8th Station

288 22 0
                                    

Rein's

" oy, pano ka nakapasok ha? " saad ni Bry sakin.
" malamang pumasok sa gate, " sagot ko habang nilalabas notebook ko.
" aba, " sagot ni Caryl. Agad naman syang umupo ng maayos dahil andyan na prof namin.

2 hours na nakaupo.
Okay pa ba pwet ko?
Namamanhid na ata.

Habang nagsusulat ako ng notes, tinawag naman ako ni Caryl.

" pst. " nako bahala ka muna dyan, sandali lang baka ilipat na ni Sir sa next slide.

" pst. Reinea " aba ginamit na ang Reinea, mukhang malaki pangangailangan . Agad ko naman syang hinarap.

" Ano bayun? " bulong ko.

" May extra kang ballpen? pahiram ako " sagot nya. Aba malaki nga ang pangangailangan. Agad akong naghanap sa pencil case ko ng extrang ballpen at inabot sa kanya.

bakit kaya pencil case tawag kung puro ballpen laman?

" thankyou, " bulong nya.
" your welcome " bulong ko pabalik.

After some minutes, nagdismissed narin si Sir.

susginoo bat ba ang hilig ni Sir mag-extend ng time? di naman comshop ang room namin
hay nako

Lunch break naaaa, agad naman kaming nagpunta sa cafeteria.
Syempre kasama sina Caryl at Bry sino pa ba

Habang kumakain kami biglang nagtanong si Bry

" pero Rein, seryoso pano ka nakapasok? " tanong nya at sumubo ng pagkain.

" oo nga, astig mo ah HAHAHAHA nakapasok ng walang I.D " sagot ni Caryl.

Nagtaka ako sa sinabi nila.

Agad kong tinignan ang I.D ko,

WHAT
DA
PAKIJING
TEYP.

" alah " gulat kong saad.

" oh? ngayon mo lang nalaman? " saad ni Caryl.
" kaya nga kanina ka pa namin tinatanong kung pano ka nakapasok " paliwanag ni Bry.

" alah, saan kaya nahulog yon? " ngumuso ako at tumingin-tingin sa paligid ko.

Saan ba kasi sumuot yung I.D ko,
nakakalungkot.

Pagkatapos naming kumain, malungkot akong bumalik ng room para sa next subject namin.

" uy ulan, okay lang yan " pagcomfort ni Bry sakin.

Di yun okay ,
pagagalitan ako ni kuya
sasabihan nya na naman ako na ang burara ko

HAAAAAAAAAY NAKOOOOOOOOO

" di bale, tulungan ka namin maghanap okay? " sabi naman ni Caryl.

Inayos ko na sarili ko dahil andyan na ang prof namin.

Ilang oras narin ang lumipas, wala nalulungkot talaga ako.

Nabubuang na ako kakaisip kung pano nalaglag at nawala yon .

Sana may magbalik nung I.D ko susginoo.
Di ako makakagraduate kapag di ko nakita yon.

Di na ako makakapasok sa school.

Di na ako makakapag-exam.

Babagsak ako.

Di na ako makakagraduate.

Di ako makakapagboard exam.

Di na ako magiging Architect.

Paano na ang buhay ko?
buhay namin nila Kuya?

ang oa ko ba?
mayghad

" UY ! REINEA "
nagising ako sa katotohanan ng tapikin ni Caryl balikat ko.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now