Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#24: Offer

4.5K 117 10
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 24: Offer

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Kakalabas ko lang ng classroom namin at sabog na sabog pa yung utak ko dahil doon sa exam namin. Nakakaloka! Hinahanap ko palang sa mga sandaling ito kung nasaan na ang utak ko dahil mukhang tinakasan na ako nun habang nag-eexam kami kanina.

“Gail!” rinig kong sigaw ni Asha. Napatingin ako sa kanya at nasa tabi niya si Darryl. Kumaway sila sa akin at lumapit.

“Uyyy” bati ko sa kanila. Pilit akong ngumiti dahil wala pa rin talaga ako sa huwisyo.

“Ikaw talaga, lutang ka naman. Kanina ka pa kaya namin tinatawag, gaga ka! So kamusta exam? Grabe nangamote ako dun! Hetong si Darryl, easy lang. Nakakairita!” singhal niya. Napatingin naman ako kay Darryl at napanguso.

“Wala eh, genius yan eh” sabi ko at hinampas siya ng mahina. Humalakhak naman siya at bigla akong inakbayan.

“Mahalin mo lang ako, Gail ibibigay ko sa’yo utak ko” pabirong sabi niya at tumawa. Sinamaan naman namin siya ni Asha ng tingin.

“Oy makatingin naman kayo,” aniya at nagpalit-palit yung tingin niya sa amin. “Tss. Kain na nga tayo, libre ko” sabi niya kaya bigla kaming napangiti ni Asha at nag-apir.

“Yes!” sabi naming dalawa.

May sasagot ng lunch ko! Yes!

“O sige na, tara na!” sabi ni Asha at hinawakan na niya kami ni Darryl at hinatak papunta sa hindi ko alam. Panigurado sa mahal na kainan na naman kami hahatakin nito ni Asha, libre kasi ni Darryl eh galante din yung isang yun.

Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin ay sumagi sa isip ko bigla yung party na sinasabi ni Jared sa Sabado. Parang ewan naman yun, bakit ako pupunta dun? Baka pwedeng siya na lang di ba? Huwag na lang niya akong isama kasi hindi naman ako mahilig sa sosyalan at estudyante palang ako samantalang sila mga successful na. Wala akong lugar dun! Pakiramdam ko isang malaking pagkakamali na sumama ako doon.

“Huy! Bakit bigla kang natulala diyan ha?” kalabit sa akin ni Asha, napatingin ako sa kanya at biglang napailing. Kunot noo naman sila ni Darryl na nakatingin sa akin.

“Wa-wala naman, siguro lutang pa rin ata ako dahil sa naging exam kanina ni Miss. Ang hirap kasi talaga eh” pagdadahilan ko. Tinignan muna nila ako sandali tapos ay inalis rin agad, bumuntong hininga ako at tahimik na lang na sumunod sa kanila habang nag-iisip sa kung ano ang mga pwedeng mangyari sa Sabado.

“Uyyyy! Ang yaman talaga ni Darryl! Sa Zark’s tayo ililibre! Taray!” masiglang sabi ni Asha at hinampas pa si Darryl sa braso. Sinamaan naman siya ng tingin ni Darryl.

Napatingin ako sa tapat namin at bigla akong napangiti nung mapagtanto ko na nasa tapat nga kami ng Zark’s. Shet! Parang biglang nawala yung alalahanin ko dahil dito. Mabisa talagang comfort food ang pagkain, lalo na kapag sa mga ganitong mamahaling kainan ka kakain.

“Sino nagsabi?” singhal niya kay Asha at marahang ngumisi “Di ba pwedeng dumaan lang muna tayo dito? Doon ko kayo sa Jollibee ililibre, wag ka na umasa” nang-aasar na sabi nit okay Asha. Pareho kaming napasimangot ni Asha.

“Ang kuripot mo talaga! Bwisit ka!” singhal ni Asha.

“Libre kita diyan ng fries at nachos tapos si Gail ng burger, ayos ba? Huwag ka na daw mag-burger kasi mataba ka na” sabi nito kay Asha at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

Nagningning naman bigla ang mata ko nung marinig kong ililibre niya ako ng burger. Grabe! Kapag heto hindi sineryoso ni Darryl, friendship over na kami! Joke!

“Lilibre mo talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Darryl. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

“Oo naman, hayaan mo na yung isa diyan” aniya at bigla niya akong inakbayan at marahang hinatak palapit sa kanya.

“Ah? Ganyan ha Darryl? Tandaan mo kapag ako nagka-pera, who you ka saken!” singhal ni Asha at tsaka umirap. “Lilibre mo pa yan si Gail eh mayaman naman yung asawa niyan!” dugtong pa niya at bigla kaming napatahimik ni Darryl.

Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko si Jared at lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya. Ngayon, nararamdaman ko na talaga kung gaano kalaki ang naging impact ni Jared sa buhay ko. From the first day I met him, everything change. Everything becomes complicated. Ang normal kong buhay ay tuluyan ng nawala.

Tumikhim na lang si Darryl at tsaka na nauna ng naglakad papasok ng Zark’s.

“Tara na nga” malamig na sabi niya. Nagulat naman ako sa naging biglang pagbabago ng mood niya, kanina masaya siya tapos biglang naging seryoso.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Asha. Nagkibit-balikat lang siya at hinawakan ako sa kamay at tsaka hinatak papasok sa loob.

“Huwag mo na lang pansinin yun, nagseselos lang yun” sabi niya dahilan para lalo akong maguluhan. Bakit naman magseselos yun?

“Alam niyo ang gulo niyong dalawa” bulong ko kay Asha. Napatingin naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

“Hindi kami magulo girl, manhid ka lang talaga” sabi niya at tinalikuran ako.

Ano daw?

 

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kaming kumain at bumalik rin naman sa normal yung aura ni Darryl. Mostly catching up ang topic namin dahil hindi rin kami gaanong nakapag-usap at nakapag-bonding dahil na rin sa naging busy kami. At siempre ako, naging busy sa personal ko na buhay. Si Darryl sa basketball at si Asha sa fansclub kuno namin ni Jared. Ewan ko ba sa kanila kung bakit kailangan pa nilang ipa-uso yun.

“Uy, hihingi sana ako ng tulong sa inyo…” mahina kong sambit. Napatingin naman sila pareho sa akin.

“Kung ipapaubos mo yang burger mo, willing kitang tulungan” nakangiting sabi ni Asha at mukhang kanina pa siya takam na takam sa burger. Paano ba kasi sineryoso ni Darryl yung fries at nachos lang ang ililibre niya kay Asha.

Sinaaman ko na lang siya ng tingin at labag sa loob na iniurong yung plato ko na may lamang burger sa kanya. Gusto ko pa sanang ubusin yun pero naawa naman ako sa kanya.

“Yes! Thank you Gail, ang damot kasi ng isa diyan” aniya sabay baling kay Darryl na mukhang walang pakialam sa kanya. Ang gulo talaga nilang dalawa no?

“Tss” yun na lang ang nasabi ni Darryl.

“Hayun, kasi ganito yun,” pagbabalik ko sa topic. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa sasabihin ko. “This Saturday, may party kaming pupuntahan ni Jared…” I sighed. “Kilala niyo naman ako di ba? Alam niyong ayoko sa mga ganun at hindi naman ako interesado sa mga sosyalan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, feeling ko mapapahiya lang ako dun eh!” mahinang singhal ko at napayuko.

“Alam mo Gail, dapat masanay ka na sa mga ganyan” sabi ni Asha. I looked at her unbelievably. Alam naman niyang ayoko talaga sa mga ganito eh.

“Maybe you can just say no, maiintindihan naman siguro ni Jared ‘yon” napatingin ako kay Darryl, seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon.

“If you’re thinking of Jared’s reputation that’s why you’re eager to go to a place that you don’t like then stop it, Gail. Stop being selfless, you’re always like that. That’s why it’s easy for the people around you to manipulate you. Kaya madali ka nilang napapasunod sa mga gusto nila, kasi hindi mo kayang maging makasarili” malamig na sabi niya. Natigilan ako sa mga sinabi niya at pakiramdam ko ay para akong sinampal sa mga salitang binitawan niya. He’s right.

“Darryl--” hindi na natuloy ni Asha yung sasabihin niya nung magsalita ulit si Darryl.

“Nandun ka man o wala sa party na ‘yon, Jared can handle himself, without you Gail” sabi pa nito dahilan para lalo akong matigilan.

‘Jared can handle himself, without you Gail’

 

Parang patuloy na ume-echo sa isipan ko yung mga salitang iyon. Parang ang sakit pakinggan, nakakapangliit talaga kapag nakakarinig ako ng ganito mula sa ibang tao. Alam ko naman na ang tungkol dito, pero masakit pa rin talaga kapag pinapamukha sa’yo.

Huminga ako ng malalim para mapigilang hindi umiyak. I really don’t know what to say.

“Ahhh,” halos pumiyok na ako sa mga sandaling iyon. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko. “Sa-sabagay tama ka nga” yun na lang ang nasabi ko at pilit na tumawa.

“Alam ko na! Kapag pumayag si Jared na hindi ka sumama sa kaniya doon sa party na puro plastikan lang naman. Mag-overnight ka nalang Gail sa bahay tapos Korean Drama marathon tayo? Nood tayong The Heirs o di kaya My Love from the Star, magaganda yun! Pogi si Kim Soo Hyun at Lee Min Ho” masiglang sabi ni Asha. I know she’s trying to comfort me, sa tagal na ba naming magkasama alam na niya kung kailan ako masasaktan o hindi.

“Oo nga, sige sige…” pagsang-ayon ko at pilit na ngumiti. Napansin ko naman na seryoso lang ang tingin sa akin ni Darryl.

“Saerin Gail!” napatigil kami nung may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

Napatingin kaming tatlo sa lugar kung saan nanggaling yung sumigaw at nagulat ako ng makita ko si Sheena, yung head ng Campus Journalism sa Wiesel. Siya yung namamahala sa school paper at sa iba pang activities na may kinalaman sa Communication. Gosh! Yung pangarap ko!

“Hi Darryl, Hi Asha!” bati niya sa dalawa kong kasama. Binati rin naman nila si Sheena.

“Oh, hi Sheena” bati ko sa kanya at nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

“Kayo na daw nung Kuya ni Jerome Montello? Congrats!” sabi niya at tsaka humiwalay at tumingin sa akin. “Sa wakas!” dagdag pa niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Bakit ganun? Minsan hindi ko talaga sila maintindihan? Sila ba ang may diperensya o ako na mismo?

Hindi na ako nakasagot dahil hindi niya na rin ako hinayaang magsalita nung kumuha siya ng isang bond paper mula doon sa hawak niyang envelope at inabot sa akin. Nagdadalawang-isip naman akong kinuha ito, nung tinignan ko na ito ay halos malaglag ang panga ko.

Application form para maging feature writer ng school paper!  

“Te-teka para saan ‘to?” tanong ko kahit alam ko na ang gusto nila. Fudgeebar! Gusto ko na ring i-grab yung opportunity na ‘to pero paniguradong magagalit sa akin sina Mama at Papa. Nung first year college ako ay sinubukan kong sumali sa school paper pero nagalit sa akin si Papa at sa mismong harapan ko pa pinunit yung application form ko.

Sabi niya wala daw mangyayari sa akin kapag itinuloy ko iyon, mag-focus daw ako sa academics. Kaya magmula noon ay hindi ko na sinubukan pang i-pursue ang pangarap ko. It will forever stay as a dream, hindi ko na iyon maabot pa.

Nung bigla ko iyong naalala ay parang kumirot ang puso ko.

“Gail, hindi naman natin maikakaila na magaling ka sa pagsulat, magaling ka sa pag-express ng mga ideas at magaling ka sa communication at sa mga current events. Ewan ko nga ba kung bakit nandiyan ka sa Business Management. So anyways, nire-recruit ka naming sumali sa school paper” she firmly said. Bigla akong umiling at ibinalik sa kanya yung application form.

I’m fighting the urge to join the team. Malalagot lang ako sa mga magulang ko.

“Wag na lang ako, humanap ka na lang ng iba Sheena” sabi ko at pakiramdam ko ay trinaidor ako ng sarili kong boses dahil mararamdaman mo doon ang matinding panghihinayang. Alam mo yun, gusto mo yung isang bagay pero hindi pwede sa’yo? Ang sakit.

“Please Gail?” pagmamakaawa niya. Napalunok ako. Wahhhh! Gusto ko talaga umo-o eh.

“Kasi… ano…” hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero gusto kong kunin yung slot!

“Gail, accept the offer…” napatingin ako kina Asha at Darryl, kinuha kasi nila yung application form. Napalunok na naman ako.

“Tutulungan ka namin Gail dito, we know that you’re waiting for this. Wag mo ng hayaang masayang yung opportunity di ba?” sabi ni Asha. Muntik na akong maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko at marahang tumango sa kanila tapos ay ibinalik ko ang tingin kay Sheena.

“Pag-iisipan ko muna…” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. She smiled back at me at shook my hand.

“Aantayin ko yung form sa office ha? See you Gail and welcome to our team!” sabi niya at kumindat bago inayos ang sarili at nagpaalam na sa amin. “Sige guys, una na ako ha? Bye!” aniya at tinalikuran na kami at umalis.

Inabot naman sa akin ni Darryl yung application form at marahan itong tinignan.

Should I really accept the offer? Is this a sign?

-Jared Angelo’s POV-

 

“Pre, isasama mo ba talaga si Gail sa formal event?” I heard Ethan said. I looked at him.

Bumuntong hininga ako at inihinto ang pagbabasa ng mga dokumentong nagkalat sa mesa. Sumandal ako sa swivel chair at tumingin ng diretso.

“If you were to ask me, wala akong planong dalhin si Gail doon… kilala mo ang host ng event na iyon at alam nating parehong hindi pwedeng mapunta si Gail doon. Hindi ako papayag na magkita sila ng babaeng iyon” malalim na sabi ko at muling bumuntong hininga. “Pero ang mga magulang ni Gail ang nagsabi na isama ko siya doon sa event, at kailangan ko yung gawin” I added as I look at him.

If I can do something about this, I will do anything for my wife not to attend that event. Hindi sila pwedeng magkita… hindi… hindi ako papayag.

“So she’s really back? Hindi kaya sinadya niya ‘to? Bagong kasal lang kayo ni Gail tapos ngayon pa siya bumalik after how many years?” sabi ni Ethan. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim, I really don’t know.

“Hindi ko alam, Ethan” sagot ko sa kanya. Napailing na lang siya habang seryoso akong tinitignan.

“Nga pala, andito ako para sabihin sa’yo na pupunta dito yung makakasama mo sa project para doon sa itatayong mall ni Mr. Chan. Sigurado ka ba dito ha Jared? Baka mawalan ka ng oras sa asawa mo niyan? Mahirap pagsabayin ang pagiging businessman at ang pagiging architect, baka di kayo magkababy niyan” I glared at him.

“Gusto mong bugbugin kita?” asik ko sa kanya. He just laughed at me.

Sumagi na naman sa isip ko ang tungkol sa proposal ni Mr. Chan bago siya pumirma ng kontrata para maging isa sa mga major shareholders ng kumpanya namin. Gusto niyang ako ang mamahala sa mall na plano niyang ipatayo sa Batangas. Ayoko mang pumayag sa gusto niyang iyon dahil alam kong madadagdagan lang ang trabaho ko pero wala akong magawa. Mapilit si Dad na makuha siya kaya pumayag na rin ako.

“Nagbibiro lang ako,” aniya at magsasalita pa sana siya nung biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok yung secretary ko. Pareho kaming napatingin sa kanya ni Ethan.

“Sir Ethan, Sir Jared, andito na po yung isa pa pong architect na pinadala ni Mr. Chan” aniya at tumango na lang ako. Lumabas na siya at nakita naming pumasok ang isang babaeng naka-shades na naglalakad na ngayon palapit sa table ko.

Even though she’s wearing a sunglass, I know that she’s directly looking at me. Dinaanan lang niya si Ethan at nagdire-diretso papunta sa akin. Umayos naman ako ng upo ng makarating siya sa harapan ko. I bet this lady is not just a simple architect by the way she looks. 

Binalingan ko sandali ng tingin si Ethan pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon at mukhang pinagmamasdan pa rin ako. I feel that something’s not right.

“Mr. Jared Montello…” she said then smiled at me.

Why do I feel that, there’s something in the way she say my name? And the way she smiled?

“I heard that you’re already married…” she said as she slowly removed her sunglasses revealing her eyes… her whole face. She looked at me and smiled playfully.

Fck!

Bigla akong napatayo mula sa pagkaka-upo ko at halos nalaglag ang panga namin pareho ni Ethan nung makilala namin ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa mga sandaling ito. 

Siya?

“A--Alice?”

***

Sorry po kung mabagal ang update. May tinapos po kasi akong story :)

Sino nakakatanda kung sino si Alice? Hahahaha. Kung naalala niyo yung POV ni Darryl, kilala niyo siya. xD Last Chapter lang naman siya xD   

Pwede mag-demand? Hahaha. Hindi naman na ako nagdedemand pero gusto ko ulit mag-try mag-demand xD Para mabigyan ko ng palugit ang sarili ko.

20 votes and 10 comments for next chapter. Ayos ba? xD

Vote| Comment| Be a Fan

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 577 48
Meet Kurstin Dane Fuentes, one of the most promising models out there. Tired of always being in the limelight, she left modeling for awhile to live a...
26.4K 565 23
Masakit sa pakiramdam na hindi ako tinignan ng gusto ko, Lalo na't kapatid sya ng kaibigan ko, Di ko alam kung kakayanin ko to, Kakayanin na hanggang...
109K 6.6K 68
(Book One) We all have a boy best friend na hindi natin inaasahang mahulog ang loob natin sa kanya. Minsan, kahit masakit sa part natin na hanggang k...
4.8K 603 34
"Though my father and mother forsake me, the Lord will receive me." (Psalm 27:10) Labing-pitong taong gulang siya nang maagang nabuntis. Dahil sa hir...