MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

14

20 4 0
By RonneSerene


Ilang beses kumakatok ang dalawang luka sa pinto ng aking kwarto. Panay ang pagtatanong kung papasok ba raw ako sa school ngayon. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan na lang silang umalis ng apartment ng hindi ko sila sinasagot.

Nakahilata pa rin ako hanggang ngayon sa higaan ko. Panay pa rin ang pagtulo ng mga pesteng luha ko. Hindi naman ako nag-abalang punasan pa iyon.

“Bakit kasi ang daya?” Pinikit ko ang mga mata ko. “Bakit kasi ang kaibigan ko pa?”

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Pinigilan ko ang sariling huminga pero naghabol din lang din ako ng hininga.

Peste!

Live your life, hindi mo kailangang dumepende sa 'kin. Hindi rin naman ako laging nand'yan.”

Parang may bulong sa aking tenga. Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon  kaya mas lalo akong napaluha.

“Gabrielle, hindi ko kaya...”

Iniisip ko pa lang ang mga susunod na araw na wala na siya sa tabi ko, parang pinarurusahan na ako. Parang pinapatay na ako!

Gusto kong sumigaw, magalit ngunit hindi ko magawa! Ang daming namumuong mga tanong sa isipan ko at puro bakit. Bakit? Bakit nawala ang kaibigan ko ng gano'n lang? Bakit siya? Bakit gano'n? Nakaka-putangina lang! Nakaka-gago!

Napapitlag ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Bumangon naman ako para kuhanin iyon. It's Tita Ginnie...

Kaagad akong tumigil sa pag-iyak at inayos ang sarili. Sinagot ko na ang tawag niya nang mahimasmasan ako.

“Rosane, anak, hindi ka raw pumasok?” bungad nito. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pamamaos niya.

“Masama po ang pakiramdam ko, Tita...”

“Maaari bang pumunta ka rito sa bahay, hija?”

Naroon ang sumunod na mahihinang hikbi mula sa kabilang linya. I bit my lower lip.

“N-Nand'yan na po ba 'yung...”

Hindi tuluyang natapos ang sinasabi ko nang pangunahan na iyon ng paghikbi.

“Oo, hija...”

Hindi ko alam kung saan ba kumukuha ng lakas ng loob si Tita Ginnie para sagutin ako ng gano'n katapang.

“Please, pumunta ka na ngayon dito. Hinihintay ka niya, hija...”

“T-Tita...”

“Ayaw ni Gabrielle nang pinaghihintay siya, 'di ba?”

“O-Opo...”

“Dalian mo, hija. Baka magalit na naman ang anak ko...”

Kusa kong pinatay ang tawag at muling humagulgol. Wala naman pong ginawang masama ang pamilya ni Gabrielle at ako pero bakit pinarurusahan kami?

Pinilit kong bumangon at hindi na ininda kung ano ang masakit sa akin. Isang oras akong naligo, nagbihis at dumiretso sa Area 16. Doon ko lang din namalayang tanghali na pala.

“Hindi ka pumasok sa school?” si Madeth, nang makita ako sa counter area.

Umiling ako.

“Aba at bakit naman? Tinamad ka? Ang kapal naman ng mukha mo.”

Hindi ko siya pinansin at binaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga bagong dating na customers. Ilang oras din ang tinagal ko sa counter area.

Nang hindi ako makuntento, pumunta ako sa kitchen area at naghugas ng mga pinggan.

Hindi ako nagreklamo sa rami no'n. Pinabayaan ko ang aking sarili na malunod sa mga hugasin. Tumigil lang ako nang makaramdam ng pagod.

“Hoy, kumain ka na ba?” Nilapitan ako ni Grane. “Namumutla ka, Ate Girl! Anong ganap sa 'yo? Problemado ka? Parang namatayan ka sa itsura mong 'yan.”

I stared at her.

“Kanina ka pa nga nakatulala d'yan! Sabihin mo kung ano ang problema mo at baka may maitulong ako.”

Hindi ako sumagot.

“Ay, gano'n? Deadma lang?! O, siya! Magbreak time ka na muna! Gutom lang 'yan.”

Tinalikuran ko siya at nagdire-diretsong lumabas ng Area 16. Dumiretso ako sa katabing convenience store nito. Umupo ako kaagad sa isang bakanteng table at dumukmo. Nararamdaman kong panay ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Hindi ko iyon pinansin at mariing napapikit.

“Aren't you going to answer my goddamn call, Hellapig?”

Napaangat ako ng ulo dahil sa gulat. Masamang tingin ang nasilayan ko sa mukha ni Gariel.

“A-Anong ginagawa mo rito?”

“What are you doing here, too?”

“Breaktime ko...”

“Nagawa mo pang pumasok sa trabaho mo na may ganitong situation? Seriously?” Hinampas niya ng malakas ang table. Napalingon ang karamihan sa aming gawi. “Tinawagan ka ni Mommy, right?”

Tumango ako.

“She told you to come home not to your work! Are you stupid?!”

“Ikaw? Bobo ka ba?” Pabalik kong tanong. His eyes grew bigger. “Sa tingin mo ba ay kakayanin kong pumunta sa inyo nang nasa gano'ng kalagayan si Gabrielle?!”

My eyes heated. I looked away and catch my breath.

“Tapos na ang breaktime ko,” turan ko at tinalikuran siya para bumalik sa Area 16.

“Hoy!

Mabigat na kamay ang dumapo sa aking balikat. I gritted my teeth.

“Doon ka sa counter area!” utos ni Madeth. Muli niyang hinampas ang balikat ko. “Ano bang tinutunganga mo?! Kilos na! Lalamya-lamya!”

Hindi ko inaasahang itutulak niya pa ako. Mabuti na lamang nakabalanse ako kaagad at hindi tuluyang natumba sa sahig.

“Tangina...” bulong ko.

“Hoy! Huwag mo akong mamura-mura! Masyado ka! Mahina lang ang pagkakatulak ko sa 'yo! Parang tapik lang, eh!”

Kumuyom ang aking palad. Sinamaan ko siya ng tingin at walang alinlangang sinapak siya. Agarang natumba siya sa sahig. Sapo-sapo ang pisngi at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

“Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo,” mariin kong wika. “Huwag mong sagarin ang pasensya ko dahil hindi lang 'yan ang aabutin mo.”

Mabuti na lamang nasa lugar kami kung saan walang masyadong customers. Walang nakakita sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya.

Inirapan ako siya bago tuluyang tumalikod at tinungo ang counter.

“Ayos ka lang?” si Asher, ramdam ko ang paninitig niya. “Sabi ni Ate Grane, maghapon ka na raw dito. Hindi ka pumasok sa school?”

“Hindi.”

“Bakit? Tinatamad ka nang mag-aral?”

“Parang gano'n na nga.”

“Sayang scholarship mo, barakuda. Nasa magandang school ka pa naman.”

“Nawalan na ako ng dahilan para mag-aral.”

“Ha? Ano?”

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa trabaho.

Sane, 'yung order ko? Bakit wala pa?”

“Sane, hindi pa ba matatapos ang shift mo?”

“Hoy, gagawa pa tayo ng assignment sa math!”

Kahapon ka pa hindi nagpapakita sa akin, Gab. Saan ka ba nagpunta? Hindi ba't kikitain mo ako ngayon?

Inikot ko ang buong paningin ko sa lahat ng mga tables, nagbabakasaling nandoon siya at hinihintay ako.

“Sinong hinahanap mo, Rosane?” nakigaya na rin si Asher at luminga-linga na rin sa paligid. “Jowa mo?”

“Si Gabrielle, nakita mo ba?”

“Ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Wala na ang kaibigan mo, Rosane. Hindi na s'ya darating.”

“H-Hindi, darating s'ya. Hihintayin pa nga n'yang matapos ang shift ko.”

“Rosane...”

“Tapos magrereklamo s'ya kasi pinaghintay ko s'ya nang matagal.”

“Nababaliw ka na!”

“Hindi ako nababaliw! Nagsasabi ako ng totoo!”

“Wala na ang kaibigan mo! Sinabi sa akin ni Jahm na patay na siya…”

“Hindi nga sabi!” paghirit ko. “Buhay si Gabrielle! Buhay! Makikita mo at darating siya rito! Hihintayin niyang matapos ang shift ko!”

Napasabunot siya sa sariling buhok. Inis niyang tinanggal ang apron sa katawan niya at tumalikod papaalis.

Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas syiete na. Napatingin ako sa main door ng bumukas iyon. Magkasunod na pumasok si Jahm at Jorja.

“You're here for almost 7 hours?” ramdam ko ang inis sa boses ni Jorja. “Hinahanap ka sa amin ni Tita Ginnie! Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag n'ya!”

“Busy lang.”

“Busy lang?” si Jahm. “Hindi ka nga namin pinilit pumasok kanina dahil ang akala namin ay magpapahinga ka pero hindi pala. Nandito ka at nagpapakapagod!”

“Ano bang problema n'yo?!”

“Problema namin?” Lumapit si Jorja sa akin at dinuro ako. “Ikaw! Ikaw ang problema namin!”

Napaamang ako. “Ako? Paanong naging ako? Sige nga... Ipaliwanag n'yo!”

Nagkatinginan sila, parehas umikot ang mga mata. Magsasalita pa ulit ako sana nang dumating ang boss namin.

“Rosane, mag-out ka na,” saad niya. “Pinapauwi ka ni Ginnie sa bahay nila.”

“Tita Boss, hindi pa po tapos ang shift ko.”

“Go home, Rosane, before I fire you.”

“P-Po?” Tila nanlabot ako sa narinig.

“Narinig mo ang sinabi ko!”

“Sige po.”

Dali-dali akong tumungo sa staff room at kinuha ang backpack ko. Hindi ko pinansin sila Jahm at Jorja nang madaanan ko sila sa counter area. Basta na lamang akong umalis at sumakay mag-isa ng tricycle.

“Miss, saan tayo?”

“La Rosa Village po,” sagot ko sa driver. Tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ko naman iyon pinansin.

Nang makarating sa apartment, kaagad akong nagkulong sa kwarto ko. Hinanap ko ang frame na binigay sa akin ni Gabrielle nung isang araw. Hinawakan ko ng mahigpit at yinakap iyon.

Pinabayaan ko ang sarili kong umiyak nang umiyak. Hihintayin ko na lamang mapagod ang sarili ko sa kakaiyak at maubos ang luha na mayroon ako.

Parang nung kailan lang... Sobrang saya ang nararamdaman ko.

Tapos, ngayon... Puno ng pighati at pagdadalamhati ang kalooban ko.

_

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako no'n. Inis akong napabangon at sumilip sa bintana. Madalim pa ang labas.

Kumunot ang noo ko nang may muling makarinig ng pagkalabog. Nagmumula iyon sa ibaba. Dahan-dahan akong lumabas ng silid, sinadya kong hindi magsuot ng tsinelas para hindi makagawa ng anumang ingay.

Madilim sa sala, pati rin sa hagdan na kinaroroonan ko ngayon. Tinakpan ko ang bibig ko ng may maaninag na anino. Sumibol ang kakaibang kaba at takot sa dibdib ko.

“Ikalat n'yo ang lahat ng mga gamit nila.”

Malaking boses ang aking naulingan. Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

“Boss, tatakutin lang ba natin sila?” isa pang malalim na tinig ang siyang narinig ko.

“Oo, mag-iwan ka rin ng babala. Itong lugar lang ang guguluhin n'yo, 'wag n'yong gagalawin ang mga kwarto sa itaas.”

Pinigilan ko ang sarili kong humikbi. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Kung babalik ako sa kwarto ko ngayon mismo, maaaring makita nila ako dahil malapit na sila sa pwesto ko. Pero kung magpapakita ako sa kanila ngayon ay baka saktan nila ako.

Gabrielle, tulungan mo ako...

“Kawawa si Rosane, 'no?” Nanlaki ang mga mata ko. Boses babae iyon at pamilyar sa akin. “Super duper close kasi kay Gabrielle. 'Yan tuloy, nawala ang kaibigan n'ya!”

“Sinasabi mo bang kasalanan ni Rosane kung bakit namatay ang kaibigan n'ya?”

“Wala akong sinabi!” Tumawa ng parang luka ang babae. “If that's what you think, wala akong magagawa! Poor, Rasane. She's a rat!”

“Tumahimik ka, baka magising sila!”

“Okay, okay!”

Malakas ang kutob kong may kinalaman sila sa nangyari sa kaibigan ko. Gusto ko silang sugurin ngunit hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

“Irish, gawin mo na,” utos nung unang tinig na narinig ko. Napasinghap ako ng malaman ang pangalan nung babae.

Irish?

Iyung babaeng tinutukso ko kay Gabrielle? Iyung laging nakiki-sit in sa amin?

Inilibot ko ang buong paningin ko sa hagdan at naghanap kung ano ang pe-p'wedeng ipanghampas sa kanila.

Saktong nakita ko ang mahabang panungkit namin. Dahan-dahan kong nilapitan iyon at kinuha. Sumilip ako para makita kung saan nakapwesto ang mga hinayupak.

Ang isang lalaki, nasa bantay sa pinto. Ang isa naman may kung anong pinapakialaman sa drawer ng TV namin. Ang babae naman o si Irish ay maingat na nilalamutak ang mga hawak niya. Pare-parehas silang may mga takip sa mukha.

Hindi ko maaninag kung ano ang mga iyon. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa panungkit at lumabas sa dilim. Una kong hinampas ang balikat nung babae.

“Ouch!” palahaw niya.

Isusunod ko na sana ang isa pang lalaki nang maagaw niya ang hawak ko. Tinulak niya ako ng pagkalakas-kalas kaya tumilampon ako sa sahig. Inihampas pa nito sa binti ko ang panungkit. Napamura ako sa sakit.

“Lumabas na tayo!”

Pinilit kong tumayo para habulin sila. Kahit masakit ang mga binti ko, pinilit kong tumakbo palabas ng apartment pero wala na akong naabutan pa.

“Mga hayop kayo!”

Napasabunot ako sa sariling buhok ko. Muling nagbagsakan ang mga luha ko. Nasisiguro kong may kinalaman sila sa nangyari kay Gabrielle.

“Pagsisisihan n'yo ang ginawa ninyo sa kaibigan ko! Magbabayad kayo!”

Continue Reading

You'll Also Like

L1-TS01B By Seren

General Fiction

4.6K 176 69
The experiment continues ...
698K 24.8K 52
COMPLETED | Hi! I'm Victoria and I have a secret.
4.8K 324 12
Si Everlee Cyan Zamora ay isang simpleng dalagitang namuhay ng labing-tatlong taon sa isang mental institution. Dinala siya roon ng kaniyang mga magu...
390 15 4
Cassandra Everleigh Valencia. ===== This is written in Taglish. Posted in WRAWA closed group (My boyfriend married my sister) Photo not mine. Credits...