" naks, akalain mo yon ! nakagraduate ka Micko " pang-aasar ni Yuki kay Micko. Nagcecelebrate sila ngayon dahil kakagraduate lang nila Micko, Yuki at Justin.
" sabi ko naman sa inyo e, kayo lang itong walang tiwala sakin " sagot ni Micko. Napangiti na lamang ang magkakaibigan.
" buti nga kayo graduate na, kami isang taon pa " mangiyak-iyak na saad ni Caryll habang pinaglalaruan ang kinakain nyang samgyupsal at sinubo. Umarte namang umiiyak si Caryll. Kaya natawa naman lalo sila. Inakbayan naman siya ni Yuki at inilagay nya ulo nya sa balikat ni Yuki.
" sayang wala si Engineer, busy " saad bigla ni Micko. Napatango naman ang magkakaibigan. Hindi pa ganap na Engineer si Zai. Engineer lang tawag nila dahil magiging Engineer narin siya after nya makapasa ng exam.
Rein's
" Gusto nyo soju? " tanong bigla ni Micko. Nagulat naman ako. Hindi ako umiinom. Hindi rin ako pala inom. 18 na ako pero hindi ako umiinom.
Bigla namang nag-order ng soju si Micko. Naeexcite naman sila Bry at Caryll. Iba talaga tong mga babaeng ito. Hindi naman sila lagi-lagi umiinom pero yun nga, malalakas rin sila uminom.
Pagkadating ng soju sa table namin, bigla naman silang nagsihiyawan. Mga tuwang-tuwa sa soju. Iba nga naman talaga impact ng soju sa kanila noh
Tinitignan ko lang sila habang naglalagay ng soju sa maliit na baso. Mapait yan. Nakikita ko sa itsura ng mga actors sa kdrama. Mukha talagang matapang. Tsaka sa amoy palang, alcohol na alcohol amoy.
Umiikot na ang tagay, tama ba? tagay bayun? pasensya na hindi ko alam
Naglagay naman ng soju sa baso si Micko at umikot sa akin. Inalukan nya ako. Umiling naman ako kasabay wagayway ng mga kamay ko.
" nako, di ako umiinom " saad ko. Bigla naman silang nagsihiyawan at tumingin nang di sila naniniwala sakin.
" sige na Rein, isa lang " panghihikayat ni Bry sakin. Aba gaga talaga to, alam na hindi ako umiinom.
" sige naaa, inom naa isa lang dali " pamimilit nila. Natatakot naman akong kuhain ang baso. Bago ko pa kuhain yung baso, bigla naman tong kinuha ng katabi ko at ininom. Nakita ko namang ininom ni Justin yung soju.
" oooooohh " nagsihiyawan naman sila nang i-bottom's up ni Jah yung soju. Napatitig pa ako sa ginawa nya. Yung Adam's apple nya, habang nilagok nya yun. Takte, Rein ! ano ba yang iniisip mo ha
Napabalik ako sa wisyo nang pumanget itsura nya, agad naman akong kumuha ng karne at binalot sa lettuce. Binigay ko naman sa kanya yung samgyupsal. Nag-aalala naman akong tumingin sa kanya. Alam ko kasi hindi siya umiinom.
" grabeeee may pa bottom's-up si Jah , strong naman " saad ni Micko. Nag-alala naman ako. Baka mamaya malasing to.
Justin's
" Rein, iuuwi na kita. Kailangan mo nang umuwi " saad ko sa kanya habang pilit syang inaaalalayan.
Tinabig nya kamay ko at humarap sakin.
" k-kaya ko Jah, bitaw ! kaya ko relax. Diretso , diretso, diretso " saad nya habang pagewang-gewang na naglakad. Tinitigan ko nalang siya. Oo, nalasing siya. Nakailang baso rin siya ng soju. Napatakbo naman ako sa kanya ng may paparating na sasakyan. Binusinahan naman sya at natumba siya.
Tumabi naman ako sa kanya at inalalayan syang tumayo. Inalalayan ko naman na siyang maglakad. Medyo mataas pala tolerance nya sa alcohol.
Natapat na naman sakin ang baso, nakatatlong baso na ako. Sa tingin ko namumula na mukha ko. Hindi ako palainom na tao.
Kukuhain ko na sana yung baso nang hilahin to ni Rein at inumin ang laman neto. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.
" Rein ! Rein ! Rein ! " hiyaw nila ng inumin nya ang soju. Agad ko namang nilayo sa kanya yung baso.
Lahat ng baso na natatapat sa kanya ay iniinom nya. Maging yung basong natapat sakin. Nakailang ikot na ang baso . Mukhang inaantok na siya. Bigla naman siyang napayuko. Agad kong hinawakan ang ulo nya at inangat dahan-dahan. Mukhang lasing na siya.
Agad ko namang inayos gamit ko at gamit nya. Iuuwi ko na siya.
" mauuna na kami, lasing na si Rein " saad ko sa kanila. Pinipigilan pa nila ako pati si Rein. Pero hindi, hindi na to iinom.
At ngayon, akay-akay ko sa pag-uwi itong si Rein. Habang akay-akay ko siya, bigla naman siyang naduwal. Nako , wag rito Rein, please wag.
Nakaupo kami ngayon rito sa bench. Napahinga naman ako ng malalim habang tinitignan si Rein. Hinihintay namin ang grab. Magga-grab na kami, hindi kami pwedeng magcommute ng ganito siya. Nakainom siya at medyo gabi na.
Pinanguya ko siya ng mint gum. Oo, nagsuka sya sa gilid ng kalye. Pero agad ko namang binihusan ng tubig yun dahil sa kanal sya nagsuka.
Naramdaman ko namang bumagsak ulo nya sa balikat ko. Napatingin nalang ako sa kanya at napatingiti. Hay nako. Napailing nalang ako.
" Jah, " biglang tawag nya. Napatingin naman ako sa kanya.
" hmm " sagot ko habang patingin-tingin sa phone ko dahil inaantay namin yung grab. Inangat nya naman ulo nya. Napatingin naman ako sa kanya.
" alam mo nakakainis ka " saad nya sabay nguya ng mint gum na binigay ko sa kanya. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Napakunot naman noo ko.
Bigla syang nagcrossed arms.
" ang tangkad mo,
napakagwapo mo,
napakatalino mo at napakabait mo " saad nya sakin at binagsak ulit ulo nya sa balikat ko.
S-sinabi nya bang gwapo ako?
Naramdaman ko namang nag-init mga tenga ko at bumilis tibok ng puso ko.
" you're almost perfect, " dugtong nya pa.
Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
Bumibilis tibok ng puso ko.
Ito na naman sila, parang mga nagwawala sa loob ko.
Pwede bang magsikalma muna kayo?
Nagpapalpitate na ako rito.
Inangat nya ulit ulo nya at tumingin sakin.
" ayan tuloy na-inlove ako sayo " saad nya sabay hampas sa braso ko. Nanlaki mata ko sa mga sinabi niya.
i-inlove?
Dinantay nya naman baba nya sa balikat ko habang nakatingin ako sa kanya.
Hinawakan nya mukha ko.
" gusto kita, gusto kita Justin, " saad nya at biglang bumagsak ulit ulo nya. Agad ko namang nasalo.
GUSTO NYA AKO?
S-SINABI NYA BANG GUSTO NYA AKO?
NARAMDAMAN KONG NAG-IINIT PISNGI KO.
GUSTO AKO NI REIN?
ITO NA NAMAN SILA. NAHIHIRAPAN AKONG HUMINGA. ANG BIGAT NG DIBDIB KO. REIN, TOTOO BA SINABI MO?
Napabalik ako sa wisyo nang makita kong dumating na ang grab taxi. Agad ko naman siyang iniangat at tinignan siya. Nakatulog na pala siya. Dahan-dahan ko siyang binuhat papunta sa taxi.
Habang nasa byahe, nakasandal lang ang ulo nya sa balikat ko. Napatingin nalang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya kanina. Natutulala parin ako. Talaga bang gusto mo ako, Rein?