40th Station

232 15 0
                                    

" Talaga bang babalik ka ulit ng US? kailangan na kailangan ba, anak? " tanong ng kanyang ina. Napahinto naman ang dalaga sa pag-impake at tumingin sa kanyang ina. Tumabi naman siya sa mama nya.

" yes ma, kailangan na ulit ako doon.. " sagot nalang ng dalaga sabay yakap sa ina. Nanatili silang magkayakap ng mga ilang minuto.

" o may kailangan ka lang kalimutan? " napaisip ang dalaga sa sinabi ng kanyang ina. Kumawala naman silang dalawa sa yakap. Malalim siyang tinitigan ng kanyang ina.

" anak, hindi ito ang sagot para makalimot. Hindi pagtakas ang sagot sa problema mo. Dapat mo munang matanggap lahat para tuluyan nang mawala ang sakit na nadulot neto sa puso mo " saad ng nanay nya. Napayuko nalang sya. Aaminin ng dalaga na kaya nya tinanggap ang offer sa kompanya ni Zai ay para may dahilan na ulit sya para umalis at takasan lahat ng sakit. Nagresign na sya sa dati nyang kompanya at lumipat sa kompanya ni Zai.

Pero anung magagawa nya? kaysa umiyak at magkulong sa kwarto. Makalipas ng limang buwan, muli ulit siyang umayos at nagtrabaho. Oo, limang buwan na nasa bahay nila. Nakakulong lang sa kwarto nya, hindi na siya bumalik doon sa apartment nya, maaalala nya lang lahat ng iyon. Umiiyak lang sya, nawawalan ng gana sa ibang bagay kaya ngayon gusto nya na ulit bumalik sa dati ang lahat.

Magtrabaho ulit. Nagresign na siya sa dati nyang kompanya at tuluyan nang nagtrabaho kila Zai. Lahat ng ipinangako sa dalaga ay talagang binigay ni Zai. Bagong kotse, bagong bahay at lupa, at opisina. Ngunit sa kabila nang lahat ng yon, iba parin ang motibo nya para umalis. Iyon ang kalimutan siya.

" a-ano ka ba naman ma, matagal na yon.. trabaho ang iniisip ko.. trabaho.. " saad ng dalaga sa nanay nya.





















" beshy, talaga bang alis ka na naman? ayaw mong magstay rito? grabe , iniwan mo na kami rito ng limang taon tapos ngayon babalik ka na naman doon " saad ni Caryll habang nag-uusap sila sa balkonahe. Nagbobonding silang tatlo. Girl's Overnight ika nga nila.

" oo nga, paano na sa kasal ko? " singit ni Bry at nagulat ang dalawa. Napatingin naman sila kay Bry.

" engage na kayo?! " gulat na tanong ni Caryll sabay hawak sa dibdib. Nanlaki rin ang mata ni Rein nang tignan si Bry.

" mga gaga ! hindi pa , oh ! oh ! ni walang singsing pang-apat na daliri ko oh ! " saad ni Bry. Nahimasmasan naman ang dalawa at natawa nalang.

" eh akala ko ba -- " saad ni Caryll at sumingit bigla si Rein na nakakunot noo.

" mapapangasawa mo na? e h di pa kayo engage? "  saad ni Rein. Naglakad naman papunta si Bry sa tabi ng dalawa.

" hindi pa kami engage, pero alam ko mapapangasawa ko yun " sagot ni Bry na may pataas-baba pang pag-angat ng kilay. Naatawa nalang silang dalawa ni Caryll. Napailing naman si Rein sabay inom ng champagne.

Napahinga nalang siya ng malalim. Tinitigan ang mga bituin sa ulap.

" buti pa ang mga bituin, malaya silang nakakagalaw kahit nagniningning.. " saad ng dalaga. Napatahimik naman ang dalawa nyang kaibigan at tinitigan lang siya.

" na samantalang sya, nagniningning pero hindi makagalaw .. " napatingin naman siya kay Caryll. Napangiti siya ng mapait at napayuko.

" umamin ka nga, mahal mo pa din noh? " tanong ni Bry. Nanatili siyang nakayuko. Naninikip ang dibdib nya sa tanong. Parang tinutusok ang kanyang dibdib sa sakit. Parang hindi nya kakayanin.

Ininom nya nalang ang natitirang champagne sa baso nya at tumingin sa mga bituin.

" hindi naman siya ganun kadaling kalimutan.. hindi madaling kalimutan ang taong talagang minahal mo ng sobra .. " sagot nya. Ilang buwan na ang lumipas at nasasaktan parin siya sa tuwing naaalala nya ang araw na iniwan nya si Justin.

" first love never dies , baka may ibang plano si tadhana.. baka malay mo rin, maging kayo sa tamang panahon " saad ni Caryll. Napatingin naman si Rein kay Caryll. Natawa nalang ang dalaga sa narinig.

" baka hindi talaga kami para sa isa't-isa, may ibang ibibigay si kupido sa kanya.. at hindi ako yun.. " sagot ng dalaga at naglakad papunta sa lamesa . Kinuha ang bote ng champagne at nilagyan ulit ang baso nya.

" oh come on Rein, alam niyo ba na kayong dalawa dapat ang magkablind date noon? " napahinto naman sa paglalagay si Rein nang marinig ang sinabi ni Bry. Napailing nalang si Rein at itinuloy ang paglalagay ng champagne.

" tapos hindi ka pumunta , at sya rin hindi, tinanggihan raw sabi ni Micko sakin " pagdugtong naman ni Caryll. Itinigil ni Rein ang paglalagay at tinakpan muli ang bote. Nakatalikod parin siya sa mga kaibigan nya.

" kasi sabi ni Micko, kaya raw si Justin ang pinili nilang i-set dahil no experience pa daw si Jah.. at akalain mo, parehas kayo " saad ni Caryll. Natawa naman si Bry sa dulong nasabi ni Caryll. Lumagok naman si Rein ng champagne habang pinapakinggan ang mga kaibigan nyang nagkukwento.

" pero kahit na hindi kayo natuloy sa blind date, nagkakilala naman kayo. Hindi ba? dahil sa I.D mo? Thank God to your I.D at sa kanya pa napunta " dugtong ni Bry. Naalala naman ni Rein yung una nilang pagkikita ni Justin. Nung college, ang papalit-palit ng kulay ng buhok na Justin. Napangiti naman siya ng maalala yon. Ang mahiyaing si Justin.

" iyon ang una naming pagkikita " saad ni Rein at uminom ng champagne. Napangiti naman ang dalawa nyang kaibigan.

" hindi pa yun, bago pa yun, nakatabi mo na siya sa train kung hindi ako nagkakamali " paninigurado ni Bry. Naalala naman ni Caryll iyon.

" AH ! oo , nung natamaan sya ng camera bag! si Justin yun hindi ba? " saad ni Caryll at tumango si Bry. Agad namang nag-apir ang dalawa. Samantalang si Rein, inaalala ang nangyaring iyon.

" hindi ! may nauna pa, nakatabi namin siya sa train. Nakatabi nya si Justin sa upuan, nung umuwi kami na mismong araw ng blind date " saad ni Caryll at napakunot naman ang noo ni Rein.

" ha? nakatabi ko na dati si Jah? " tanong sa isip ni Rein at uminom ulit ng champagne.

" Naalala mo? sigurado ka bang si Jah yon? " paninigurado ni Bry . Tumango naman si Caryll.

" ghorl ! alam mo naman mata ko sa gwapo hindi ba? " sagot sa kanya ni Caryll. Natawa naman si Bry at nahampas sa braso si Caryll.

" oh tapos eto na,... pagkatapos ng mga bagay nayun, nagkita kayo sa convention.. at yun ang nakakakilig na pangyayari.. pagkatapos nun-- " hindi natapos ni Caryll ang sasabihin ng biglang sumingit si Bry.

" nagkausap kayo, tapos nagkakilala nang husto ! " kilig na kilig na saad ni Bry . Nahampas naman siya ni Caryll.

" hindi ka naman siguro atat noh? " saad ni Caryll sa kanya. Agad namang nagsorry sa kanya si Bry.

" pagkatapos babad na kayo magchat sa isa't-isa, tapos .. " huminto si Caryll. Napahinto rin sa pag-inom si Rein ng champagne. Hinihintag nya kung may sasabihin si Caryll. Lilingon na sana siya nang tumili ang dalawa.

"  SABAY PA UMUWI ! AAAAAAA " saad nilang dalawa at kinikilig-kilig pa. Natawa nalang si Rein at lumagok muli ng champagne.

" Tapos yung taong gustong-gusto mo noong college ay akalain mong mahal na mahal ka pala, " saad ni Caryll. Marahan naman silang naglakad ni Bry papunta sa dako ni Rein.

" ngayon mo sabihing hindi kayo itinadhana? tadhana na nga gumawa ng paraan para magkakilala kayo e, " saad ni Caryll habang nakapamewang. Naglagay naman ng champagne si Bry sa baso at nilagyan narin ang baso ni Caryll.

" kaya baka malay mo, gumawa rin ng paraan si tadhana para ipagtagpo ulit kayo " saad ni Bry at lumagok ng champagne. Muli nang inubos ni Rein ang champagne at huminga ng malalim.

" pinagtagpo lang kami, pero hindi kami itinadhana " saad nya kay Bry at pumasok na. Kinuha nya ang towel at bathrobe.

" gonna take a shower, Caryll.. " paalam nya sa dalawa at pumunta nang cr. Napailing nalang ang dalawa nyang kaibigan.

" hay nako, napakabitter.. " saad ni Caryll. Pagkalunok ni Bry ng champagne ay hinawakan nya sa balikat si Caryll.

" hindi mo masisisi, nasaktan si beshy e.. hayaan nalang natin siyang magmove on.. " saad nya kay Caryll. Nagkatinginan naman sila .

" cheers? " saad ni Bry at nagtoss naman silang dalawa ni Caryll.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now