Picture of Destiny(Comida Ráp...

By knee-suh

231 20 0

•THIS IS AN ONGOING STORY• Comida Rápida is a Fast Food Chain Series. Apollo Keegan, a man who owns everythin... More

Picture of Destiny
Prologue
Chapter 1 - Travel
Chapter 3 - Wish
Chapter 4 - Boyfriend
Chapter 5 - Girlfriend
Chapter 6 - Stalker
Chapter 7 - Peace Offering
Chapter 8 - Fall
Chapter 9 - Drunk
Chapter 10 - Ticket
Chapter 11 - Concert
Chapter 12 - Chance
Chapter 13 - Truth
Chapter 14 - Trust
Chapter 15 - Reason
Chapter 16 - Date
Chapter 17 - Huli pero hindi kulong
Chapter 18 - Unworthy

Chapter 2 - Call me

15 1 0
By knee-suh

Call me

"Ninong gwapo, do you see that girl? I think she's taking a picture of you" ang ingay naman nitong bata na ito, dahil wala akong kasama ako ang nagbabantay dito.

"Shhh, hayaan mo na siya. Alam mo naman ang ninong mo masyadong gwapo" pinatahimik ko na muna siya dahil nakakahiya naman kung marinig ito nung sinasabihan niya at baka mamaya ay maling akusasyon pa ang sinasabi nitong bata na 'to.

Napadaan kami sa ferris wheel, huminto ako para tignan ito. Dito niya sinabi kung gaano niya ako hindi kagusto. Dito nagtapos ang lahat.

"Kai, I like you" I say when we are at the top of this ride.

Busy siya sa kakatingin sa paligid dahil gustong gusto nito sa mga matataas na lugar.

"Huh? Baliw ka ba?" Tinawanan niya lang ako at ibinaling na ulit sa paligid ang kaniyang tingin.

"KAI I LIKE YOU SO MUCH!" Sinigaw ko pa ito, nakakainis naman at ayaw niya akong paniwalaan mas pinili niya pa na tawanan ako.

"Apollo alam mo naman na hindi tayo talo" she's calm, ganun lang ang naging reaksyon niya.

"Bakit naman? We're friends and we know each other for a long time of period." Ano pa bang kulang sa akin kaya hindi niya ako magustuhan? Papalit palit naman siya ng boyfriend pero parang kahit minsan ay hindi niya ako nakita.

"And that is the reason Apollo, kapag kaibigan ko hanggang kaibigan ko lang. Hindi na pwedeng more than friends, saka sayang ang pagkakaibigan natin kapag nagkataon" hindi ko alam pero hindi ito magsink in sa utak ko, so kapag kaibigan hindi talo? Sana pala hindi ko na siya kinaibigan kung ganun, akala ko mas mahuhulog siya kung uumpisahan ko sa pagiging magkaibigan pero nonsense din pala.

Natahimik nalang ako, ang tagal ko na plinano ito kasi akala ko may pagasa pero wala pala, kahit anong tagal ng plano mo, kung hindi ka gusto hindi ka talaga gusto. But I accept it dahil lahat naman ng tao ay nararanasan na mareject sa buhay nila.

"Just find someone Apollo, I'm not the one your needing. Hindi tayo para sa isa't isa, ramdam ko 'yun. At ayoko naman na paasahin ka na may pagasa tayong dalawa kasi hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin ko sayo. You're special because you're my friend but I can't give you the thing that you want, I can't give you the relationship that you want" sakto na pababa na kami ng natapos niya ang sasabihin niya.

Pagkababa niya ay iniwan niya nalang ako, alam kong mali na umamin ako dahil naging awkward siya sa akin pero kinuha ko pa din ang oportunidad kasi wala namang masama kung may pagasa o wala pero sinira ko 'yung pagkakaibigan namin.

I think it's been 8 or 9 years since she rejected me. Oo masakit kaya hindi ko ni minsan binalak na bumalik dito kasi dito kami nasira ng dahil sa katangahan na ginawa ko.

I know to myself that I moved on from her but other people believe that I can't commit with other girls because I'm still inlove with her. But the truth is I can't find the one.

I don't want to be in a relationship right now kung hindi naman ako siguradong iyon talaga ang babae na para sa akin. I don't want to love someone again hanggang wala na naman matitira sa sarili ko at malalaman ko sa huli na hindi na naman ako gusto.

"Uhm hi," napabalik ako sa reyalidad at tinignan ang babae na nasa harap ko. Ngunit bakit parang may mali? Parang tumigil ang mga paligid ko, bakit siya lang ang nakikita ko?

I stare at her pati na din sa panyo na inaabot niya sa akin. This girl is gorgeous, she's wearing a black plaid dress that makes her wonderful and her hair is curly, I like that because it looks more natural and it makes her to look simple. Dumagdag pa sa dating niya ang mickey mouse headband na suot niya.

Pero napaisip ako kung para saan ba 'yung panyo na 'yun.

"What do you want me to do with that handkerchief?" Sagot ko dito na ikinagulat niya naman.

"You're crying while standing here. I pity you because you look stupid" inilahad niya pa din sa akin ang panyo niya.

I look stupid? Saka umiiyak ako? Hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga ito. Lumapit siya bigla sa akin.

"Don't use your hand while wiping the tears in your face, it's not safe. You're not sure if your hands are clean" namilog ang mata ko ng todo na ang lapit niya sa akin at siya pa mismo ang nagpunas ng mga luha sa mukha ko gamit ang panyo niya.

Gusto ko siyang itulak pero babae ito at nagmamagandang loob lamang sa akin. Tinitigan ko siya at nalaman ko na singkit ang kaniyang mata, may mahahabang pilik mata at makapal na kilay, maliit na ilong na bumagay lang naman sa korte ng kaniyang mukha at ang labi niya ay tila ba nakalipstick dahil sa pula nito, pero parang may kamukha siya. Ipinilig ko nalang ang ulo ko dahil narealize ko kung sino ang kamukha niya o baka namamalikmata lang naman ako.

"There, it's clean now. So why are you crying while looking at the top of that ride? Are you broken hearted and you remember your happy things with her in that ride?" Tinignan niya na ang ride na tinitignan ko kanina din.

Chismosa ba 'to? Hindi ko alam na ang mga ibang lahi din pala ay may lahing chismosa ha at talagang dito pa siya sa disneyland nakichismis.

"Ano bang paki mo?" Mukha naman kasing hindi siya Pinay kaya hindi niya ito maiintindihan. Kasi naman hindi niya na dapat pinapakialamanan 'yun, alam kong madami ang nakapansin sa akin habang nakatingin sa ride na 'yun pero siya lang ang namumukod tangi na lumapit sa akin.

Crush ba ako nito? Iba talaga ang kamandag ng isang gwapo.

"Attitude ka ghorl? Ako na nga itong concern sayo" nawindang naman ako dahil nakakaintindi at nagtatagalog din pala ito pero hindi ko ito pinahalata. Naiinis na ata sa mga sagot ko.

"Hindi ko naman kailangan ng taong magiging concern sa akin" nakita ko ang pasimple niyang pag-irap sa akin.

Hindi ka nagtagumpay no kaya iniirap irapan mo nalang ako. Kahit kailan talaga wala ng naidulot na maganda sa akin ang disneyland. Dineyland baka naman kahit isang good memory lang diyan.

"Oh edi wag! Ang arte mo!" Tatalikod na sana siya ng may maalala siya kaya hinarap niya ulit ako.

"Oh ayan calling card ko ha, just call me when you have a problem. Kahit na attitude ka ayoko naman na bigla ko nalang malalaman na nagbigti ka dahil sa problema mo." Ihinagis niya sa akin ang calling card niya at sinalo ko naman.

"Okay, I'll call you later baby" napatigil siya sa paglalakad para tignan na naman ako ngunit ngayon ay masamang tingin na kaya natawa ako sakaniya.

Tinanggal niya ang headband niya at ibabato sana sa akin ngunit ibang tao ang tinamaan niya.

"OMG, i'm sorry sir I don't intentionally threw it directly to you" humihingi na siya ng paumanhin.

"No, you intentionally threw it to him. Do you want to get the attention of my boyfriend?" Yung babae ang sumagot sakaniya e hindi naman siya yung natamaan. Pabida ka?

"Hey excuse me, what happened babe?" I asked her ng makalapit na ako at ipinulupot ko sa bewang niya ang kamay ko. Pakiramdam nitong babae napakagwapo ng boyfriend niya e mukha ngang bibe.

"Your girlfriend want to get the attention of my boyfriend!" Nakakaumay naman sinasabi nito.

"Is that true babe?" Pwede na siguro akong best actor dahil sa ginagawa ko ngayon.

"Ofcourse not, your attention is all I want" kailangan na namin ng award galing sa Famas award.

"Do you hear that? Don't judge my girlfriend because of that. You and your boyfriend passed by, so she unintentionally threw it to him. Your too assuming miss. Your boyfriend is not even handsome and you have the guts to accuse others that they want his attention?" Tinignan ko pa ang boyfriend niya mula ulo mukhang paa.

Kinurot naman nitong isa ang tagiliran ko kaya tinignan ko siya, sinamaan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na 'wag siyang magulo.

"What the hell are you saying?" Oh bakit ka magrereact ngayon? Jowa mo nakatulala nalang sa akin. Narealize na ata kung sinong tunay na gwapo sa aming dalawa ng boyfriend niya.

"What the hell? Go get some mirror and you'll see what the hell look like" umamba siya na sasapakin ako pero inawat siya ng girlfriend niya.

Hinila ko na paalis itong pabida na 'to, napasabak pa 'ko sa englishan at away ng dahil sakaniya.

"Go get some new boyfriend, your boyfriend is too ugly like his personality" sigaw ko pa sa babae ng makaalis na kami.

"Baliw ka" tignan mo pagkatapos ng nangyari ay tinatawanan niya na ako.

"Kasalanan mo 'to kung hindi ka nagbato ng headband mo, edi sana walang naging gulo!"

"Ikaw kasi kung ano ano ang sinasabi mo pero pasensya na din. Pwede mo ng alisin yung kamay mo sa bewang ko, masyado ka na atang nageenjoy" tinignan ko ito at tinanggal bigla ang kamay ko dito.

"Asa ka nalang, ni hindi nga kita type kaya paano ko maeenjoy" assuming naman din pala 'to parang yung girlfriend nung lalaki kanina pero mas maganda naman siya dun.

"The feelings is mutual, hindi din kita type. Sino ba naman magkakatype sa mukhang unggoy?" Tumakbo na siya palayo sa akin.

WTF?!?!

Nung mawala na siya sa paningin ko, saka ko lang din naalala ang alaga kong bata.

Tangina Apollo bobo ka ba? Paano mo nakalimutan na kasama mo si Dalia? Mapapatay ka ng magasawa dahil sa katangahan na ginagawa mo.

Bumalik ako sa naging pwesto namin kanina, hindi ko alam kung wala na ba siya sa tabi ko nung nakita ko 'yung babae kanina pero wala na akong paki dun, basta ang kailangan ko ay mahanap si Dalia bago siya hanapin ng magulang niya sa akin.

"Hi, did you see this little girl?" Nagtatanong ako sa mga tao dito habang pinapakita ang picture nung bulinggit.

Mapapatay talaga ako ni Jira nito ng dahil sa pagdadrama ko nawala ko ang anak niya.

Naglibot libot pa ko dahil baka kung saan lang naman ito nagsumiksik, gusto ko na ngang baligtarin ang disneyland kung pwede lang.

"Shit! Nasan na ba yung bata na yun?" Mapapasabunot ka nalang talaga sa sarili mo kapag nakaramdam ka ng frustration.

"Ninong gwapooo" narinig ko ang sigaw nito kaya napatayo ako at inilibot ang tingin ko sa paligid.

Buhat siya ng isang babae habang palapit sa akin, tinakbo ko naman ang distansya namin para malapitan siya.

"Jusko na bulinggit ka saan ka ba nanggaling?" Hindi ko na inalintana ang may buhat dito basta niyakap ko ang inaanak ko.

"Uh excuse me Mr.Unggoy" narinig ko na nagsalita ito dahil kasama pala siya sa niyayakap ko.

Ngayon ko lang napansin na siya pala yung babae na nagbibigay sa akin kanina ng panyo.

"Sabi na mangunguha ka ng bata! Habang naguusap tayo ay unti unti niyo ng kinukuha si Dalia!" Pagalit kong saad dito at binawi ang bata sakaniya dahil baka mamaya ay itakas niya pa.

"What the fuck are you saying? Ako na nga yung nagmagandang loob para tulungan yung bata na hanapin yung kasama niya tapos ako pa mapagbibintangan" bigla naman akong nabahala sa sinabi niya.

Nagmagandang loob na siya tapos sinisisi ko pa, ano ka ba naman Apollo.

"Are you fighting?" Ibabalik ko na talaga 'to sa pinagmulan niya, baka tumanda akong binata sa bata na ito.

"No baby, we are just talking to each other" hinaplos nito ang mukha ni Dalia, mukhang malapit siya sa mga bata dahil mabilis niya napasama sakaniya itong bulinggit.

"Ninong gwapo, see this" pinakita niya ang headband niya sa akin ang isa na headband ay nakasuot sakaniya at ang isa naman ay hawak niya.

"Tita Destiny, buy this for me and we also buy for you" madali niyang naisuot sa akin ang headband na hawak niya.

Humagikgik siya ng maisuot sa akin ito, gusto ko sanang tanggalin pero ang KJ ko naman kung ganun.

"Thank you Tita Destiny for this and for helping me, ninong gwapo you should say thank you too" paladesisyon talaga ito, magpapasalamat naman ako pero pinangungunahan ako.

"I'm sorry for what i've said earlier, i'm just problematic because of this little girl. And I want to say thank you for helping Dalia to find me" I smiled at her, sana naman ay hindi na siya mainis pa sa akin.

Hindi ko naman kasi sinasadya, halos mabaliw lang talaga ako kakahanap sa bata na ito.

"Apology accepted but next time don't judge other people easily. And you should not also stress yourself too much, masama 'yan sa kalusugan" she pat my shoulder.

"You two are bagay" napabaling kami dahil sa sinabi nito.

"Anong bagay sinasabi mo dyan bata? Tao kami" nakita ko naman ang pag-iling ni Destiny daw habang nakangiti.

"By the way, i'm Apollo" inabot ko ang isa kong kamay sakaniya. Tamang pakilala lang para makumpirma ko na ang pangalan niya.

"I'm Destiny" tinignan niya lang ang kamay ko na akala mo ay may dumi pero hindi ko ito ibinaba.

"'wag ka magalala wala 'yang bacteria doc" napatawa ako ng mapakla.

Inabot niya naman ang kamay niya, hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya pero natanggal niya pa din dahil mapilit siya.

"So ano mauna na ako? Nahanap mo na ang ninong mo e" pagpapaalam niya kay Dalia.

"Goodbye Tita Destiny, I hope we see each other again" she said habang nagfaflying kiss pa.

I also hope that we can see each other again, Destiny.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...