Next Station : I Love You (...

By ulan_44

13.2K 793 39

Totoo nga ba na ang mga tao ay itinadhana para sa isa't-isa? Saang estasyon mo kaya matatagpuan? More

Prologue
1st Station
2nd Station
3rd Station
4th Station
5th Station
6th Station
7th Station
8th Station
9th Station
10th Station
11th Station
12th Station
13th Station
14th Station
15th Station
16th Station
17th Station
18th Station
19th Station
20th Station
21st Station
22nd Station
23rd Station
24th Station
25th Station
26th Station
27th Station
28th Station
29th Station
30th Station
31st Station
32nd Station
33rd Station
34th Station
35th Station
36th Station
37th Station
38th Station
40th Station
41st Station
Epilogue
Thankyou !
Cupid Station (Special Chapter)

39th Station

229 17 0
By ulan_44

Rein's

" ANO BA ITONG PINASOK MO? AKALA KO BA WALANG LIHIMAN ? ANO TO REINEAAAA ?? MALI ITONG PINASOK MO ! " sigaw sakin ng kuya ko.

" OO ! ALAM KO ! MALI ! ALAM KONG MALI " sigaw ko pabalik. Alam kong mali kuya, alam ko. Pero hindi naman --

" alam mo naman pala e? bakit ka pumayag? " tanong ni kuya sakin. Tinitigan ko nalang sya at dahan-dahang napaupo sa sofa. Nanahimik kami parehas.

" pwede siyang matanggal sa grupo " Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.



Andito lang ako sa kwarto ko. Hindi ako pumasok sa trabaho. Nakahiga lang at maghapon umiiyak. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Kinuha ko nalang ang phone ko at pinanood ang videong ginawa nya nung nagdate kami.

" Jah, sorry.. I'm so sorry " paulit-ulit kong sambit.

4pm sa dati. Hintayin kita. Kung di ka man pumunta, hindi mo na ako makikita.



Dalawang buwan na walang usap.

Tinignan ko nalang sarili ko sa salamin.
Umiiyak parin ako. Magang-maga na ang mga mata ko. Kakayanin ko ba?

" Hindi mo kaya, hindi.. " saad ko sa sarili ko at umiling-iling. Napaluhod nalang ako.

Niyakap ko ang mga tuhod ko. Ito na naman tayo. Naiiyak ako sa tuwing pumipikit ako at nagpapakita sya sa isip ko. Yung ngiti nya, yung mga yakap nya..

Para akong mababaliw, sobra ko nalang nilulugmok sarili ko. Ansakit na ng dibdib ko kakaiyak. Hindi na ako makahinga kakaiyak, ansakit-sakit.

Mga ilang oras pa akong nakaupo rito sa sahig ng cr ko. Kinuha ko naman phone ko at nagcheck ng oras.

3:45 na pero hindi pa ako nagbibihis.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumayo. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Kumapit ako sa lababo ko at inalalayan sarili ko para makatayo.

Muli kong tinignan sarili ko sa salamin. Pulang-pula ang mga mata na parang nakadroga. Ang gulo ng buhok ko.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Sinuklay ang buhok ko at pumunta na sa cabinet ko para mamili ng damit.

Hoodie,slacks at na bigay nya sakin. Paborito naming isuot to, itong berdeng rubber shoes na to. Niregalo nya sakin nung first date namin dahil baka magkapaltos lang raw ako sa mga heels na sinusuot ko.

Tumingin ako sa salamin ko. Nakatulala lang ako. 4pm na. Ayaw kong makita nya mga magang mga mata ko kaya kinuha ko yung bucket hat nya. Tinitigan ko muna. Yung naiwan nyang bucket hat, susuotin ko. Hindi ba mukha akong tanga na suot ko to? mga gamit na bigay nya.






" Jah,.. 5:30 na .. " saad ko sa sarili ko habang umiiyak. Talaga bang? Humagulgol ako. Syempre concert yun, matagal pa yun.

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid ko. Walang Justin na dumating.

Pero hindi parin ako umalis.

Hinawakan ko ang kinauupuan ko,dito ko siya sinagot. Paborito naming spot to dahil maganda ang spot na to tuwing palubog ng araw. Wala masyadong tao rito kaya nakakatambay kami rito.

" 6:30 pm na , Rein,kailangan mo nang umalis. Hindi na sya dadati-- " saad ko sa sarili ko.

" Rein, " rinig kong tawag nya sakin. Agad kong pinunasan mga luha ko sa mata at huminga ng malalim. Kalma , kalma lang. Naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko. Kahit ganun, may space parin sa gitna naming dalawa.

Napahawak lang ako sa mga hita ko. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak ulit. Rein, wag ka munang iiyak. Dapat hindi ka nanghihina.

Tahimik lang kaming dalawa.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung masasabi ko ba , o hindi. Kakayanin ko ba?

" Rein,.." tawag nya sakin. Agad ko rin siyang tinawag.

" Justin " naghahanap ako ng tiyempo. Napapikit ako ng mariin. Justin, sorry.







" tapusin na natin to, " saad ko at hindi ko na nga kinaya. Umiyak na ako. Mapiyok-piyok ko pang sambit sa kanya. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko.

" mahal naman.. " saad nya. Napakagat ako ng labi ko. Pigilan mo Rein, pigilan mo muna mga luha mo. Nakayuko parin ako. Hindi ko siya kayang tignan. Masasaktan lang ako, hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya.

" Justin, tapusin na natin to. Ayaw ko na, wala nang patutunguhan to kapag tinuloy pa natin to" mapiyok-piyok ko pang sambit sa kanya. Nanghihina ako. Rein, kayanin mo sige na. Umakma syang yayakapin ako pero umusog ako para makaiwas. Justin, baka mabawi ko lahat kapag niyakap mo ako...

" mahal.. wag naman, Rein, " mahal.. napahawak nalang ako sa dibdib ko. Mahal ko.. pasensya na..

Gusto ko nang makaalis, tutal tapos ko naman nang sabihin sa kanya. Rein, tayo na dali. Tayo na, umalis ka na. Lalo ka lang masasaktan kapag nagstay ka pa.

Tumayo na ako at iiwan na sya doon. Pagkatayo ko, agad nya akong niyakap mula sa likod. Idinantay nya ang ulo nya sa balikat ko.

" Rein, wag. Wag mo akong iwan, " tuluyan nang pumiyok ang boses niya. Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko. Justin, wag kang umiyak pakiusap. Huwag kang ganito, please..

Patuloy nalang sa pagluha ang mga mata ko. Naririnig ko ang mga hikbi nya sa balikat ko. Gusto ko siyang yakapin pabalik at punasan ang mga luha nya. Hindi ko kayang nakikita sya ng ganito.

" ayaw ko, ayaw ko, ayaw kong tapusin to " dugtong nya pa at umiling-iling. Jah, kailangan na nating tapusin to. Para sa ikakabuti mo. Jah...

" ayaw ko lang masira pangarap mo , Justin ! " Napapikit nalang ako at tinatagan ang sarili ko. Napakagat nalang ako ng labi ko. Pinipilit kong magpumiglas sa yakap nya ngunit napakalakas nya. Jah, wag na please. Hayaan mo na ako, please.. Mahal..

" HINDI ! Hindi, hindi mo sinira yun mahal.. " saad nya sakin. Nanghihina na ako, Jah. Nanginginig tuhod ko.

Pagkasabi nya nun, naalala ko lahat ng mga masasaya naming ginawa sa loob ng ilang buwan. Yung mahigpit na paghawak nya sa kamay ko tuwing magkasama kami. Mga halik nya sa noo ko, mga sandali na tumatakas sya sa practice para lang makasama ako. Sa lahat ng iyon, si Justin lang ang nagsakripisyo. Itinaya nya ang buong career nya sa relasyon naming dalawa. Sa lahat ng yon, parang wala akong nagawa para sa kanya. Ako lang nakikinabang sa tuwing nagkikita kami, kahit sandali lang dahil tumatakas lang sya. Kapag binibisita nya ako sa apartment ko, iniiwasan niyang masundan sya para hindi kami mabunyag. Sa lahat ng mga bagay na nangyari sa relasyon namin, ako lang ang naging masaya dahil wala akong inaalala. Sana ngayon Justin, hayaan mo ako naman ang magsakripisyo para sa ating dalawa..

" wag mo na akong tawaging mahal Justin ! wala nang tayo, tapos na tayo, wala na tayo, break na tayo, tapusin na natin to ! "
pumiglas ako at sa wakas nakaalis na ako sa yakap nya.

Manginig-nginig ang mga tuhod ko habang naglalakad paalis.

Hahabulin mo pa ba ako, Justin?

Kung susubukan mo, wag na.. please lang wag na..

















Tumakbo siya. Naririnig ko ang mga hakbang nya palapit sakin. Tinakpan ko nalang ang bibig ko.

Justin, wag na.. wag na..

wag na.. pakiusap..

wag na..

hayaan mo nalang ako..

Hinarang nya ako. Huminto siya sa harap ko dahilan ng paghinto ko. Nakayuko parin ako. Naririnig ko ang unti-unting pagbagsak ng ulan.

Pumikit ako nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa damit ko. Tinignan ko naman siya. Inangat ko ang bucket hat ko. Tuluyan ko rin tinanggal.

Nakita ko ang mga namumula nyang mata at namumulang ilong. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

Agad nya akong niyakap.
Nang mahigpit.

Mas lalong kumawala ang mga luhang pinipigilan ko. Rinig na rinig ko ang malakas nyang hikbi. Inilagay nya ang ulo  nya balikat ko.

" mahal ko... chin ko.. " mapiyok-piyok nya pang saad. Napapakagat nalang ako ng labi para labanan ang hikbi ko.

Lumakas lalo ang ulan kasabay ng paghagulgol ni Justin. Ang lakas ng pagbagsak ng ulan ay sumasabay sa pag-agos ng luha namin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Nanghihina na rin pati mga braso ko.

Kumawala siya sa yakap at tinignan ako.
Naaawa akong makita syang ganito. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki nya.

Inilapit nya ang noo naming dalawa. Rinig naming dalawa ang hikbi ng isa't-isa. Napapikit siya.

" minsan na kitang hiniling kay kupido, pinagdasal na makilala ang taong kukumpleto sakin.. " pumipiyok na boses nyang saad. Humahagulgol nalang ako at pinikit ang mga mata ko.

" Jah.. " saad ko sa kanya. Lumalalim ang paghinga naming dalawa. Parang magkakasugat na ang mga labi ko sa pagkagat ko.

Tahan na Jah, please. Tahan na, mahal ko..

" sorry, Jah.. sorry.. " saad ko sa kanya at umiling-iling siya. Lumakas lalo ang hikbi nya. Napapayuko nalang sya pero nanatili paring magkadikit ang noo naming dalawa.

" wag kang magsorry Rein, please , lagi kang ganyan e " sagot nya at napapikit nalang sya.

Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko at hinawakan ang dalawang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. Napapikit nalang rin ako.

" sorry Jah,.. mukhang hindi ako ang-- pinagdasal mo kay kupido " saad ko sa kanya at marahang ibinaba ang mga kamay nya.

Lumayo ako sa kanya. Nanatili siyang nakayuko. Pinagmasdan ko lang siya.
Gusto kong punasan ang mg luha sa mata nya. Gusto ko..

Jah, sorry.
Mahal, sorry.
Sana maging masaya ka..
Mahal na mahal kita..


Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 885 29
[SB19 Series #3 | SEJUN FAN FICTION | Completed] She just wanted a stable job for herself and her family. She even gave up college just to help her...
12.9K 754 78
"Ayokong dumating sa Punto na kapag Handa ka na, Pagod na 'ko" ➜ KUNDIMAN is the classic form of Filipino love song ✶ Sabrina Jate Bonifacio, a Suppo...
6.2K 421 40
[Idol series #2] For years of being together, Zyrielle and Paulo parted ways to chase their dreams. Paulo pursue his love in music and Zyrielle is hi...
30.6K 1.5K 41
COMPLETED. heeseung's affection for julie is undeniable and when he finally mustered the courage to reveal his feelings- julie turned him down and p...