Next Station : I Love You (...

By ulan_44

13.1K 793 39

Totoo nga ba na ang mga tao ay itinadhana para sa isa't-isa? Saang estasyon mo kaya matatagpuan? More

Prologue
1st Station
2nd Station
3rd Station
4th Station
5th Station
6th Station
7th Station
8th Station
9th Station
10th Station
11th Station
12th Station
13th Station
15th Station
16th Station
17th Station
18th Station
19th Station
20th Station
21st Station
22nd Station
23rd Station
24th Station
25th Station
26th Station
27th Station
28th Station
29th Station
30th Station
31st Station
32nd Station
33rd Station
34th Station
35th Station
36th Station
37th Station
38th Station
39th Station
40th Station
41st Station
Epilogue
Thankyou !
Cupid Station (Special Chapter)

14th Station

262 15 3
By ulan_44

Justin's

Agad kong tinignan ang phone ko,
6 : 28 a.m na pala.
Agad akong bumangon at umunat ng kaunti. Aalis na sana ako para bumaba nang maalala ko sinabi ni Mommy.

" JUSTIIIIIIIIIIN DE DIOOOOOOOS " sigaw ni Mommy mula sa taas. Agad kong tinigil ang pagkain at umakyat nang madalian sa taas.

" bakit mommy?? " agad kong tanong pagkaakyat.

" ikaw, 19 ka na pero di mo parin inaayos yung hinigaan mo " may halong pagtaas ng boses at inis na sabi ni Mommy sakin.

" eh, babalik rin naman ako matulog Ma e, ganun din yun magugulo ulit " paliwanag ko kay Mommy. Totoo naman e, babalik rin ako dyan tapos magugulo ulit ganun lang rin.

" Ayusin mo yan, di ka bababa hangga't di mo inaayos yan " huling saad ni Mommy at lumabas na ng kwarto.

Pagkaayos ko ng kama ko, agad na akong bumaba at nagpuntang CR. Hilamos Time.

Habang nakain ako, gising na rin si diko. Nakabihis na siya, at lumapit na sa lamesa para kumain.

" oh, bakit di ka pa nakabihis Jah? " tanong ni diko.

" maya pa naman alis ko diko, pagkatapos ko nalang kumain ako mag-aayos " sagot ko sa kanya at sumubo ng kanin.

Habang kumakain kami, narinig naman namin ang boses ng bata.

" goodmorning mga titoo " bati samin ni Zael. Agad naman kaming napangiti ni diko.

" goodmorning " bati naman namin ni diko kay Zael.

Ang aga magising netong pamangkin ko samantalang ang kulit-kulit pa kagabi, ayaw pa raw matulog sabi ni kuya.

" Zael, brush teeth na " saad ni kuya sa kanya kaya agad dumiretso sa CR si Zael.

" oh, ang aga magising ni Zael " bungad ni diko nang makalapit samin si kuya.

" oo nga e, kagabi ang kulit-kulit. Di makatulog pero ang aga nagising " saad ni kuya samin.

Lumabas na ng cr si Zael at binati naman si Mommy. Sumabay naman na kumain samin sila kuya at Zael.

" Ma, alis na po ako " paalam ko kay mommy at pinuntahan sya sa taas.

" byee, " paalam ko at hinalikan sa pisngi si mommy.

Di ako makakaattend ng practice ngayon dahil kailangan ko magpunta sa booth namin sa convention.







" Jah, pasuyo naman neto. " saad ni Erika sakin habang hawak hawak yung decoration.

" sige akin na " sagot ko sa kanya.
Agad nya namang inabot sakin.

" ikaw kasi pinakamatangkad e, " saad nya pa. Natawa nalang ako.

" Pano ba ito ilagagay? pababa lang o magkabilaan? " tanong ko.

" Dyan lang yan sa kabila, meron pa rito ilalagay sa kabila " paliwanag nya at inilabas yung isang decoration para sa kabilang parte.

Agad ko naman nilagay yun sa sinasabi nyang parte.

Habang nag-aayos kami ng mga displays dahil ibebenta rin namin yung mga artworks namin.

Biglang may nagpunta na mga lalaki sa gawi ko

" uy Jah " tawag nila sakin.
Sila Micko pala.

" sabi sainyo si Jah yun e , " saad naman sa kanya ni Yuki.

Napatingin ako sa kanila. Nagulat ako nang makita si Zai.

" it's been a long time Jah " bati nya.
Napangiti naman ako. Ang tagal narin magmula nung huli kaming nagkita neto.

" musta sa kabila ha? " pangangamusta ko sa kanya. Natawa nalang sya.

" dito pala booth nyo " sambit ni Micko.
" saan kayo? " tanong ko naman sa kanya.

" ay dun pa kami sa kabila, " sabay turo sa gawing kaliwa.

" kayo Zai? " tanong ko sa kanya.

" doon rin malapit kila Micko. " saad nya.
" kayo Yuki? " tanong ko naman kay Yuki.

" ahh dun naman sa kabila " sabay turo sa gawing kanan.
" katabi ng booth ng TIP " dagdag nya.

Napatingin ako sa kanya.

" weh? katabi nyo yung booth ng TIP? " tanong ni Micko sa kanya.

" anung department? " tanong ko sa kanya. Napatingin naman si Micko sakin.

" di ko lang sure pero baka Arki dept yun? kasi may kakilala ako ron e " di siguradong sagot ni Yuki samin.

" Arki dept? talaga? lika puntahan natin " excited na sambit ni Micko at hinila si Yuki.

" sige Jah, maya nalang ah? lika na Yuki daliii " pagpapaalam nilang dalawa sakin.
Tinanguan ko lang silang dalawa at tinuon na pansin ko sa mga ididisplay.

" hays, bakit kasi? hinahalo dito sa gamit natin " naririnig ko boses ni Erika. Halatang inis.

" hindi ko rin alam, ang alam ko lang gamit lang din natin dala natin. Malay ko bang ipapasabay. " paliwanag ni Yvette sa kanya.

" anung meron? " tanong ko sa kanila.

" yung Arki dept, pinasabay pala displays nila rito " saad ni Yvette sabay kuha ng iilang piraso ng miniature houses.

" pag tayo nagbenta neto, satin nalang pera nila " halatang inis na inis si Erika.

" kang, yaan mo na. Ako nalang magbibigay " saad ni Yvette sa kanya. Nang paalis na sya agad naman syang pinigilan ni Erika.

" aba wag, hintayin mong lumapit sila dito noh. Anung akala nila free delivery? " Natawa nalang ako sa sagot ni Erika kay Yvette.

Tinapos ko na ang pag-aayos ng display at hinarap silang dalawa.

Agad ko namang kinuha yung box na may lamang mga miniature houses.

" ako na, ako na magdadala " pagboboluntaryo ko.

" hay nako bahala kayo " saad ni Erika at nilabas pa yung mga canvas na iba.

Agad naman akong kinausap ni Yvette.
" hay yaan mo na yan si kangkang, badtrip e " natatawang sambit ni Yvette sakin. Napangiti nalang rin ako.

" saan ba to ibibigay? " tanong ko kay Yvette.

" lika samahan na kita, " saad ni Yvette.
Agad ko naman syang pinigilan.

" H-Hindi ako nalang magdadala, saan ba banda ang Arki dept? " tanong ko sa kanya.

" hmm sigurado ka ? " tanong nya rin sakin. Tumango ako.

" doon sa may bandang kanan, hmm katabi ata ng booth ng ...ng anooo " napahawak sya sa noo nya ng makalimutan nya kung anung booth yon.

" sheet. nakalimutan ko " saad nya.
Hinihintay ko lang response nya.

" sandali, " saad nya sakin.

" kang, saan ulet arki dept natin? " malambing na tono nyang tanong kay Erika.

" oh bakit? " mataray na saad ni Erika sa kanya.

" di ko kasi maalala " sagot ni Yvette.

" bahala kayo dyan, " halatang nainis sya dahil rito.

" sige na Erikaaaaaa, pramis pag may nabenta sa mga gawa ko bibigyan kita ng 10% " pangungulit ni Yvette.

" eh, kahit na " di parin pinansin ni Erika yung tanong ni Yvette.

" sige na, ako na sagot sa lunch and possible dinner natin mamaya " saad ko.
Napatingin naman sila Yvette at Erika sakin.

" talaga? basta samgyup ang dinner ah " saad ni Erika sakin. Napatawa nalang ako

" oo na, sige na, saan ba banda yun? " tanong ko sa kanya.

Di parin maipinta mukha nya pero sinagot nya parin ako.

" doon, sa gitna ng booth and TIP at PUP " sabay turo sa gawing kanan. Maging ako nagulat. Katabi yung TIP?

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
60.1K 3.9K 70
𖥻 𝐇𝐄𝐄𝐒𝐄𝐔𝐍𝐆 - ❝ iwan mo na lang ako tutal dun ka naman magaling ❞ enha boys series # 2 ╰╮lhs x oc キ : epistolary + narrations ラ : taglish...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...