38th Station

244 19 3
                                    

Justin's

Pagkabukas ng pinto, agad ko siyang niyakap. Kumawala naman ako sa yakap at hinawakan ang likod niya.

" bakit ka andito?! " tanong nya at agad sinara ang pinto. Tinulak nya ako ng konti at hinatak papuntang sala. Agad kaming umupo sa sofa.

" oh wag kang magagalit, ngayon lang ulit ako nagpunta rito " sagot ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at napatawa nalang ako. Sobra talaga siya kung mag-alala kapag dumadalaw ako sa kanya rito.

" oo na pero kahit na, baka-- " bago nya pa matapos ang sasabihin nya, sumingit agad ako. Alam ko na naman kung san to hahantong.

" masundan? " marahan ko naman siyang inilapit sakin at niyakap ang bewang nya. Sinimulan ko namang hipuin ang buhok nya.

" mahal naman.. wala kabang tiwala sakin? nag-iingat ako pramis " saad ko sa kanya at itinaas pa ang kaliwang kamay ko para magmukhang nanunumpa sa kanya.

" meron naman mahal.. " sagot nya sakin at ngumuso.  Bakas parin sa kanya ang pag-aalala.

" eh ayun naman pala ih , wag ka nang mag-alala, chin " saad ko at napatigil ang pag hipo ko sa buhok nya nang mapatingin siya sakin. Nginitian ko nalang siya.

" aba, chilong " tawag nya sakin pabalik. Napatawa nalang kaming dalawa.













" chilong, dali naaaaaa " lumayo muna ako sa kanya sandali at nagpuntang kusina para kumuha ng tubig. Nako, pinagpapawisan ako.

Narinig ko naman siyang papunta sa kusina. Bumibilis pintig ng puso ko. Patuloy naman ako sa paglagok ng tubig.
Naramdaman ko namang pagyakap nya sa likod ko.

" chiloooong " tawag nya sakin. Napapikit naman ako at hinarap sya. Hinawakan ko naman ulo niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

" b-bakit kasi chilong? " tanong ko sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Naririnig nya kaya bilis ng pintig ng puso ko?

Kumawala naman siya sa yakap at tumingin sakin. Hindi ako makapaniwalang kami na. Akalain mo nga naman , nasabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko.

" chinitong.. malaki ilong " sagot naman nya sabay pindot sa ilong ko. Napatawa naman ako, grabe iba talaga kapag mautak ang girlfriend mo.

Napatingin naman ako sa paligid at nag-isip ng maaari kong itawag sa kanya. Marahan ko naman siyang hinatak palapit sakin.

" hmm, kung ako si chilong, edi ikaw si ... chin ! " saad ko sa kanya at niyakap siya. Tinulak nya naman ako na ikinagulat ko. Nakita ko siyang nakanguso.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now