22nd Station

214 17 0
                                    

" Ayan na pala yung dalawa oh, " saad naman ni Bry habang paparating sila Rein at Justin.

" tagal niyo ah, saan pa kayo nagpunta ah " pang-aasar nila Micko. Napatingin na lamang ang dalawa sa mga kaibigan nila.

" baka nagsosolo na kayo ah, wag kayong magdate dito. Ako nag-aya e " saad naman ni Yuki. Nagsitawanan na lamang sila.

Habang kumakain naman yung mga kasama nila , nananahimik nalang sa gilid yung dalawa.

" Rein " tawag ni Zai. Napatingin naman si Rein at inabot ang drink na hawak nya. Nagtaka naman si Rein bago kuhain ang inumin.

" sayo yan , " saad ni Zai at nginitian si Rein. Kinuha rin naman ng dalaga ang inumin.

" ah, waoo thankyouuu " saad ni Rein at nginitian rin si Zai. Napatingin naman ang mga kasama nila.

" bat ako Zai wala? " saad ni Micko at sumimangot. Natawa nalang si Zai.

" oo nga Zai, bat kami wala " sabat naman ni Yuki. Tila nahiya si Zai, at napakamot sa batok.

" buy 1 take 1 kasi yung drink, " paliwanag ni Zai. Napatingin si Rein sa inumin nya.

" kaya pagkabili ko, bawal isa lang. Kailangan kuhain yung free " paliwanag pa nya.

" oh? talaga? saan ?? " agad namang tanong ni Rein kay Zai.

" a-ah, doon oh " sabay turo nya sa gawing kanan. Napatingin naman si Rein doon at ngumiti.

Nilagay ni Rein sa table nila Bry yung inumin.

" gusto nyo?? sobrang tamis e " saad ni Rein at iniwan sa harap nila yung inumin.
Tinignan lang ni Zai ang ginawa ni Rein.

" a- ayaw mo ba Rein?? " nag-aalalang tanong ni Rein. Napatingin naman si Justin kay Zai na parang binabasa ang iniisip ni Zai.

" ah , may ibang flavor pa ba don? " tanong ni Rein kay Zai. Tinignan lang siya ni Zai at tumango. Pumunta naman si Rein sa tabi ni Justin.

" Jah " tawag naman ni Rein. Nawala ang atensyon nya kay Zai nang tawagin sya ng dalaga at agad napatingin ang binata.

" oh? " simpleng sagot nya at tumayo.
" samahan mo ko doon, daliii bili tayoo " aya ni Rein at hinigit braso ni Justin.

Nagpadala naman si Justin sa ginawa ni Rein at tinignan lang ang dalaga.

Tinitigan lang ni Zai habang paalis ang dalawa.

" masarap naman ah, tikman mo " alok ni Bry kay Caryll. Umiling naman si Caryll at uminom ng tubig.

" ako, patikim ako " saad ni Micko at agad binigay ni Bry kay Micko. Tinikman naman ito ni Micko.

" sakto lang naman, " sagot ni Micko pagkatapos inumin yung drink.

" baka di mahilig sa matatamis si Rein " saad ni Yuki at sumubo ng pagkain.

" baka nga " dugtong ni Micko at hindi na tinigilan ang inumin.

Nakasimangot naman na tinignan ni Zai yung inumin. " para sa kanya yun e " saad ni Zai sa sarili nya.














Habang naglalakad tinitignan lang ni Justin si Rein. Binitawan narin naman ni Rein braso nya. At huminto narin sila sa pinagbilhan ni Zai.

" hmmm " saad ni Rein habang nakatingin sa mga flavors ng drink.

" gusto mo? " tanong ni Rein kay Justin at tinignan ang binata.

" sige lang " sagot ni Justin at nginitian ang dalaga. Nagtitingin naman ng mga flavors si Rein.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon