20th Station

214 13 1
                                    

Habang nagpapractice ay hindi maiwasan ni Justin isipin ang litrato. Naatat na siya.
Gusto nya nang magteleport papunta doon. Kung kakayanin lang nya.
Kung pwede lang.

Kahit may bumabagabag sa isip nya ay mas tinuon nya ang pansin sa sayaw upang di magkamali. Nagpeperform sila sa harap ni Teacher Hong. Seryosong nafofocus si Justin sa step.

" Okay, good " saad ni Teacher Hong at nagthumbs up. Samantalang umayos naman ng tayo si Justin. Hingal na hingal, pagod na pagod. Nakakapagod ang routine nila. Huminga naman sila ng malalim dahil naghahabol sila ng hininga sa sobrang pagod.

" hmm, you can now go home. You have to rest because tomorrow would be a long day " nanlaki mata ng mga binata sa sinabi ng Teacher nila. Maging si Justin ay nagulat at napatingin sa mga kasama nya.

" really teacher? we can now go home ? " di makapaniwalang tanong ni Sejun, ang leader ng grupo.

Tumango lamang ang Teacher nila at nginitian nila.

" that was a good job then boys, as a reward you can now go home " saad nito at marahan nang umalis palabas ng studio. Samantalang ang apat ay tulala at nagtinginan.

" anung oras na ba? " tanong ni Stell sabay tingin sa orasan.

" 4 : 11 p.m " sagot ni Ken.

" halika na , " matawa-tawang sambit ni Sejun. Di rin makapaniwala ang mga binata. Ang aga ng tapos ng practice nila ngayon, kadalasan ay kapag may palapit na events ay inaabot sila ng 9-10 pm. Ngayon lamang sila nakapagdismiss ng maaga.

" kain tayoooo " aya naman ni Sejun.
Nginitian lamang sya ng mga kagrupo nya.

" shhh wag kang maingay " sagot naman ni Josh at natawa naman ang mga kasama niya.

" so saan tayo kain? " mahinang saad ni Stell habang nagpupunas ng pawis nya.

" saan nga ba? " nag-iisip rin na sabi ni Sejun at tumingin-tingin sa kisame.

" hmm, uy may bagong bukas raw na restaurant don sa kabilang kanto. Try natin don? " saad ni Ken habang nakaupo sa gilid. Nagpapahinga.

" ohh, so ano? G? " tanong ni Sejun.
Nagtanguan naman yung mga kagrupo nya.

" G ! " saad ni Stell at binaba ang boteng hawak nya.

Nagthumbs up naman si Josh habang umiinom ng tubig.

" si Jah nga pala nasan? " tanong ni Sejun.

" ha? andito lang yun kanina ah " saad ni Stell.

" lumabas ata? " saad ni Josh.

" baka umuwi na " palabirong sagot ni Ken

" hindi ah, andito pa bag nya e " sagot ni Stell sabay turo sa bag ni Justin.

Maya-maya pa ay bigla namang pumasok ang binata, nakapagpalit na ng damit.

Agad syang pumunta sa bag nya at nilagay ang damit doon.

" oh? bilis ah, uwi ka na jah? " tanong ni Josh.

" kapatid ka ba ni Flash? " tanong ni Stell, nahampas naman sya ni Josh at natawa.
At tuluyan nang lumabas ng studio ang dalawa para magpalit narin ng damit.

Napangiti lang naman si Justin at sinara ang bag nya.

" uuwi ka na ba? " tanong ni Sejun at tumabi sa kanya.

Samantalang si Ken, nagpatugtog ulit.
Mukhang sasayaw ulit na tila di man lang napapagod sa routine nila kanina na pinakita sa Teacher Hong nila.

" ah, may pupuntahan pa kasi ako " sagot ni Justin at napakamot sa batok nya.

" ahh ganun ba, " saad na lamang ni Sejun.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon