Next Station : I Love You (...

By ulan_44

13.1K 793 39

Totoo nga ba na ang mga tao ay itinadhana para sa isa't-isa? Saang estasyon mo kaya matatagpuan? More

Prologue
1st Station
2nd Station
3rd Station
4th Station
5th Station
6th Station
7th Station
8th Station
9th Station
10th Station
11th Station
12th Station
13th Station
14th Station
15th Station
16th Station
17th Station
18th Station
19th Station
20th Station
21st Station
22nd Station
23rd Station
24th Station
25th Station
26th Station
28th Station
29th Station
30th Station
31st Station
32nd Station
33rd Station
34th Station
35th Station
36th Station
37th Station
38th Station
39th Station
40th Station
41st Station
Epilogue
Thankyou !
Cupid Station (Special Chapter)

27th Station

226 13 2
By ulan_44

Justin's

" uy akin na kasi yan " saad ko habang kinukuha sa kanila yung picture.

" oohhh, ikaw ha jah ahh " pang-aasar ni Ken sakin at pinasa kay Stell. Nanlaki naman mata ni Stell sabay takip ng bibig.

" akin na kasi, " saad ko at napanguso nalang. Kasi naman Justin e bakit kasi di ka maingat?

Kasi ganito yon, nag-aayos ako ng bag ko tapos nalaglag pala yun nang hindi ko alam at ngayon inaasar nila ako at ayaw ibigay sakin.

kapag yan napunit, sumbong ko kay mommy
joklang.

" Josh oh, tignan mo to " nanlaki mata ko nang biglang pumasok si Josh at pinakita sa kanya yung picture.

" uy, ano yan " biglang singit ni Sejun at napatakip rin ng bibig.

" ang OA nyo namaaaan " saad ko at lumapit sa kanila. Tinignan ni Josh yung picture. Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Agad ko namang kinuha yung picture at itinago na sa kanila.

" kanina nyo pa to pinapagpapasahan e, " saad ko at naglakad pabalik sa bag ko. Itinago ko naman na yung picture.

Nagsimula na kaming magpractice. Sumobrang busy naming ngayon.
Puro events, ineexpose kami sa events.
Todo practice rin kami ngayon, 9 hrs practice. Araw-araw.

New day. New routines.
Ganun lang araw-araw.
It's been a month nung huli kaming magkita ni Rein.

Nakahanap na siya ng trabaho nya. Sa isang shop, bubble tea shop. Minsan gusto ko siyang bisitahin doon kaso di kaya ng schedule ng training/ practice namin. Isang buwan nalang rin, new school year na.
4th year na ako, malapit na grumaduate. Sana maging maganda ang last year ko as a college kahit alam kong mahirap.

" 5,6,7,8 " bilang ni Stell habang nagpapractice kami. Panglimang beses na practice ngayong araw. New routine for upcoming event this weekend. Dalawang songs pa yung nirerehearse namin ngayon. Isang sing and dance at yung isa, sayaw lang. Nakakapagod syempre pero dahil passion ko ito at naeenjoy akong gawin to parang mawawala nalang pagod mo.

" hindi, kabila, sa kabila Sejun, " saad naman ni Stell at umusog naman si Sejun. Si Stell ang incharge sa steps. Kahit sya Main Vocalist namin, siya parin ang nagtuturo ng steps samin. Choreography director ba.

" osige, isa pa, 5,6-- 5,6,7---- " naputol ang pabibilang ni Stell nang tumingin siya sa pinto at biglang pumasok si Teacher Hong.

" boys, can I talk you all for a while? " tumango kami at huminto muna sa pagpapractice. Agad naman kaming lumapit kay Teacher.

" so the event will move to next weekend, the organizer just called a while ago. " tumango naman kami sa balita ni teacher.

" tomorrow, we will go to meet the organizers to know more details on how you'll participate and perform to that certain event. " paliwanag pa nya. Nakatitig lang kami sa kanya at nakikinig.

Next week pa pala yung event? sana pauwiin na kami huhu
9 p.m na , actually, di pa kami nagdidinner. Dahil this weekend nga dapat yung event kaya todo practice kami.

" so, maybe tomorrow I wouldn't observe and evaluate the routine. You can take your rest now boys, and tomorrow, I guess no practice for the meantime. You work hard so much these days. I will give you all some free time tomorrow. Arasseo? " Napangiti naman kami at tumango. Pagkatapos, umalis narin agad si Teacher Hong.

" hays salamaaaaaaaat " saad ni Stell at napaupo. Sobra-sobrang practice ginawa namin ngayon dahil new routine ginawa namin. Nakakatuwa na namove yung event , binigyan pa kami ng pahinga ngayon.

" sa wakaaaaaas " rinig ko namang saad ni Sejun at kumuha ng tubig sa bag nya.

Napaupo nalang kami at nagpapahinga.
Napapikit nalang ako sa sobrang pagod. Wala kami halos tulog. Maaga ang calltime namin tapos late na uuwi. Babyahe pa. Alam nyo ba si Ken at Sejun? dito na sila natulog nung nakaraan. Sinamahan na nga sila ni Josh kahapon, dito sila natulog. Parang overnight lang ang dating di ba? pero kailangan nila kesa bumyahe pa. Balak ko rin dito nalang matulog sana ngayon pero since nalipat ang schedule ng event at walang practice bukas, makakauwi ako.

" makakauwi ka na ken " saad ni Stell. Natawa naman kami, dahil nga dito na siya natulog sa dance studio para di malate. Lagi pa naman syang late magising .

" makakatulog na rin ng mahimbing sa bahay sa wakas " sabi naman ni Ken at sumandal sa pader.

Di pa kami nagdedebut ganito na agad, syempre trainee parin kami. Konting tiis nalang.



















Pagkapasok ko, tumingin ako sa paligid. Anlaki pala talaga nung shop, ang ganda rin ng ambiance. Ang gaan sa pakiramdam. Dumiretso ako sa counter nang di ko makita ang hinahanap ko.
Umorder naman ako ng maiinom ko.

" what's your name sir? " napangiti nalang ako sa tanong nya.

" Jah " sagot ko at napatingin naman sya sakin. Nanlaki mata nya nang makita ako.

" Jah! " napasigaw sya at napatahimik rin.
Agad naman syang kumilos para asikasuhin yung order ko.

" sayo yan, " saad ko at iniabot sa kanya yung inumin. Napangiti nalang sya. Hays, nakakamiss naman makita yang ngiti mo.

" napadaan ka rito? o may pinuntahan ka? " tanong nya sabay inom ng inuming binigay ko sa kanya.

" bumisita ako, wala kasi kaming practice ngayon" paliwanag ko sa kanya. Napangiti naman ulit sya.

" oo nga noh, kaya pala di umalis si kuya." saad nya at muling humigop sa straw.

" ang ganda rito, medyo malayo sa bahay nyo to ah " saad ko at inikot ko tingin sa buong shop. Ang ganda.

" nako ayos lang , kaya naman sa byahe " sagot nya.

" musta ka naman rito? " pagkakamusta ko sa kanya. Agad naman niya binaba yung iniinom nya.

" ayos naman, mababait at maasikaso nga tao rito. Kahit boss ko " sagot nya. Napalagay naman loob ko.

" hanggang anong oras ka rito?? " tanong ko pa ulit. Tinignan nya naman orasan nya, at tumingin sakin.

" mayang 6pm pa  " saad nya at napatango naman ako.

" Rein, pahatid naman sa table 14 " saad sa kanya ng babaeng nasa counter.

" ah Jah, sandali lang ah , back to work na ako " saad nya. Agad naman siyang tumayo kinuha ang tray na may lamang inumin at pumunta na sa table ng customer.

Ang ganda ng taste ng may-ari neto. Simple lang, pero may dating sa customers. Hmm,

                           (© to Pinterest)

Ang ganda ng mga ilaw. Instagramable. Kumuha ako ng ilang litrato at binalik atensyon ko sa iniinom at kinakain ko.

Tinignan ko naman yung inumin ni Rein, di pa masyado bawas. Napatingin nalang rin ako sa kanya. Sobrang sipag nya magtrabaho, ngini-ngitian nya bawat customers na pinaglalapagan nya ng order. Ang bright talaga ng personality nya. Alam mo yun, parang sunshine ang dating. Yung tipong ikaw na may dalang sariling madilim na langit sa sobrang lungkot tapos bigla syang darating at magiging masaya ka ganun. Parang ganun feeling ko kapag kasama ko siya.











Nasa labas ako ng shop at hinihintay kong matapos shift ni Rein. Akala nya ata nakaalis na ako pero hindi, lumabas na ako ron dahil ubos na yung inorder ko. Nakakahiya namang tumambay doon nang walang ginagawa.

Pasilip-silip ako dahil baka lumabas na siya. At sa muling pagsilip ko, nakalabas na siya. Agad ko siyang nginitian at kinawayan. Napahinto naman siya at nagulat ng makita ako. Agad naman siyang tumakbo palapit sakin.

" akala ko umuwi ka na " saad nya. Nagulat nga sya. Kinuha ko naman yung handbag na suot nya at sinuot sa balikat ko.

" di pa , iniintay ko nga na matapos shift mo e " sagot ko. Napatingin naman ako sa kanya.

" hmm, kain tayo, saan mo gusto? " tanong ko sa kanya. Napaharap naman siya sakin.

" libre mo? " tanong nya. Natawa naman ako sa tanong nya at natawa rin siya.

" biro lang " saad nya sabay tawa. Inakbayan ko naman sya at hinawakan ulo nya.

" oo , lagi kong sagot basta ikaw " natatawa kong sambit at narinig ko yung tawa nya. Naglakad naman na kami.

Langiya.
Nalipat na ba Malabon Zoo sa tiyan ko?

" jah, kain tayo non " saad nya sabay turo sa kung saan. Agad ko namang tinignan yung tinuro nya. Tusok-tusok.
Sandali, turo-turo? tusok-tusok? basta yung mga kwek-kwek ,bola-bola ganun tinda

" gusto mo ba nun? " tanong nya sakin.

" ayos lang sige , kain tayo nun " sagot ko at hinila siya papunta doon sa nagtitinda.

" alin ba gusto mo? kwek-kwek? " tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

" kuya, magkano kwek-kwek? " tanong ko kay manong.

" tres isa " sagot ni kuya. Pagkasabi nya nun, nilabas ko wallet ko at kumuha ng pera.

" bente piraso nga po, " saad ko kay kuya at binalik wallet ko sa bulsa ko. Agad namang kumuha ng baso si kuya.

" kuya, pahati po sa dalawa. bali tig-sampu po " dugtong ko. Habang hinihintay namin ni Rein yung kwek-kwek.

Naramdaman ko namang paghimas ni Rein sa likod ko.

Nanlaki mata ko.

Niyakap nya ako.
Sabay dantay nya sa balikat ko.

Kupido, Rold. Bakit po ganito?

Rein, wag ganyan uy. Di kumakalma puso ko. Naninikip dibdib ko, hindi ako makahinga. Nag-iinit pakiramdam ko. Sobra akong kinakabahan.

" R-Rein, anung ginagawa m-mo? " bulong ko sa kanya. Bakit ka nauutal Justin?
Huwag kang magpahalata.

Maya-maya, inabot nya wallet ko sakin. Kinuha ko naman to.

" iho, ito na yung sa inyo oh " saad ni manong. Nabalik ako sa katotohanan ng magsalita si kuya. Agad kong kinuha yung baso at nagbayad kay kuya.

Nakayakap parin si Rein sakin.













" muntikan ka nang madukutan jah " bulong nya sakin. Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. Natulala ako.

" Jah? ayus ka lang ? uy " saad nya. Nabalik  na ulirat ko nung magsalita sya. Agad ko namang inabot sa kanya yung kwek-kwek.

" Jah? ayus ka lang ba? namumula ka " nanlaki lalo mata ko nung sinabi nya yon.

" o-oo, " langiya Jah, maganda yan. Mautal-utal. Ayos yan.

" Sigurado ka? " tanong nya. Napaharap naman ako sa kanya at tinitigan sya.

" Sa totoo lang, hindi talaga. Kasi niyakap mo ako, di ko alam gagawin ko. Hindi ako okay Rein, hindi. " saad ni Justin sa sarili nya.

" hmm, lika? gusto mong maiinom? " pag-iiba ko ng usapan. Ayaw ko na ng ganitong pakiramdam, buti nakakapagsalita pa ako.

" sigeee " saad nya at naglakad na kami paalis.

Continue Reading

You'll Also Like

wrong move By v.

Fanfiction

47K 2.2K 172
yang jungwon, secret natalie jung's man of her dreams. she was his long-time secret admirer since they are in junior high school. entering college, f...
5.1K 293 46
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Can you comeback to me once again?❞ ➳In which he wrote letters to get her for the second time ➤ Hong Jisoo x Myoui Mina [𝙻𝚎...
312 63 28
𝐴𝑘𝑖𝑟𝑎 𝐻𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑠 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑎𝑛 𝑜𝑟𝑑𝑖𝑛𝑎𝑟𝑦 𝑔𝑖𝑟𝑙. 𝑁𝑜𝑡 𝑡𝑎𝑙𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑜 𝑚𝑢𝑐ℎ 𝑎𝑛𝑑 𝑤𝑎𝑠 𝑎𝑙𝑤𝑎𝑦𝑠 𝑠𝑖𝑙𝑒𝑛𝑡 𝑛𝑜...
23.5K 1K 82
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝I didn't know that a simple ride will bring me happiness that I have never experienced in my whole life❞ ➳ Wherein Justin de...