31st Station

196 16 0
                                    

Rein's

" yieeeeeeee beshyyyy "

nakakainis talaga.
Bakit ko pa kasi kinuwento sa kanila?
Napapikit nalang ako at napatakip ng tenga. Lunch namin ngayon at kumakain.

" ano ba kayo, wag nga kayong maingay " sabay lagay ng hintuturong daliri ko sa sa labi ko na senyas na tumahimik sila.

" eh kasi kinikilig kaya kami, yun pala mga nangyari noong summer " saad ni Caryll sabay tingin kay Bry.

" oo nga, yun pala yung di namin alam " pang-aasar pa ni Bry. Kumain nalang ako habang inaasar nila ako. Hay nako

" hatid-sundo, parang boyfriend ang dating " saad ni Caryll at nagtilian naman silang dalawa ni Bry. Napatakip nalang ako ng mga tenga ko. AAAAAAAAAAAAAAAA
PLEASE HELP MEEEEEEEEEEEEEEEHHH

" wag nga kayong maingay " bulong ko sa kanila. Napatahimik naman sila.

" eh ano nga? confirmed? gusto mo na si Jah? " nanlaki naman mata ko sa tanong nya.

" anong sabi mo? " di makapaniwalang tanong ko. Oo, hindi talaga ako makapaniwala.

" suuuuus beshyy, wala kang maloloko rito  Sa mga bagay nayun , kinilig ka. Tapos sabi mo pa sobra ang kaba mo kapag andyan si Jah. Edi love na yun ! " saad ni Bry at nag-apir silang dalawa ni Caryll. Napatingin nalang ako sa pagkain ko.

" bakit beshy? " tanong ni Caryll sakin.
Napatingin nalang ako sa pagkaing di ko na ata kinakain dahil pinaglalaruan ko nalang.

" hindi ko naman sigurado nararamdaman ko, baka di ko naman gusto si jah " saad ko at sumubo ulit ng pagkain. Napahinto naman sa pagkain si Bry at hinawakan braso ko.

" nakooo, gusto mo na siya beshy. Wag mo nang itanggi " saad nya sakin. Napaisip nalang ako. Talaga nga ba?

Hindi ko kasi alam e
lahat ng mga nararamdaman ko, bago lahat sakin. Hindi ko pa naramdaman dati pa. Ganun ba yun? o baka may sakit ako sa puso kaya di ako makahinga? magpacheck up na ba ako?

Inaamin kong kinikilig ako sa mga ginagawa nya. Pero hindi ko alam kung gusto ko ba siya o hindi? baka crush lang?

Crush, is just paghanga.
Tama, baka nga crush ko lang siya. Tama baka nga diba? Crush mo lang siya ,Rein.



















" sabi ko naman kasi sainyo papasa ako " natawa nalang ako sa sinabi ni Micko. Nagcecelebrate kami dahil nakapasa sa midterm exam si Micko.

Hindi kami umiinom, tamang kain-kain lang na syempre sagot ni Micko. Nagpasamgyupsal ang Micko namin kaya hayahay !

" ayuuun ohh, buti nakapunta ang tutor ko " bungad ni Micko kay Justin. Pawis na pawis. Napatingin nalang kami sa kanya.

" ayy Jah dyan oh, sa tabi ni Rein " saad ni Micko at marahan namang tumabi sa tabi ko si Justin. Munting puso, kapit lang.

Ito na naman yung kaba ko, sa pagkakatanda ko hindi naman ako nagkakape. Nakatingin parin ako sa kanya.

" woy beshy, matunaw naman si Justin nyan " pang-aasar ni Bry at napatingin ako sa kanya. Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Natawa naman sila.

" tapos na training nyo? " tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin. Nginitian nya ako at tumango.

TAKTE. DID HE JUST SMILED AT ME?

NAPAENGLISH NA AKO

Its been a long time Jah magmula nung huli mo akong nginitian.

Nagwawala na naman loob ko, takte naman yan.

" hello Justin " saad ni Shine. Ahh oo nga pala, may kasama kami. Kakilala ni Micko, sinama nya samin. Isa rin daw sa naging tutor nya . She's taking Arki also. Wao english.

" hmm? wait, familiar ka " saad naman ni Justin sa kanya. Napatingin naman sa taas si Justin para mag-isip. Magkakilala ba sila?

" sa Arki dept " sagot naman ni Shine at napangiti.

" ahhh oo nga po " mahiyaing saad ni Justin at ngumiti. Napangiti nalang ako nang ngumiti siya.

" ah, Shine pala " pakilala ni Shine kay Justin at inilahad ang kamay nya. Magkatapat sila. Tinignan ko naman pagkuha ni Justin sa kamay ni Shine.

" ah, nice meeting you " saad ni Justin at yumuko.

" Magkakilala kayo? " tanong ni Micko. Napatango naman si Shine.

" we're schoolmates " sagot ni Shine at tumingin kay Justin. Napatango naman si Micko.

" oo nga pala noh Benilde ka rin " saad ni Micko at napakamot sa buhok. Hay nako hahahahahha

Tahimik lang kaming kumakain. Habang si Micko naman pinagmamalaki na nakapasa sya sa midterms. Natatawa nalang kami kapag nagkukwento sya na hindi naman daw mahirap yung Biology. Maya-maya, biglang nagsalita si Yuki.

" oh ayan na pala si Engineer oh " saad bigla ni Yuki. Napatingin ako sa lalaking paparating. Si Zai. Bigla naman akong kinabahan hindi ko alam kung bakit.
Tumabi naman si Zai sakin.

" Paabot naman ako nung gunting salamat " saad ko at pinagpatuloy ang pagluluto ng baboy. Nakita ko namang inabot sakin ni Zai yung gunting. Kinuha ko naman iyon at nginitian sya.

" thankyou " pagpapasalamat ko at ginunting ang karne. Samantalang sila, busy rin kumain.

" sino gusto pa ng kanin? " tanong ni Yuki. Maya-maya, umalis na si Yuki. Habang naggugupit ako ng baboy, hindi ko nasagot si Yuki. Busy ako maggupit bakit ba huhu. Umalis na si Yuki.

Napanguso nalang ako ng umalis na si Yuki. Tatayo na sana ako nang pigilan ni Justin braso ko. Napatingin naman ako sa kanya.

" hmmm? " saad ko sa kanya dahil nagtaka ako kung bakit nya ako pinigilan.

" saan ka punta? kukuha kanin? pinasabay  ko na sayo " saad naman niya bigla. Nagulat naman ako at nanlaki mata ko. Nginitian ko nalang siya.

" ahh ganun, thankyou jaaah " sagot ko at binaliktad na yung baboy. Pagkatapos maluto ng baboy , nilagay ko naman na sa pinggan nila.

" ayuuun ohhh " excited na saad ni Yuki habang umuupo. Inabot nya narin mga kanin namin.

" thankyouu uliit Micko sa treat " saad ni Caryll. Napangiti naman si Micko.

" walang anuman yun dahil kayo ang naging daan para makagraduate ako. Thankyou, thankyou " saad ni Micko at yumuko-yuko.

" woy ngayon lang to, " kaming daan para makagraduate ako" ka dyan. Sa susunod na sem kapag bumagsak ka pa ewan ko nalang " saad ni Bry. Natawa naman kami sa sinabi nya.

" mag-aaral na po ako Prof Bryla promise " sabay taas ng kaliwang kamay. Natatawa nalang kami. Kala mo lasing magsalita tong si Micko e

" sana nga totohanin mo " singit naman ni Caryll at kumakain ng samgyup.

" totoohanin ko talaga " sagot nya pabalik sabay taas ng kilay. Napailing nalang ako sa sinabi ni Micko. Sana nga Micko, sana nga.

" sabi nya pa sakin noon , kapag sinagot raw sya nung nililigawan nya. Papainom daw sya, pero di pa nga nililigawan, busted na agad " matawa-tawang kwento ni Yuki sa pangbubuko nya kay Micko. Natawa naman kami. Maya-maya napaubo naman ako. Langiya, kumakain ako bigla kasing nagpatawa si Yuki e. Naubo ako ng ilang beses.

" uy, tubig tubig bigyan nyo nga tubig--- si ..ulan.. " dahang-dahang saad sa huli ni Bry.

Dalawang baso nang tubig nasa harap ko. Nakaabot sa kaliwa si Justin at sa kanan naman si Zai. Napahawak ako sa dibdib ko.
Tinignan ko naman silang dalawa.

Kinuha ko nalang yung tubig na nasa harap ni Caryll at ininom yun.

Naramdaman ko namang may humagod sa likod ko, si Justin.

" ayos ka na? inom ka pa tubig para bumaba yung nasa lalamunan mo " saad nya at inabutan ako tubig. Kinuha ko nalang yun at nagpasalamat sa kanya.

" si Yuki kase e, nagpatawa bigla e " matawa-tawa kong saad. Napatawa nalang sila. Nagpeace sign naman si Yuki sakin.

" sorry sorry " matawa-tawa ring sagot sakin ni Yuki.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now