2nd Station

410 23 4
                                    

Rein's

" Hi ma " bati ko kay mama. Nasa kusina siya nagluluto. Agad akong dumiretso sa kwarto.
Pagkasara ko ng pinto, baba ng bag, sabay hilata sa kama. Tinignan ko ang oras sa phone ko.

7:43 p.m.

Napatingin ako sa kisame, nagmumuni-muni.
Tinatamad pa ako magbihis. Pinikit ko sandali mga mata ko.

*ting*

rinig kong tumunog phone ko.

MGA BABAENG ARKITEK

Brygielietot : beshy di raw
tumuloy yung lalaki


Carylle the baboy : waaaaooo
meant to be sila ni ulan
HAHAHAHHAHAHA
HAHAHAHAHAHHA

Brygielietot : buang AHHAHAHAHAHA

Carylle the baboy : @Rein Santos nice nice


mga seraulo.
Napangisi nalang ako.
Hay nako.


* knock knock *

nagising ako sa katok.
Si mama pala.
" nak, lika na kain na tayo " saad ni mama.
" sige po ma, susunod na po ako "

Sinara ulit ni mama ang pinto ng kwarto ko.
Agad akong bumangon.
Nagpalit na ako ng damit.
Kinuha ko phone ko.

8:40 p.m.

asan na kaya si kuya?

Agad ko namang tinawagan si kuya.

hmm? bat di nya sinasagot?
baka nagppractice pa sila?

hindi na ulit ako tumawag dahil baka makaistorbo lang ako.

Lumabas ako ng kwarto ko.
Nagtungo akong kusina.
" Lika na nak "

" Pauwi na ba kuya mo? " tanong ni mama.
" hindi po sinagot tawag ko kanina ma, baka maya-maya pa yun " sagot ko.

Naghuhugas na ako ng pinggan.
Syempre, ulirang bunso
joklang.

Nasa sala si mama nanonood ng tv.
Tapos na akong maghugas ng pinggan agad akong dumiretso ng kwarto.

Gagawa pa ako ng blueprint pala ng kitchen.
Nilagay ko earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog.

" I see a rose, it reminds me of you
Oh, so precious with thorns
that can hurt me "








Time check : 10:12 p.m

" hay salamat natapos rin "
inayos ko na gamit ko. Nilagay ko na lahat sa bag ko. Nag-unat ako ng konti at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Pagkalabas ko ng kwarto, nasa sala pa pala si mama. Kumuha ako ng tubig sa ref , pagbalik ko tulog na si mama. Lalapitan ko sana si mama nang may kumatok.

Agad akong nagpunta ng pinto,
si kuya pala.
" Huwag kang maingay pagpasok mo "
bulong ko.
" bakit ? papasukin mo kaya ako? " saad naman nya.
" Tulog kasi si mama " saad ko. Marahan siyang pumasok ng bahay.

Dumiretso sa kwarto si kuya.
Ginising ko naman si mama.
"ma, sa kwarto ka na " saad ko.

Nagising naman sya, nagulat ako ng lumabas na si kuya ng kwarto.

Nakapagbihis na siya.
Bumangon si mama,
" Ma, alis kami ni bunso saglit. Bili kami pagkain ha " paalam ni kuya.
Tumango naman si mama at tumungo na ng kwarto.






10 pm palang naman kaya medyo marami pang tao rito sa kanto.
" bunso sorry ha, di ko nasagot tawag mo " saad ni kuya.
" okay lang yun, hindi narin ako tumawag ulit kasi baka nagppractice kayo " sagot ko.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now