LOVE WITHOUT LIMITS

Por maxinejiji

94.2M 2.8M 4.6M

Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... Más

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 64
EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS
SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK
PAG-IBIG SA 'YO (Love Without Limits Official Theme Song)
GUGMA KANIMO (Pag-Ibig Sa 'Yo Bisaya Version)

CHAPTER 63

781K 34.8K 63.7K
Por maxinejiji


CHAPTER 63

"MRS. MOON..." Nakangiti iyong binulong ni Maxwell habang nakatitig sa akin, matapos akong gawaran ng halik sa labi.

Gano'n na lang ang pagguhit ng ngiti sa aking labi saka ako yumakap nang mahigpit sa kaniya. Mabilis na namuo ang aking mga luha. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Para pa rin akong nananaginip. Para akong nasa langit.

Natatandaan ko pa ang lahat, mula sa una ko siyang makita, hanggang sa sandaling ito. Parang kailan lang nang magustuhan ko siya, ngayon ay ikinasal na kami sa isa't isa.

"I love you, Maxwell."

"I love you, baby," pabulong na tugon niya.

Napatalon ako sa gulat nang muling dambahin ang gong. Pero muling namangha nang magsipagtanguhan sa amin ang mga taong naroon. Nakangiti kong iginala ang aking paningin. Naririnig ko silang batiin kami, bagaman wala akong naintindihan bukod sa aking pangalan at salitang maji.

"Ngitin mo lang sila at tanguan," ani Maxwell na awtomatiko kong sinunod.

Batid kong nag-iingat siya kaya gano'n na lang kahina at katipid kung magsalita siya. Napakarami kong gustong sabihin pero kailangan kong iisantabi ang mga 'yon ngayon. Kahit sa daan pabalik sa Pilipinas ay pwede kong sabihin 'yon, 'wag lang ngayon na narito kami sa bansang ito kung saan may napakakomplikadong batas.

Magkakasunod na paputok ang umere sa labas ng palasyo ng parlyamento nang makalabas kami. Hindi pa rin ako maka-move on na pink lahat 'yon.

"Alam mo, na-realize kong mas maganda pala talaga kung hindi ka nag-e-expect sa taong mahal mo," mahina kong sinabi, sinasabayan ang ingay ng fireworks para wala masyadong makarinig sa amin.

Lalo na at paulit-ulit akong pinagbawalan ni Maxpein na magsalita ng ibang lenggwahe rito. Bukod sa paninita niya sa mga maling ginagawa ko.

"Kasi kapag wala kang expectations, mas masu-surprise ka," dagdag ko. "Mas makikita mo ang efforts niya." Nakangiti akong tumingala sa kaniya. "Lalo mo siyang mamahalin."

"Alam kong hindi ito 'yong kasal na gusto mo, Yaz. Sorry kung ito lang ang..."

"Sshh," pinigilan ko na siyang dugtungan ang sinasabi. "Hindi ito ang pinangarap ko pero masaya ako sa naibigay mo."

Napatitig siya sa 'kin at napangiti, talagang hindi niya yata inasahan ang sinagot ko. Gusto kong malungkot sa isiping baka binagabag siya ng kaiisip na hindi ko magugustuhan ang kasal na kaya niyang ibigay sa ngayon.

Nakangisi siyang nagbaba ng tingin sa akin. "Hmm."

Ngumuso ako nang 'yon lang ang isinagot niya. Pero agad din akong napangiti nang makita kung gaano karami ang pasulyap-sulypa sa amin. Lahat nang 'yon ay nginitian ko. Pero itong asawa ko, wala man lang yatang tiningnan ni isa sa mga 'yon.

Asawa... Para akong luka-luka na bigla na lang natawa. So fetch!

Ang hirap talagang paniwalaan. Kahapon lang ay nasa Pilipinas ako at nagmamakaawang ipagluto ng pancake. Nainis pa ako dahil walang strawberry syrup dahil pulos chocolate ang meron sa bahay. Pero ngayon, narito ako sa komplikadong bansang ito, katabi ang lalaking matagal kong pinangarap, hinabol, kinabaliwan at minahal nang sobra.

Hindi ganito ang kasal na pinangarap ko. Aaminin kong sa sobrang arte ko ay magarbo ang nasa plano ko, iyong maipagmamalaki ko sa lahat. Iyong maibabalita sa buong bansa dahil sa sobrang en grande at ganda.

Pinangarap ko iyong pink and black themed wedding. Gusto kong pink ang wedding dress ko at pitch black naman ang groom suit ni Maxwell. Magkahalong pink and black naman mula sa matron of honor, bridesmaids, best man, groomsmen, ushers and usherettes, ring bearer, flower girl at sa parehong parents namin. Lahat ng flowers ay pink din at may black na ribbon, syempre, dapat pink and black din ang bridal car, invitations and souvenirs—lahat! Maging sa reception, pinangarap kong pink and black lahat. Mula sa chandeliers, interior designs, stage, couch na uupuan namin, mic, hanggang sa ihahaing inumin at pagkain. Kailangan nilang gawan ng paraan para maging pink and black ang lahat, na maging ang wedding coordinators ay kailangang nakasuot din ng pink.

Pero sa dami ng pinangarap kong iyon, si Maxwell lang ang nagkatotoo. Hindi ko nakuha ang magarbo at pink and black themed wedding na plinano ko. Hindi ko nakasama sa kasal ang lahat ng taong gusto kong naroon. Walang wedding pictures, walang bridal car, walang wedding vows, o kung meron man ay hindi ko naman naintindihan. Napakaraming hindi nasunod sa mga pinangarap at plinano ko. Instead, lahat nang nangyari ay hindi ko naisip na posibleng mangyari.

Pero sa kabila ng lahat ng magkakahalong saya, lungkot, sakit, galit at pagmamahal...kontento ako. Ikinasal ako nang hindi ko naintindihan ang pinagsasasabi ng nagkasal pero masaya ako. Sa dami ng imposibleng nangyari at pinagdaanan ng relasyon namin ni Maxwell, wala akong pinagsisisihan. Kontento at masaya ako na nangyari ang araw na 'to kasama ang pinakamamahal kong lalaki at pamilya, kahit iba't ibang kulay pa ang aking nakikita at mga suot nila.

"Maxwell Laurent..."

Ay kigwa! Literal akong napatalon sa gulat nang may magsalita bigla sa tabi ko, hindi ko inaasahan. Gano'n na lang kalalim ang boses niyon kaya mas nagulat pa ako nang makitang matandang babae iyon.

Nakataas ang kilay, sinuyod ko ng tingin ito mula sa ulo hanggang sa suot. Napailag ako nang nakangiwi dahil iyong suot niya sa ulo ay may itim na net na humaharang sa kaniyang mukha.

That is so not fetch...

Wala akong masabi sa fashion style ng bansang ito. Nababagay rito si Keziah. Of course, hindi ako pwedeng magsalita nang masama, baka kung ano ang gawin sa 'kin dito. Kung hindi lang bumagay sa amin ni Maxwell ang hanbok, ewan ko kung makontento pa rin ako.

Gano'n na lang ang pag-iwas ko ng tingin nang makita ang mga tauhan ni madam na masama na ang tingin sa akin. I'm sure isa ito ro'n sa mga nakaupo sa balkonahe kanina, hindi ko lang alam kung sino siya. Iintindihin ko pa ba naman siya, eh, ako ang ikakasal?

Lalo pa akong nagulat nang hindi lang si Maxwell, kundi ang lahat ng tao na naro'n sa harap namin ay magkakasabay na tumango sa matandang babaeng ito sa tabi ko.

Namilog ang labi ko at nakataas nang bahagya ang kilay nang muli ko itong sulyapan. Nakita ko ang gilid ng kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Kaya bahagya na rin akong nakitango saka ibinalik ang mapanlait na mga mata sa matanda.

"Siya ang aming reyna," bulong ni Maxwell dahilan para mapatango muli akong bigla.

Pero dahil hindi ako sanay sa kanilang kultura, nauna akong umayos ng tayo kaysa karamihan. Na naging dahilan para tuluyan na akong lingunin ng reyna.

Deretsong tingin na parang dumiriin sa akin, napalunok ako at muli pang tumango. Gusto kong humingi ng paumanhin pero hindi ko alam kung paano iyong sasabihin. Sa halip ay si Maxwell ang nagsabi no'n para sa 'kin, pamilyar ako sa salita nilang iyon sa t'wing magso-sorry. Hindi ko lang talaga masambit.

Ma-attitude si lola... Palihim ko uling sinuyod ng tingin ang reyna.

"'Wag mo siyang tingnan, Yaz, please,"mariing bulong ni Maxwell.

Nanlalaki ang mata akong nag-iwas ng tingin. Bigla ay nanghina ang mga tuhod ko. Bigla ay napakapit ako sa braso ni Maxwell. Hindi maganda ang vibes ko sa matandang ito. Pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto.

Gusto kong bawiin ang lahat ng masasamang naisip ko kanina nang magsalita ang reyna. Sobrang pino ng kaniyang paraan ng pagsasalita, mabagal at animong binibigkas ang bawat letra. Maging ang kakaunting galaw niya ay gusto kong hangaan mula sa palihim na pagsulyap, elegante ang dating. Talagang pinagsisihan kong hinusgahan ko ang kaniyang pananamit. Gano'n man kasi kalakas ang dating niyon, hindi ko gusto ang pagkakapares ng mga kulay.

Napakaraming sinabi ng reyna, iilan lang ang isinagot ni Maxwell. Pero ang nakatawag sa pansin ko ay ang tila kaba sa kaniyang tinig. Hindi ko maipaliwanag kung bakit gumaralgal siya sa huling isinagot bago muling tumango.

Gustuhin ko mang magtanong kay Maxwell ay napatango na lang din ako. Babaling na sana ako sa kaniya nang masalubong ko ang tingin ng reyna. Mag-iiwas na rin sana ako ng tingin nang makita ko siyang sumulyap sa aking tiyan at ngumisi bago kami tuluyang iniwan.

"Maxwell..." pagtawag ko nang makita ang nakababa niyang tingin at salubong na mga kilay. "Maxwell?" pag-uulit ko nang tila hindi niya ako marinig dahil sa malalim na pag-iisip. "What's wrong?"

Humugot siya nang malalim na hininga habang nakatingin sa kung saan. Saka niya palihim na sinundan ng tingin ang reyna na noon ay papasakay na sa hindi ko maipaliwanag na karwahe niya. Para iyong maliit na bahay, isa o dalawang tao lang ang kasya. May maliit na bintana at dalawang mahahabang kahoy sa magkabilang gilid. Buhat lang iyon ng mga tauhang nakasunod sa reyna, gusto kong maawa sa kanila.

"Maxpein..." naghahanap, aligagang bumaling si Maxwell sa likuran. Gano'n na lang ang pagkalito ko sa hindi maipaliwanag na pagbabago sa kaniyang kilos, nag-alala ako.

"Narinig ko," awtomatikong sagot ni Maxpein nang hindi namin inaasahang mababalingan ito. "Umuwi na muna tayo."

Nanguna si Maxpein sa amin dahilan para muling magsipagtanguhan ang dagat ng tao sa aming harapan.

Aligaga man ay kinuha ni Maxwell ang kamay ko saka kami sumunod sa kaniyang kapatid. Sumunod sa 'min ang iba pang myembro ng pamilyang Moon kasama ang aking mga magulang. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam.

Tahimik ang lahat habang nasa sasakyan kami pabalik sa Emperyo. Panay ang lingon ko pero wala ni isang sumulyap sa akin. Ang mga Moon ay pare-parehong malalim ang iniisip. Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga.

Gano'n na lang ang pilit na ngiti sa 'kin ni Maxwell nang makabalik kami sa napakalaki nilang bahay. Naupo siya sa armrest nang mahabang couch at saka pinantayan ang aking paningin.

"You're so beautiful, I wanna marry you again and again." Dinampian niya ng halik ang gilid ng labi ko.

"I love you," mahinang tugon ko.

"I love you more, Yaz."

Napangiti ako. "I can't believe we're married."

"Me, too," nakangiti niya ring tugon saka kinuha ang kamay ko at tiningnan ang singsing naming pareho. "You like it?"

"Mm," magkakasunod akong tumango.

"Looks good on you."

"Sa 'yo rin."

Inilapit niya sa bibig ang kamay ko at hinalikan ang daliri kong may singsing. "Marry me again."

"I will."

"Next week."

"Agad?"

"Hmm," tango niya. "I wanna make sure you're mine."

"I'm yours already," natatawa kong pinalo ang braso niya. "I am Mrs. Maxwell Laurent Del Valle now."

Ngumiwi siya. "You're a Moon because we're here in Empery," ngisi niya saka muling tiningnan ang singsing ko. "I'll give you another one. That'll make you a Del Valle."

Lalo akong napangiti at yumakap sa kaniya. "I love you, Maxwell."

Naramdaman ko siyang natawa. "I love you, baby."

Kinamot niya ang mata niya at bumuntong-hininga nang pakawalan ko siya. Nabawasan ang ngiti ko dahil kahit anong ngiti niya ay nakikita kong may bumabagabag sa kaniya.

"What's wrong?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya saka inilagay ang parehong kamay sa magkabilang bewang ko. Tumitig siya doon saka nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.

"I want another honeymoon," pabulong niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko. "In Hawaii maybe."

"Maxwell!" pinalo ko ang braso niya.

"Paris?"

"No."

Ngumiwi siya. "New Zealand?"

"Maxwell, no."

"Alright..." bahagya siyang ngumuso saka bumuntong-hininga. "Bhutan, huh?"

Umawang ang labi ko saka siya sinamaan ng tingin. "Amaw..."

"Oh..." nakakaloko siyang ngumisi. "So, Cebu? Fine."

Pinandilatan ko siya. "What? Ibig kong sabihin ay hindi tayo magha-honeymoon ulit."

"Seriously?" kunot-noo niyang tugon, seryosong-seryoso na animong ipinasara ko ang kaniyang hospital.

"Seriously."

"No way."

"Aba't ikaw pa ang magsasabi niyan?"

"Baby I deserve that," naiinis niyang sagot. "I deserve you."

Gusto kong matuwa sa sinabi niya pero hindi pa rin ako sang-ayon. Naiinis akong lumapit upang bumulong, "I'm pregnant."

Natawa siya. "It is safe, baby."

"Puro ka kalokohan!" asik ko saka siya muling pinalo.

Natawa siya. "You hungry?"

"I want to change my outfit," nguso ko.

"You don't like it?"

"No, of course, I like it. It's just...heavy and kind of mainit."

"Okay," tumayo siya at hinila ako. "Sasamahan kita." Bigla siyang ngumisi.

"Sasamahan talaga?"

"Hmm." Inosente siyang tumango.

"May pinaplano ka, 'no?"

"What?"

Sumama ang tingin ko. "Anong pinaplano mo?"

Lalo pa siyang ngumisi. "Marami."

"Maxwell!"

"Hmm?"

"Alam ko ang iniisip mo."

"Great, then," sinulyapan niya ako saka pinagbuksan ng pinto. "Welcome to my room, Mrs. Moon." Bigla ay nangunot ang kaniyang noo. "That's kinda awkward, sounds like my mom. Yaz Moon, then."

Natawa ako. "Amaw."

Hindi ko naiwasang mamangha nang tuluyang pumasok sa kwarto ni Maxwell. Malawak iyon, may malaking kama at matataas ang bintana. Of course, hindi mawawala ang esta-estante niyang libro. Pero nakapaninibago dahil wala kahit na anong bahid ng modernong karangyaan ang mga iyon.

Everything looks old. Hindi ko makita ang minimalistic style and taste ni Maxwell Laurent del Valle doon. Hindi kumikinang ang sahig, in fact, mukha iyong gawa sa normal lang na kahoy. Hindi gaya ng penthouse niyang wala mang price tag ay tila sinisigaw ng lahat ng bagay ang presyo. Pero hanga ako sa linis niyon.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang lagitik niyon, patunay na ini-lock niya.

"We don't leave doors unlocked here,"dahilan niya agad.

"Whatever." Nag-iwas ako ng tingin at tinalikuran siya.

Naramdaman ko naman agad ang paglapit niya, sobrang lapit, halatang sinadya niyang idikit ang katawan sa akin. Hindi ko naiwasang matawa.

Mula sa salamin tinanggal niya ang pink na ribon na nagsisilbing belt ng hanbok ko. Gusto kong matawa dahil alam na alam ko kung gaano karami pa ang nakapailalim doon. Uubusin niyon ang pasensya ng isang Maxwell Laurent del Valle.

Iyon nga lang, saulo niya ang mga suot ko. Alam niya rin kung paanong huhubarin nang tama at mabilis ang mga 'yon. Kaya naman gano'n na lang ang ngiti niya nang ang huling patong na lang ang matira.

"Hawaii, huh?" pang-aasar ko.

"Yeah," ngisi niya.

"Paris? New Zealand? Bhutan? Cebu?"pinanlisikan ko siya ng mata.

"But first...here," aniyang inilapit agad ang labi sa balikat ko matapos padausdusin ang nakatabing doon.

"Maxwell!" tinapik ko ang kamay niya.

Magrereklamo na sana ako, mang-aasar, nang maramdaman ko na lang sa dibdib ko ang kamay niya. Pinalo ko ang hita niya kung saan naroon na ang kamay ko. Hindi niya inaasahan. At dahil sa patong-patong niya ring suot ay nasisiguro kong hindi niya naramdaman.

Ang labi niya ay abala sa paghalik sa akin habang ang kamay niya ay abala ring gumagala. Ang libre niyang kamay ay kahanga-hangang nahuhubad nang walang kahirap-hirap ang suot niya. Natawa ako nang mapanood na malaglag sa sahig isa-isa ang mga 'yon. Ang hanbok na pinaghirapang isuot ng hindi lang dalawang tao, mag-isa niyang inalis gamit ang iisang kamay.

Hindi niya inaasahang hahawakan ko ang trono mula sa likuran ko. Nagtama ang paningin namin sa salamin at saka nagpatuloy. Hinalikan niya nang hinalikan ang bawat madaanan ng labi niya hanggang sa hindi ko na rin maitanggi ang sariling pananabik.

"Ang aga-aga, Maxwell," natatawa ko pa ring sabi nang matapos ang mahabang sandali.

"It's hapon already."

"Hindi ka makahintay ng gabi?"

"We'll do it again later."

Pinandilatan ko siya. "Ewan ko sa 'yo. I want to wash."

"Together, let's go," aniyang kinuha ang kamay ko.

Akala ko ay ligo lang talaga, nagkamali na naman ako. Dahil hindi iyon ang pipigil kay Maxwell na gawin ang kaniyang gusto. Hindi ang oras o pagligo ang makapagpapahinahon sa tagumpay ng trono.

Tuloy ay gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo ni Maxpein nang magkahawak-kamay kaming dumulog sa mesa nang makababa.

"Masaya ka?" sarkastikong ani Maxpein sa nakatatandang kapatid.

Parang batang tumango-tango si Maxwell saka sumulyap sa 'kin. Nagngitian kami na animong naisip ang parehong kalokohan.

"Patingin ng masaya?" nang-aasar na ani Maxpein.

Nangunot ang noo ni Maxwell. "Don't worry, you're still my princess." Kinindatan niya ang kapatid saka lumingon sa 'kin. "She's my queen."

"Tss. Ganyan din ang sinabi ni Sensui sa 'kin."

Bumuntong-hininga si Maxwell. "So, are we going to compare everything now?"

"Bagay na bagay kayo, pareho kayong maarte."

"Well," ngumisi uli si Maxwell. Magsasalita pa sana siya nang malingunan si Maxrill na noon ay magkakrus ang mga brasong nakangiwi sa kaniya.

"What?" si Maxrill pa ang may ganang magtanong nang titigan siya ni Maxwell.

"Tired of being single, huh?"

"Really?"

"Annoying, 'no?" desididong mang-asar si Maxwell.

"What do you want, hyung?" kunot-noong nag-iwas ng tingin si Maxrill.

"Still jealous?"

"No way."

Ngumiwi si Maxwell. "Excited to go home, huh? Laguna, maybe?"

Tumalim ang tingin ni Maxrill. "Stop it, hyung." Malambing iyong ipinakiusap ni Maxrill.

Matunog na ngumisi si Maxwell. "Thanks for being here, dongsaeng. I know you're busy...trying to figure out how to get a girl"

"I said stop it, dude!" Nagtawanan kami nang ihilamos ni Maxrill ang mga palad sa mukha na para bang gano'n na lang pagkaasar. Na animong namomroblema na sa love life niya.

Mahabang sandali ang namayapa nang magsimula kaming kumain. Tikhim ni Maxpein ang bumasag no'n.

"Kinausap ng reyna si Maxwell," panimula niya, napalingon ang lahat. "Kapalit ng paglilitis ni Maxrill ay ang anak ng maji."

Nakita ko nang makahinga nang maluwang ang mga magulang ni Maxwell bagaman hindi ko masyadong ma-gets ang usapan. Ganoon naman sila. Sila lang 'yong nagkakaintindihan nang wala masyadong binibitiwang detalye. Hindi gaya naming mga normal na tao na kailangan munang pakinggan ang lahat ng detalye at nangyari bago magkaintindihan. Kailangan ko na sigurong sanayin ang pakikipagpakiramdaman dahil ganoon ang mga Moon. Mga wirdo.

"That's great," pabulong na ani Tita Maze.

Tiningnan siya nang deretso ni Maxpein at saka umiling. "Inaasahan niyang makabubuo ng anak ang maji sa buwan ng Agosto sa susunod na taon."

Pare-pareho kaming nagulat, maliban kina Maxwell at Maxpein. Doon lang ako nakaintindi. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko at wala sa sariling binilang ang mga araw at buwan. Mahigit sa isang taon pa ang gusto ng reyna. Magdadalawang buwan na akong buntis ngayon. At kung inaasahan nitong sa August next year pa kami makakabuo, nasa isang taon na mahigit ang anak namin sa panahong 'yon.

Seryoso ba siya?

Nag-alala talaga ako. Bukod sa amin ni Maxwell ay pamilya lang niya at mga magulang ko ang nakaaalam sa batang naroon sa sinapupunan ko.

Bigla ay hindi ko na maigalaw ang kamay ko. Hindi ko na maipagpatuloy ang pagkain. May kung anong bumabara sa lalamunan ko. Para na akong nahihilo. Ganoon naghalo-halo ang nararamdaman ko.

"Sa tingin ko ay may ideya na siya,"bumuntong-hininga si Maxpein. "Hindi niya kinuwestyon ang alaala ni Maxwell." Hindi ko inaasahan ang sarkastiko niyang pagngisi. "Mukhang sinasakyan niya ang lahat ng sikreto natin."

"That old lady is power-tripping," hindi ko lalo inaasahan nang sabihin iyon ni Maxrill. "Let her do what she wants, then."

"Maxrill," naninita ang tinig ni Tito More.

"What?"

"'Wag kang magsalita nang ganyan laban sa reyna."

"Dad, I'm not afraid of her."

"You should be."

"Why?"

"Because you don't know her."

"She doesn't know me." May diin ang unang salita ni Maxrill.

"She does, son." Istrikto iyong isinagot ni tito, pinakakaba ako. "Maxrill?" nangangaral niyang pagtawan nang mag-iwas ito ng tingin, naiinis. "She was there when you were born, watching every step that you make while you grow. This isn't your job, son. Live in silence."

Nag-aalala akong tumingin kay Maxwell. 'Ayun na naman 'yong malalalim at makahulugang salita ni Tito More. 'Ayun na naman 'yong pagkapikon ni Maxrill na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Alam kong marami pa akong hindi alam. Naiintindihan ko rin na mahabang panahon pa ang bubunuin ko para maintindihan ang lahat. Tanggap ko lalo nang hindi lahat ay kailangan nilang sabihin, na hindi lahat ay kailangan kong malaman. Tatak na ng mga Moon iyon.

Ngunit sa kabila ng kaba at pag-aalala, hindi inaasahang matamis na ngiti ang isasagot ni Maxwell. Sa halip tuloy na mas kabahan ay nabawasan ang naghahalo-halong pakiramdam ko. Wala sa sarili akong napangiti nang hawakan niya ang kamay ko.

"It's okay," aniyang hinaplos pa ang pisngi ko. "We're not alone, baby, okay?" Mas napangiti pa ako nang sabihin niya 'yon.

"Yeah," naroon ang paniniguro sa tinig ni Maxrill nang lingunin ako. "We got you,"naninigurong dagdag niya.

Muli kong hinarap si Maxwell na hindi man lang yata inalis ang paningin at ngiti sa 'kin.

Sa halip ay lalo siyang ngumiti. "You're a Moon now," dagdag ni Maxwell. "And nobody messes with my family."

Napamaang ako sa kaniya at isa-isang tiningnan ang pamilyang Moon na noon ay deretsong nakatingin sa akin. Gumuhit ang luha sa mga mata ko nang gumuhit din ang naninigurong ngiti sa kanilang labi.

Sa unang pagkakataon nang may pag-aalala sa dibdib ko, ngayon ko lang ako nakahinga nang maluwang. Hindi ko alam kung paanong naiparamdam ng mga Moon sa akin ito. Sa pamamagitan ng tingin ay para silang nagbitiw ng pangako. Para akong nakatanggap ng mga salitang hindi lang pangako ang laman, kundi may kasiguraduhan.

Iyon ang pamilyang Moon. Oo nga at madalas ay mayabang ang kanilang dating. Madalas ay mahirap silang intindihin, parang may sariling mga mundo na sila-sila lang ang nagkakaintindihan. May mga oras na animong nakikipagkompetensya at ipinaaalam ang kakayahan nila. Pero sa kanila ay pagpapakatotoo lamang ang mga 'yon.

Iyon ang pamilyang Moon. Sila lang 'yong nakilala kong hindi dapat katakutan ang sandaling delikado. Sa halip ay sila ang dapat na katakutan. Sila iyong hindi ipinag-aalala ang masasamang mangyayari. Dahil mas ipinag-aalala nila ang hindi pagkain ng hapunan sa tamang oras. Sila iyong hindi man mahulaan ang lahat ng kilos ng kalaban, nagagawan naman nila ng paraan. Sila iyong inuuna ang isa't isa kaysa sa galit. Sila iyong pinipili ang umintindi kaysa maghiganti. Sila iyong nananahimik dahil alam ang totoo kaysa mag-ingay sa hindi naman sigurado. Sila iyong kapag minahal ka, talagang gagawin ang lahat hindi lang para maangkin ka kundi poprotektahan ka, igagalang at mamahalin nang sobra.

Ito na nga ang pamilyang Moon. Ang pamilyang hindi ko pinangarap makasama ngunit heto at nasa harap ko pa. Ang pamilyang kinabibilangan ng lalaking hinangaan ko at hindi pa rin mapaniwalaang napang-asawa ko na.

Iyon ang pamilyang Moon. Hindi man dahilan ang kakayahan nila para hindi masaktan, matakot o mag-alala ang minamahal nila. Sisiguruhin naman nilang hindi ka masasaktan, matatakot o mag-aalala nang mag-isa.

Dahil iyon ang pamilyang Moon. Hindi ka nila iiwanang mag-isa. Masasaktan, matatakot at mag-aalala ka nang sila ang kasama. Na bago sila ay ikaw muna. Handang iharang ang sarili, maprotektahan lang ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nakangiti, wala sa sarili ko silang tiningnan. Saka dumapo kay Maxwell ang aking paningin at maingat siyang tinitigan habang patuloy na inaasar ang mga kapatid. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong ugali niya. Hindi ko pa siya nakitang makipagbiruan ng ganito kina Maxpein at Maxrill. Sigurado akong gano'n na lang talaga siya kasaya.

Mas napangiti pa ako nang magtawanan ang mga magulang nang sabay nang asarin nina Maxpein at Maxwell si Maxrill tungkol sa pagiging single nito. Isa-isa kong dinapuan ng tingin ang mga Moon at hindi mawala ang pagkamangha ko.

I'm going to live with this family for the rest of my life...I still can't believe it.

May kung anong umalon sa puso ko dahil sa sariling naisip. Hindi ko na mapangalanan ang saya. Mula sa pagiging mapaghangad ko, heto at wala na akong hihilingin pa ngayon. Na para bang nakuha ko na ang lahat, na kahit anong matanggap ko ay sobra na ang tingin ko. Wala nang kulang at hindi na magkukulang pa.

Napahawak ako sa tiyan ko at mas napangiti pa. Saka ko muling sinulyapan ang pamilyang makakasama ko habang-buhay.

"Maganda ang health care system sa Canada, sila ang nangunguna," ngiti ni Tita Maze mayamaya. "But I suggest na sa Denmark o Sweden mo gawin ang monthly check-up. Pumili ka sa dalawa."

Napangiti ako. Kanina lang ay pare-pareho naming inaalala ang reyna. Pero heto at mas excited pa sila sa akin ngayon. Talagang kakaiba ang pamilyang ito. Sila talaga iyong tatalikuran ang problema para piliin ang maging masaya. Hindi para takbuhan iyon dahil alam nilang meron silang solusyon doon. Sadyang hindi lang sila iyong nagpapakalunod sa mga negatibong pangyayari. Pinipili nila kung ano ang sa tingin nilang karapat-dapat na maramdaman ng lahat.

"Kahit saan, tita," ngiti ko saka nilingon si Maxwell.

"Pero sa bahay ni Maxwell ka manganganak," ani Maxpein. "Ako na ang magpapaanak sa iyo."

Gano'n na lang ang excitement ko. "Sure!"sagot ko.

"Iyong check-up na lang ang ipunta mo sa Denmark o kaya ay sa Sweden. Sasamahan ka nina Maze at Maxwell. Hangga't maaari, sa ibang bansa ka na lang magpatingin," gano'n din ang suhestiyon ni Maxpein. Nagtanguan ang mga magulang namin. "Ilang buwan pa, pwede mo nang malaman ang kasarian ng bata."

Nakangiti akong umiling. Saka ako nagbaba ng tingin sa aking tiyan. "Ayokong alamin." Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Nabasa ko ang gulat sa kanila pero muli ring ngumiti. "Gusto kong malaman kapag lumabas na siya sa mundong ito." Nakangiti kong hinaplos ang tiyan ko.

Nakangiwing tumango si Maxpein. "Pwede rin naman 'yon. Ikaw ang masusunod."

"Alam mo ang batas ng bansang ito, hija."Kapagkuwa'y tumikhim si Mokz. Isa-isang nagsipagbuntong-hininga ang mga Moon.

Humugot ako ng lakas ng loob pero gano'n pa rin ang pagguhit ng luha sa mga mata at kaba ko. Sinikap kong ngunit pinakibot lang niyon ang mga labi ko. Pero sa kabila no'n ay muli akong humugot ng hininga at tumango sa kanila.

"Magiging rango ang anak ko," gumaralgal man ang aking tinig ay malinaw ko iyong nasabi. "May tiwala ako sa pamilyang ito."

Nakita ko silang magulat at mapatitig sa akin. Isa-isa ko silang tiningnan saka ko nilingon si Maxwell na noon ay gulat na gulat. Emosyonal siyang tumayo yumakap sa 'kin. Isiniksik niyang mabuti ang mukha sa leeg ko at saka siya matunog na ngumiti.

"I love you, baby."

"I love you, too," pabulong kong sagot.

Tumayo si Tita Maze at yumakap din sa akin. "Ikaw ang kaisa-isang tumanggap ng katotohanang iyon, Yaz. Humahanga ako sa 'yo." Ang sarap sa pakiramdam ng sinabi niya.

Nalingunan ko ang ilan pang myembro ng pamilyang Moon na gano'n na lang ang paghanga at ngiti sa akin. Isa-isa nila akong tininguan na nagdulot ng kung anong kilabot sa 'kin.

Nagtama ang paningin namin ni Maxpein. Pinunasan ko nang pinunasan ang mga luha ko saka ako ngumiti sa kaniya.

Hindi ko inaasahang tatanguan niya ako. "Bilang ako ang pinakamataas sa lahat ng rango, tuturuan ko ang lahat ng isisilang sa pamilyang ito nang higit pa sa natutunan ko. Pangako 'yan."

Nakakabaliw ang araw na iyon. Nang umaga ay ikinasal ako at walang paglagyan ang saya ko. Ni hindi ko na nga mapangalanan ang halo-halong pakiramdam.

Nang tanghali ay nagkaisa ang korona at trono na ilang beses nang nangyari pero paulit-ulit naming pinananabikan. Parati na ay parang iyon lagi ang una.

Ang maghapon ay nagsimula sa asaran hanggang sa pare-pareho kaming kabahan. Nagpalitan kami ng kasiguraduhan at tiwala sa gitna. Sa huli ay naging emosyonal ang lahat.

Kakaiba. Papalit-palit. Halo-halo. Pero sa kabila ng mga iyon, kontento at masaya ako. Ang pamilyang Moon lang ang nakagagawa no'n. At kung handa silang gawin ang lahat para sa 'kin, gano'n din ako sa kanila.

To be continued. . .

Seguir leyendo

También te gustarán

3.6K 241 18
Zyxn Khyzer Costavian is a STEM and student leader at Central Mindanao University. Being young and naive never hinders Khyzer from having a feeling o...
2.2M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
39.3M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...