14th Station

258 15 3
                                    

Justin's

Agad kong tinignan ang phone ko,
6 : 28 a.m na pala.
Agad akong bumangon at umunat ng kaunti. Aalis na sana ako para bumaba nang maalala ko sinabi ni Mommy.

" JUSTIIIIIIIIIIN DE DIOOOOOOOS " sigaw ni Mommy mula sa taas. Agad kong tinigil ang pagkain at umakyat nang madalian sa taas.

" bakit mommy?? " agad kong tanong pagkaakyat.

" ikaw, 19 ka na pero di mo parin inaayos yung hinigaan mo " may halong pagtaas ng boses at inis na sabi ni Mommy sakin.

" eh, babalik rin naman ako matulog Ma e, ganun din yun magugulo ulit " paliwanag ko kay Mommy. Totoo naman e, babalik rin ako dyan tapos magugulo ulit ganun lang rin.

" Ayusin mo yan, di ka bababa hangga't di mo inaayos yan " huling saad ni Mommy at lumabas na ng kwarto.

Pagkaayos ko ng kama ko, agad na akong bumaba at nagpuntang CR. Hilamos Time.

Habang nakain ako, gising na rin si diko. Nakabihis na siya, at lumapit na sa lamesa para kumain.

" oh, bakit di ka pa nakabihis Jah? " tanong ni diko.

" maya pa naman alis ko diko, pagkatapos ko nalang kumain ako mag-aayos " sagot ko sa kanya at sumubo ng kanin.

Habang kumakain kami, narinig naman namin ang boses ng bata.

" goodmorning mga titoo " bati samin ni Zael. Agad naman kaming napangiti ni diko.

" goodmorning " bati naman namin ni diko kay Zael.

Ang aga magising netong pamangkin ko samantalang ang kulit-kulit pa kagabi, ayaw pa raw matulog sabi ni kuya.

" Zael, brush teeth na " saad ni kuya sa kanya kaya agad dumiretso sa CR si Zael.

" oh, ang aga magising ni Zael " bungad ni diko nang makalapit samin si kuya.

" oo nga e, kagabi ang kulit-kulit. Di makatulog pero ang aga nagising " saad ni kuya samin.

Lumabas na ng cr si Zael at binati naman si Mommy. Sumabay naman na kumain samin sila kuya at Zael.

" Ma, alis na po ako " paalam ko kay mommy at pinuntahan sya sa taas.

" byee, " paalam ko at hinalikan sa pisngi si mommy.

Di ako makakaattend ng practice ngayon dahil kailangan ko magpunta sa booth namin sa convention.







" Jah, pasuyo naman neto. " saad ni Erika sakin habang hawak hawak yung decoration.

" sige akin na " sagot ko sa kanya.
Agad nya namang inabot sakin.

" ikaw kasi pinakamatangkad e, " saad nya pa. Natawa nalang ako.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now