The Last Flower (ZOMBIE apoca...

By princessjean

58.7K 1.2K 173

Kahulihulihang bulaklak na bubuhay sa'yo... Kahulihulihan di'ng bulaklak na papatay sayo.... -- The Last Flow... More

Prologue
Chapter 1 Danger Awaits
Chapter 2 The Dreadful Disease
Chapter 3 ERICK
Chapter 4 Guns and Swords
Chapter 5 Zombie's Chest
Chapter 6 HANNAH
Chapter 7 KAYRI
Chapter 8 Serious Affection
Chapter 9 Amelia and the last flower
Chapter 10 The Betrayal
Chapter 11 A Safe Place
Chapter 12 Unknown Feelings
Chapter 13 To Save a Friend
Chapter 14 Wild Attack
Chapter 15 The Competition and the Prize
Chapter 17 Gone
Chapter 18 After
Chapter 19 Sacrifice
Chapter 20 He's Back
Chapter 21 Death Dawn
Chapter 22 The Fall
Chapter 23 White Fey
Chapter 24 The criminal behind
BASAHIN :)
Chapter 25 Bite
Chapter 26 A kiss, goodbye
Chapter 27 The Search
Chapter 28 The Church
Chapter 29 Monsters
Chapter 30 Dead End
Chapter 30 (part two) Dead End
Chapter 30 (part 3/ENDING) Dead End

Chapter 16 The Revelation

1.3K 32 3
By princessjean


Bron came running pagka rinig niya sa mga sigaw ni Amelia.

" Bakit? Anong nangyayari dito??" Pag aalala ni Bron.

Humahagulhol si Amelia na nakatakip ang mga kamay sa mukha. Nanginginig pa ito.

"Anong roblema, Amelia? May masakit ba? Sabihin mo kay kuya.. Sabihin mo.." Umupo si Bron habang sinusubukang pinapahinaon ang kapatid.

" Siya! Siya yon, kuya! Siya nga at hindi ako nagkakamali! I remember her face, her hair. Siya mismo yung nag inject sa akin nung araw na yun.." Sobrang iyak ng bata.

Hindi maka paniwala si Bron.. " Si ate Hannah mo?"

Galit na galit si Amelia. She even pushed Bron. Padabog itong lumabas habang umiiyak.

Habang si Hannah naman naka luhod sa sahig, eyes widen. Panay agos ang pawis at luha hawak ang tatlong tubes. Tatlong tubes lang ang naisalba niya. Lahat ngayon nasa sahig na, wasak.

Wasak din ang puso ni Hannah. Alam niyang magagalit si Bron sa kanya. The serum vanished like dry ice.

She held her hands with the tubes. Kinakagat ang sariling mga labi. Di makapag salita.

Bron handed her another tube.

" Pwede pa to. May crack konte peeo pwede pa to." Sambit ni Bron.

Nahirapang tumingin si Hannah kay Bron pero nakita niyang hindi maka tingin sa Bron sa kanya. Alam niyang hindi nasiyahan si Bron sa pangyayaring iyon. More than half ang nabasag na bote, paano na si Amelia pag naubos na ang mga ito.

Hinawakan ni Hannah ng mahigpit ang kamay ni Bron.

" Bron... May sasabihin ako." Iyak ng iyak si Hannah. "Hindi ko akalaing yung tinurok ko kay Amelia ay para gawin siyang zombie. Wala akong malay nun, Bron.. Maniwala ka wala akong alam." Pagmamakaawa ni Hannah.

"Paano nangyari yon? Bakit mo yon ginawa. Hannah? Hindi ka ba na konsensya, bata yung tinetest nyo??" Galit nga si Bron at naka tingin na ito sa dalaga.

" Hindi ko siya nakita Bron. May takip ang buong katawan niya nun at pinilit lang ako ng papa na gawin ko yon. Alam kong masama ang papa pero hindi ko naman akalaing bata ang magiging subject nya sa experiment na yon. " Rason ni Hannah na lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Bron.

Bumuntong hininga si Bron at pinikit ang mga mata. Sa galit niya ayaw na niyang tignan si Hannah. Malambot ang puso niya para kay Hannah pero yung galit niya hindi niya lubos mapigilan.

Biglang hinagkan ni Hannah si Bron na patuloy paring umiiyak.

"Bron....." Humahagulhol si Hannah. " Bron, patawarin mo'ko.."

Bron just patted her back once at tumayo ito. Iniwan niyang umiiyak si Hannah sa kwartong iyon.

Dala ni Bron ang isang serum para ibigay kay Amelia bago pa matapos ang 12 hours.

Narinig ni Erick ang lahat kahit nasa labas lang ito ng kwarto. Nalulungkot si Erick. Gusto sana niyang lapitan si Hannah para sabihing naniniwala siya sa kanya.

Inisip niya 'Pero sa tingin ko, mas mainam na kina Bron at Amelia ako pumunta para kausapin sila. Baka naman maka tulong ako sa sitwasyon ni Hannah. Ayoko ng nagkaka ganito kami.'

Naka upo si Amelia at si Bron sa maliit na bridge, hindi kalayuan sa bahay. Dito may ilog na wala ng tubig.

Pinuntahan ni Erick ang dalawa.

"Anong ginawaga mo dito" Wala sa mood ang tono ng boses ni Bron.

" Ah eh, wala. Gusto ko lang sanang maintindihan ang sitwasyon." Kalmang sabi ni Erick habang papalapit na.

Bron was about to push Erick away, pero nanatiling nakatayo si Erick, pinipigilan ang kamay ni Bron.

" Ayokong ipagtanggol si Hannah. Nais ko lang sanang sabihin ang alam ko. Pwede ba Bron? Kahit ngayon lang, pakinggan mo muna ako." sambit ni Erick. Gusto niya maging kalmado lang ang lahat.

Bron replied with silence kaya nag salita na uliy si Erick.

"Amelia..."

Lumingon si Amelia kay Erick na may galit at takot pa sa kanyang mukha.

"Oo nga, sabihin na nating si Hannah nga ang nag bigay sayo ng virus. Pero may iba pang detalye ang dapat mong malaman." Seryosong panimula ni Erick.

Nakuha ni Erick ang atensyon nina Bron at Amelia.

"Kuya Erick, pag lolokohin mo lang din ako, huwag na lang po.." -Amelia

Nagpatuloy pa rin si Erick. " Kung hindi ako nagkakamali, bestfriend mo si Samantha, hindi ba? Kilala ko siya."

" Huh? Paano mo nakilala si Samantha?" -Amelia

" Kung ganun, tama nga ako. Ikaw nga ang kinikwento ni Samantha na Amelia, bestfriend niya. Si Samantha regular na bisita namin siya. Anak ng kapitbahay. Lagi niya kaming dinadalhan ng prutas;

[FLASH BACK]

"Kuya Erick!! tulungan mo 'ko!" sigaw ni Samantha habang pawis na pawis na tumatakbo patungo kay Erick na kagagaling lang ng paaralan.

Huminto ang binata.. "O.. Sam, basang basa ka na ng pawis. Anong tulong ba? Para saan?"

(pant*pant*) " Ang bestfriend ko si Amelia... Habang pauwi na kami, nakakita po kami ng isang mama na naka puti na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Sabi niya, sinusundo niya kami. Tinawagan raw siya ng mga magulang namin, kaya lumapit kami. Mukha siyang mabait pero bigla niya po kaming hinila papasok sa kanyang van may dalawang lalake rin sa loob. Pinasok nila kami sa isang malaking bahay tapos sabi pa ng mama; "Children are perfect for my first tests.." takot na takot na po kami nun! Pinilit kong kumawala at aksidente kong nasipa sa gitna ang mama. Hinila ako ng dalawang lalake palabas. Sabi pa nila. "Walang pake ang ang doctor kung ipagsasabi mo ito... wala namang maniniwala sa iyo..." at tinapon nila ako palabas ng bahay.

"Nasaan na ang kaibigan mo? Huwag na nating sayangin ang oras. Naaalala mo pa ba ang pinuntahan niyong bahay?" Seryosong tanong ni Erick.

Tila gumaan ang pakiramdam ni Samantha na pinaniwalaan siya ni Erick.

"Opo! Nag lakad at tumakbo ako mula sun hanggang maka uwi dito. Naalala ko bumaba po sila sa basement ng bahay na iyon. May isang bintana rin doon na naka harap sa labas. Yun lang po ang naaalala ko." -Samantha

" Samahan mo ko, ituro mo sa akin ang bahay.."

Sumakay sina Erick sa bike na ginagamit niya papuntang paaralan.

Sunset na nung narating nila ang bahay na sinasabi ni Samantha. Inikot nila ang bahay hanggang sa nakita nila ang bintanang sinasabi ni Samantha. Maliwanag sa loob at nakokita niya ang mamang tinutukoy ni Samantha.

" Yan. Yan yung kumuha sa amin, kuya.." bulong ng bata.

Pumasok ang isang babaeng mataas at pula ang buhok. Malabong makita ni Erick ang mukha nito. Naka yuko na tila malungkot. Natatakpan ang mukha ng mahahabang buhok nito.

"Anak.. Gusto ko'ng ikaw ang mag inject sa batang iyan." Turo ng scientist sa nakahigang bata ss operation bed.

" Si Amelia!" Pag aalala ni Samantha kahit may takip itong puting tela, kilalang kilala siya ng kanyang matalik na kaibigan.

" Bakit niyo ho ba ito pinapagawa sa akin..?" Walang ka buhay-buhay na tanong ng babae.

" Alam mo namang ito ang binigay ko sa mama mo, diba? Gusto ko lang patunayan sa iyo na hindi ito nakakalason. Magbibigay ito ng kakaibang lakas." -Scientist

" Pero bakit kailangan mo pang kumuha ng ibang tao pa? Pumayag ba siya?" -babae

"Syempre! Sigurado ako na walang mangyayari sa masam dito." Sabi ng scientist while handing the syringe to the girl.

Nanginginig, halatang kinakabahan ang babae habang tinuturok na ito sa bata.

"Huwag kang matakot anak. Pagka tapos niyan, maari na yang makalaya." -Doctor

Hindi maka sigaw ang kaibigan ni Samantha, dahil siguro itoy may takip sa bibig. Pinainom rin siguro ito ng pampahina dahil she's not resisting at all.

The lady injected the serum on the child's leg. A muffled shout was heard na nawala rin ng itoy tuloyan ng nawalan ng malay

Pinagmasdan ni Erick ang babaeng may pulang buhok. Takot na takot ito. Bakas sa kanyang mga mata ang instant guilt. Naka upo ito sa sahig, eyes wided pa atras ng pa atras hanggang narating ang pader

Biglang pumasok ang isang lalake'ng kasamahan at katulong ng doctor. He looks so terrified. Pawis na pawis at namumutla pa.

" Doc! Emergency! Ang asawa mo.. Hindi ng resulta ang inaasahan natin. Instead the 2nd expected result ang nangyari sa kanya. " Sigaw ng lalake

Nanlaki ang mga mata ng doctor. Naguluhan naman sina Erick at Samantha. Si Hannah ay naka upo pa rin.

" Ano??! Bwisit. 89 percent akong siguradong magkakaroon siya ng pambihirang lakas at life extension. I was expecting strength and immortality.." Nanginginig ang scientist na parang hindi maka paniwala.

"19 percent maari nitong patayin ang pasyente, mabubuhay nga ulit ito pero kakaiba na ang kilos nito and it will crave human flesh for food. Sa maikling salita, magiging zombie ang pasensyte."  sagot ng lalake.

" Ama... H-hindi ko maintindihan.. Si mama. Anong nangyari kay mama?? " Pilit tumayo ng babae

Napa upo ang scientist habang hawak-hawak ang ulo, hindi makapag salita.

" Hindi maari. Hindi maari.... Kung ganito man ang mangyayari, I will take the serum too. Hannah will take it too. " Nakaka kilabot na nanlaki ang mga mata ng scientist. Na tila nasisiraan na ng ulo.

Gusto na sanang sirain ni Erick ang bintanang may konte ng basag ng biglang hinila sila ng malakas.

" Sino kayo?! Anong ginagawa niyo dito??" Isa ito sa mga kasamahan ng scientist.

Samantha screamed in pain. " Ahhh!! "

" Bitawan mo ang bata!" Galit na asta ni Erick.

" Ikaw..... Hmm. Bumalik ka pala. May kasama ka pa. Anong nakuha niyong impormasyon sa panunuod rito?? Ano!?" Hinigpitan ng lalake ang hawak niya sa bata.

Kumawala si Erick sa hawak ng lalake at sinuntok niya ito. " Sinabi nang bitawan mo! "

Nagka sugat ang lalake sa gilid ng kanyang labi. Ngunit ngumiti pa rin ito. " Kayang kaya namin kayong patayin ng walang makaka alam. Walang mag hahanap sa inyo. Alam niyo ba yon?"

Dahan-dahan itong may kinuha sa bulsa. Natakot si Erick baka isa ito sa mga serum.

" Hindi ko kayo isusumbong." Sabi ni Erick. Natigilan ang lalake. " Lahat ng nakita at narinig namin, hindi ko ipapagalam sa opisyal. Huwag mong saktan ang bata. " 

" Ganon ba?? Paano naman kami makakasiguradong hindi mo kami isusumbong?"  Tanong ng lalake.

" Eto address at information ko." Erick handed his school ID. " Subaybayan niyo ko o kahit ano. Lahat na personal na impormasyon ko ay nandiyan. Ipangako niyong wala na kayong bibiktimahin pang iba."

" Hmm.... " Nakatayo lng ang mataas na lalake sa harap ni Erick habang hawak parin si Samantha. " Imposible iyang hinihingi mong kondisyon, bata. Alam mo.. Magiging zombie man kami o hindi, we will still conquer the world. Iyan ang pangako ng boss." He was referring to the scientist.

Napansin ni Erick na hindi na masyadong mahigpit ang hawak ng lalake kay Samantha kaya agad niyang hinatak ang bata sa tabi niya.

" Uuwi na kami. Mananahimik kami. Wala rin naman kaming ebedensyang maipapakita sa police hindi ba? Let us go. " -Erick

Ngumiti ang lalake habang naka tingin kay Samantha na panay ang tulo ng luha hindi makapag salita. He then stepped aside.

Tumakbo ng mabilis ang dalawa. Nilingon ni Erick ang lalake at naka tingin lamang ito sa kanila. Nakaka kilabot ang ngiti at mga mata nito.

Ilang buwan na ang nakalipas, ngunit wala namang lumabas na balita tungkol sa pangyayari. Walang nireport na missing at wala ring balibalitang may kumalat na virus o kaya mga taong nagibg zombie. Wala. Pero every now and then, napapansin ni Erick na may sumusunod at sa kanya sa distansya. Binalewala niya lang ito at nagpatuloy sa buhay.   Umalis papuntang ibang bansa ang pamilya ni Samantha kaya wala nang siyang ipag aalala pa. He hoped na palpak ang experiment ng mga taong iyon and prayed for Samantha's friend.

Okay na sana ang lahat pero ilang linggo lang ang naka lipas ng bilang nangyari ito..

The zombie apocalypse...

------------------------------

[Back]

Napa iyak tuloy ulit si Amelia sa narinig niyang kwento mula kay Erick.

" Manipis lang ang telang naka takip sa akin non kaya nakikita ko si ate Hannah.." Malungkot na sambit ni Amelia.

" Bakit di mo ito agad sinabi, Erick?" -Bron

" Hindi ko aakalaing si Amelia pala ang tinutukoy ni Samantha. Although pansin ko na si Hannah, di rin ako sigurado nun. Kasalan ko ding binalewala ko ang lahat. Apat na buwan dala-dala ko sa isip ang pangyayaring iyon ngunit wala akong narinig na tungkol sa kanila o sa batang kinuha nila. Kawawang Hannah, sa tingin ko hindi madali ang dinadala niya." Malungkot at nakayuko si Erick habang sinasabi ito.

Amelia burst out crying. " Kuya Bron.. Kailangan kong makausap uli si ate Hannah. Gusto ko humingi ng tawad na nasaktan ko siya. "

Silang tatlo ay pumasok kaagad sa loob ng bahay, umakyat at pinuntahan si Hannah sa kwarto ngunit..

Ang mga tubes na lang ang nasa kama.

Mabilis na bumaba si Bron.

" Wala siya sa taas, Erick." Kinakabahang sabi ni Bron.

" Wala rin siya dito. Wala na rin ang sling bag niya. "

No sign of Hannah inside the house.

She's gone.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 1.4K 35
Zeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Wel...
40.9K 2.5K 68
Si Kailyn Shine Werson, isang mahirap na babaeng namumuhay ng simple kasama ang kanyang inang na tanging paglalaba lang ang pangunahing trabaho para...
408K 11.5K 45
Princess Yuri Samantha Zen ang pinakamalakas na prinsesa sa Mizo World ang mundo ng Majika Dalawang Dugo ang nanalaytay sa Kanya. Ang Dugo ng Kerian...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!