5th Station

358 21 0
                                    

Rein's

" ma, saan nga pala gaganapin yung event nila kuya ?? " tanong ko kay mama. Nasa sala ako ngayon, dito muna ako gagawa ng sketch ko pati blueprint. Nasa kusina si mama nagluluto ng hapunan.

" sa Pasay lang " sagot ni mama,

" ma, pwede akong pumunta ? "
paalam ko kay mama.

Never ko pa siyang napanood magperform.

Gusto ko siyang mapanood

" bakit? wala kabang schedule ? "
tanong ni mama.
" wala po ngayong weekends ma "
sagot ko.
" ahh sige, "
sabi ko sa inyo,
mabilis kausap nanay ko e.

" pero wag mong sabihin kay kuya " saad ko kay mama.
" sigee " rinig kong sagot niya.


















Saturday, Event day










" bye maa " pagpapaalam ko kay mama.
" bye po tita " pagpapaalam nila Caryll at Bry
" sige, mag-ingat kayo ha " saad ni mama.


*Venue

Pagkapasok namin, andaming stalls.
Parang convention ata to e.
Pero asan kaya si kuya??

" anlaaah mapapanood naten kuya mooo
eh di ba sabi mo may mga kagrupo siya? " tanong ni Bry.

Mukhang alam ko na naman kung saan to mapupunta.







" oo nga, gusto ko silang makita " saad nila na may halong excitement.

" mga gwapo ba kagrupo ng kuya mo? gwapo pa naman ni kuya josh "
hinampas naman sya ni Caryll.

sinasabi ko na nga ba e.


" woy, yung bunsong kapatid andito oh " saad ni Caryll




Tinitignan ko paligid ko.
Binuksan ko phone ko tapos tinignan ko kung saan magpeperf sila kuya.





" ahhh, sa korean store pala , woy sa--- " anlah wala pala akong kausap.

Nasaan na sila?
Jusq namaaaaaaaaan.
Agad akong naglakad at hinanap sila.

" nasan ba kasi yung dalawang babaeng yoon " hay nakooo talagaaa.


Wala na i-chachat ko na sila, magsstart na magperform sila kuya.











" WOOOOOOOO " narinig ko yung sigaw.

Sinundan ko naman kung saan nanggagaling.

Agad akong tumakbo.
Medyo nasa gitna ako.
Hindi masyado marami tao, around 20+ siguro?
Hinanda ko na phone ko.


" Let's welcome, SB19 "

nagsigawan na ang mga fans nila.
Nagvivideo naman ako.

nagsimula na performance nila.





" woaa " di ko napigilan sarili ko makapag woaa. Paano ba naman, nagbackflip yung kasama ni kuya.

Kumakanta naman yung payat na matangkad ,
nagsisigawan sila.


" JUSTIIIIIIIIN ANG GWAPO MOOOOO "





Oh. so siya pala si ----




napahinto ako at tinitigan syang mabuti.


W-wait.

Kamukha nya yung nakabunggo sakin sa train.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now