39th Station

227 17 0
                                    

Rein's

" ANO BA ITONG PINASOK MO? AKALA KO BA WALANG LIHIMAN ? ANO TO REINEAAAA ?? MALI ITONG PINASOK MO ! " sigaw sakin ng kuya ko.

" OO ! ALAM KO ! MALI ! ALAM KONG MALI " sigaw ko pabalik. Alam kong mali kuya, alam ko. Pero hindi naman --

" alam mo naman pala e? bakit ka pumayag? " tanong ni kuya sakin. Tinitigan ko nalang sya at dahan-dahang napaupo sa sofa. Nanahimik kami parehas.

" pwede siyang matanggal sa grupo " Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.



Andito lang ako sa kwarto ko. Hindi ako pumasok sa trabaho. Nakahiga lang at maghapon umiiyak. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Kinuha ko nalang ang phone ko at pinanood ang videong ginawa nya nung nagdate kami.

" Jah, sorry.. I'm so sorry " paulit-ulit kong sambit.

4pm sa dati. Hintayin kita. Kung di ka man pumunta, hindi mo na ako makikita.



Dalawang buwan na walang usap.

Tinignan ko nalang sarili ko sa salamin.
Umiiyak parin ako. Magang-maga na ang mga mata ko. Kakayanin ko ba?

" Hindi mo kaya, hindi.. " saad ko sa sarili ko at umiling-iling. Napaluhod nalang ako.

Niyakap ko ang mga tuhod ko. Ito na naman tayo. Naiiyak ako sa tuwing pumipikit ako at nagpapakita sya sa isip ko. Yung ngiti nya, yung mga yakap nya..

Para akong mababaliw, sobra ko nalang nilulugmok sarili ko. Ansakit na ng dibdib ko kakaiyak. Hindi na ako makahinga kakaiyak, ansakit-sakit.

Mga ilang oras pa akong nakaupo rito sa sahig ng cr ko. Kinuha ko naman phone ko at nagcheck ng oras.

3:45 na pero hindi pa ako nagbibihis.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumayo. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Kumapit ako sa lababo ko at inalalayan sarili ko para makatayo.

Muli kong tinignan sarili ko sa salamin. Pulang-pula ang mga mata na parang nakadroga. Ang gulo ng buhok ko.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Sinuklay ang buhok ko at pumunta na sa cabinet ko para mamili ng damit.

Hoodie,slacks at na bigay nya sakin. Paborito naming isuot to, itong berdeng rubber shoes na to. Niregalo nya sakin nung first date namin dahil baka magkapaltos lang raw ako sa mga heels na sinusuot ko.

Tumingin ako sa salamin ko. Nakatulala lang ako. 4pm na. Ayaw kong makita nya mga magang mga mata ko kaya kinuha ko yung bucket hat nya. Tinitigan ko muna. Yung naiwan nyang bucket hat, susuotin ko. Hindi ba mukha akong tanga na suot ko to? mga gamit na bigay nya.






" Jah,.. 5:30 na .. " saad ko sa sarili ko habang umiiyak. Talaga bang? Humagulgol ako. Syempre concert yun, matagal pa yun.

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid ko. Walang Justin na dumating.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora