10th Station

301 17 0
                                    

Justin's

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang tinitignan ang I.D nya.
Masyado bang chaotic tignan?
sorry, nababaliw na naman ata ako .

Pero ngayon, iniisip ko kung paano ko ngayon ibabalik itong I.D nya.

hmmmm..

Habang nag-iisip ako ng paraan di namalayan na andito na pala yung train.

Agad kong tinago sa bulsa ng shorts ko yung I.D nya.
Meeting nga pala mamaya.

Tinititigan ko lang yung mga building na nadadaanan ng sinasakyan ko.
Habang nagmumuni ako, tinignan ko yung oras.

15 minutes before 4pm,
tinignan ko naman mga tao rito sa train.
Grabeng siksikan,
ano pa bang bago?

Nag-ayos naman ako at naghanda dahil bababa na ako.
Pagkahinto, pinauna ko muna syempre bumaba yung mga nasa unahan ko saka ako bumaba. Pagkababa ko, iniscan ko na beep card ko at dumiretso na pababa.

Habang bumababa ng mga hagdan, naalala ko yung I.D nya sa bulsa ko.
Agad kong kinapa at kinuha dahil baka mawala pa ulit.
Tinitigan ko ulit.

Wala lang, tinitigan ko lang.

Kinuha ko bag ko sa likod ko at nilagay sa loob ng bag ko.

Pagkarating kong building, agad kong binati ang mga staffs na nasa office at dumiretso sa loob ng studio.

" uyyy jah " bati ni Stell sa akin. Hindi sila nagpapractice?

" itetext ka palang ni Sejun, andito ka na " natatawang sabi ni Ken sabay kuha ng inumin nya.

" lika na practice na " bungad ko sa kanila.

" Katatapos nga lang namin, di ba halata ? " saad ni Stell sabay turo sa pawis nyang tumatagaktak.

Agad naman kaming nagtawanan, oo nga noh?

Binababa ko ng marahan yung bag ko at magsisimula na ako magwarm-up.

Habang nagwawarm-up, hindi ko mapigilang maalala si Sir James.

" nililigawan mo? "

Hay nako Sir,
natawa nalang ako sa loob ko.
Hindi pa nga kami close, hindi ko pa siya lubusang kilala. Isang beses ko palang sya nakilala kahit maraming beses ko na siyang nakita.

Napatigil ako sa pagcucurl-ups ng maisip yon.

Marami? Jah? Sigurado ka?
Tatlong beses palang naman.
Pero, 3 is more than 1  kaya marami na.
Bilang nayon.

Tinuloy ko ulit pagwawarm up ko.

Pagkatapos kong magwarm-up,
huminga muna ako.
Agad akong pumunta sa laptop para i-play ang music for routine namin.

Nagsimula naman na ako magpractice.
Nakikita ko naman na pinapanood nila ako , lalo na si Stell.
Tahimik lang nila ako minamasid.

Maya-maya, may narinig kaming nagbukas ng pinto.
Napatingin naman ako nang nasa pinto,
si Teacher Hong pala.

" Oh, Justin is already here. Can we start the meeting? " tanong ni Teacher Hong.

Agad akong huminto at pinatay ang tugtog.

" ne, " sagot naman nila.

Agad silang nagpunta ng comfort room para magpalit ng damit para presentable tignan sa meeting.

Habang ako naman naghihintay lang sa loob ng studio. Tinititigan ko lang sarili ko sa salamin.

Andaming mga bagay pumapasok sa utak ko. Naalala ko nung unang pasok ko rito sa studio bilang official trainee.
Wala lang, it feels nostalgic.
Next year, magdedebut na kami.
Officially announced in public bilang grupo. Sobra akong naeexcite. Sa wakas na ba, matutupad na pangarap ko?



Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now