, kilalang-kilala ko na. Naramdaman kong umupo siya sa aking tabi.

“Kung nandito lang siya, kanina ka pa niya kinaladkad papuntang Cafeteria para kumain,” muli itong nagsalita.  “Alam mong ayaw niyang nalilipasan ka ng gutom.”

I breathe heavily.

“I'm sure, if he still alive and seeing you right now. He'll get mad at you... Gabrielle will really get mad... Tsk, tsk  tsk. Hard-headed, eh?”

Nakaramdan ako ng inis pero hindi ko pinahalata. Nanatili akong walang pakialam sa sinasabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Knowing that Gabrielle, he's over protective when it comes to you.”

Marami ang nambubully sa akin sa eskwelahan na ito. Hindi ko sila magawang gantihan dahil si Gabrielle ang gumagawa noon para sa akin. Kaya ko namang ipaglaban ang sarili ko pero ayaw niya, baka raw magkaroon ako ng offensive record. Siya tuloy itong suki ng Guidance Office, linggo-linggo.

Hindi naman nalalaman iyon ni Tita Ginnie dahil pinagtatakpan siya ni Gariel.

“Nakapanghihinayang lang dahil tinapos niya ang buhay niya para sa taong walang kwenta.”

Gusto ko siyang sagutin ng 'hindi siya nagpakamatay!' pero nanatiling tikom ang aking bibig. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Unting-unti na ring kumukuyom ang aking palad.

“Wala na ang knight in shining armor mo, Hellapig. Kaya siguro siya nagpakamatay dahil napagod na kakapagtanggol sa 'yo! Idagdag mo pang pabigat ka sa kaniya! You're nothing to him but you made his life miserable that's why he end up like that! It's all your fault, bitch!"

I gasped.

Tuluyan ko na siyang hinarap na may  nagtatangis na ang mga mata. Mabilis na dumapo ang aking kamao sa kaniyang mukha kaya naging dahilan iyon upang mapahiga siya sa damuhan, mukhang hindi niya inaasahang gagawin ko ang bagay na iyon.

“Because of you, he died! You are the fucking reason why he's gone now! You're a curse to the family!”

Napadaing siya nang muli ko siyang binigyan ng suntok. Naramdaman kong basa na rin ang dalawa kong pisngi dahil sa paggulong ng aking mga luha.

“Wala akong kasalanan sa nangyari sa kaniya, Gariel! Wala! Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang namatay kaysa ang kapatid mo! Sana nga ako na lang ang namatay!”

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 50 13
This book is dedicated to those students that will choose Accountancy, Business and Management (ABM) as their academic track in Senior High School (S...
1.9K 255 50
Let's enter the world of Ice/Water Tribe in the Kingdon of Permagen :).. First Fantasy story. hope you like it ;)
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
989 99 28
Birthday checklist: ✔Balloons ✔Party hats ✔Gifts ✔Decoration ✔Entertainment ✔Birthday girl is gonna come ✔Cake □ Wishing Candle .... "Uh oh." 'Yan la...